Dranreb Belleza gives update on health problems and plan to settle down

"Nakahanda na ako kung anuman ang mangyari. Sa ngayon,I'm just enjoying my life. Tuluy-tuloy pa rin ang pagpe-painting ko. I am sick.I also have multiple scoliosis. Kaya nga ini-enjoy ko na lang ang buhay ko," relates Dranreb Belleza abouthis health. He also told PEP about his plan to settle down next year.




Nagulat kami dahil mistulang langung-lango ang itsura ni Dranreb Belleza nangmaabutan namin sa Heritage Art Center na nasa Marikina Shoe Expo Arcade, Cubao,para sa painting exhibit ng dating child actor doon noong Lunes, September 8.

"At saka na lang tayo mag-chikahan dahil ayoko nangdagdagan pa ang kahihiyang dinala ko na sa pamilya ko," makahulugangpakiusap ni Dranreb sa PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang taga-mediana gustong makapanayam siya.

UPDATES ON HIS HEALTH. Kinabukasan lang, September 9, nangmaayos-ayos na ang takbo ng isip ni Dranreb, at saka siya nagpaunlak ng panayam satelepono.

"I've been in the Philippines noong December pa of lastyear," sabi niya. "Pero babalik na ako sa States sa September 18 toget another medical opinion tungkol sa tatlong tumors na nakita sa colon ko,and at the same time, yung swelled prostate ko."

Medyo nagulat kami sa sinabing yun ni Dranreb dahil ang akala namin ay naayos na ang dating health problem niya that caused him to undergosurgery sa Amerika.

Obviously, this is another obstacle that he has to face.

"Nakahanda na ako kung anuman ang mangyari," sabi ng dating child actor. "Sa ngayon, I'm just enjoying my life. Tuluy-tuloy pa rin angpagpe-painting ko. I am sick. I also have multiple scoliosis. Kaya nga ini-enjoyko na lang ang buhay ko."

Nasabi nga ni Dranreb na hindi na niya namalayan pa ang ibangguests that night sa art exhibit. Ang grupo ni Cookie Chua ay nag-perform athindi na napansin pa ni Dranreb na naroroon din si BayangBarrios. Mabuti na lang, maaga-agang nagpunta ang aktres na si RitaAvila na personal na inimbitahan ni Dranreb.

DRANREB'S FIANCéE. Kapansin-pansin that night nalaging nakadikit si Dranreb sa isang babaeng kamukha ni Pilar Pilapil.

"She's my fiancée, si Daisy," sabi ni Dranreb sakabilang linya. "In-charge siya sa catering last night. We're planning toget married next year, sometime in August, sa Batangas, sa may Sombrero Island.Doon namin gustong magpakasal."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

DOING A "JUDE." Nagulat na naman kami sa sinabing ito ni Dranreb, at ang unang pumasok sa isip namin, nainggit ba siya kay Jude Estrada nakailan lang ay nag-settle down na?

"It has nothing to do with Jude!" medyo natawa si Dranreb sa kabilang linya. "Good for him if he has settled down. Kaibigan ko parin naman yun. I'm talking about my personal life na. I have finally foundsomeone na makakasama ko habang-buhay.

"At least, may konting hope pa rin ako in life, diba?" dagdag niya.

Siguro nga, roon na matatapos ang kung anumang kaugnayanmayroon sila ni Jude.

Well, kung anuman yun.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN