Maricel Morales determined to fight for custody of her children

"God knows how I amsuffering. This is becoming doubly painful dahil nga sakorte gusto pang patunayan ni Ace na pinagtaksilan ko siya. At ngayon, gusto paniyang palabasing masamang ina ako paramakuha niya ang mga anak namin," says Maricel Morales about her custody battle with estranged husband Ace Espinosa.



Naghihinayang angactress-beauty queen turned politician na si Maricel Morales sa pagkawasak ng kanilang tahanan ngkabiyak na si Ace Espinosa. Pero aniya, higit naman daw itong nakabuti sa buhay nila ng kanyang mga anak. Magli-limang taon na silang hiwalayng dating action star na si Ace at puwede na raw niyang sabihing isa ito samadilim na bahagi ng kanyang buhay.

"Maraming gabi konginiyakan yung paghihiwalay namin, hindi dahil nawalan ako ng asawa, kundi dahilnawalan ng tatay ang mga anak ko. Kung para sa sarili ko lang, kaya ko, peroyung sa mga anak ko, talagang ikinalungkot ko nang labis," seryosong kuwento sa PEP (Philippine Entertainment Portal) ni Maricel nang dalawin namin siyasa isang junior golf tournament sa Mimosa, Clark Field, Pampanga.

Dagdag niya, "Akokasi, produkto rin ako ng broken marriage kaya alam ko kung paano ang epektonito sa mga anak ko. Wala naman akong magagawa, I did everything to save itpero sa bandang huli, naisip ko na mas mabuti na nga itong nangyari sa amin.Kesa naman habambuhay kong titiisin yung pasakit ng isang pagsasamang sa una palang, talagang malabo na."

Nagpahayag din siMaricel tungkol sa kanyang mga anak.

"Ako, mag-isa langakong nagtataguyod sa kanila. I provide for their needs. Lahat ng mgaactivities nila sa school na needed ako, I am there for them. Wala akongpinalalampas dahil alam kong malaking bagay yun sa mga bata. Noong ako, kahitna anong event o PTA meetings, wala akong magulang na naipakita sa school. Kayaako, talagang hands-on. I never leave my children alone. I travel with them intheir journey through life," lahad niya.

Masasabing ironicpero yung inayawan niyang pagiging miyembro ng isang broken family ang parehonghinaharap ng dalawa nilang anak ni Ace. Hindi kaya iniisip ni Maricel na baka unfairsiya dahil puwede naman siguro niyang inayos ang kanilang buhay mag-asawa para hindi naumabot sa ganito?

"Wala naman sigurongmay gusto na maging broken family," sagot ni Maricel. "I love my children atpuwede ko pa ring isigaw that I also loved my husband. But I got tired of theset-up. Hindi na talaga puwede. Dapat kasi, dalawa ang lumaban, dapat dalawakaming nagtulong to save the marriage."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Marami raw siyangisinuko sa buhay alang-alang sa pamilya niya, pero hindi raw cooperative si Acekaya umabot sa failure ang lahat.

"I said this wasbetter, that this is the better deal. That I raise my children alone paramakalaya na sa isang pagsasamang alam kong sa bandang huli ay magpi-fail din.Sa umpisa pa lang ng mga problema namin, I was scared sa maaring mangyari. Idid my part. In fact, we went into marriage counseling and religiously talagangginawa namin yun. But no matter what, heto, failure pa rin.

"Nagsawa na ako namag-isa lang na kumakayod. Whenever I needed to take him [Ace] to my workplace,ayaw niya. Sa bandang huli, he accused me of infidelity. Walang katotohanan angmga bintang niya, so lalo kaming nasira. I was saying noon na sayang naman, evenour friends said, sayang daw. But when they heard the real score, kahit sila aynag-agree na wakasan na namin."

Sa ngayon, mayannulment case silang inaasikaso ni Ace. Kumbaga, final move na ito to cut therelationship. Pero ang mabigat, naghain din si Ace ng case for full andcomplete custody of their children. Pinagbibintangan kasi siyang unfit mother, sa kabila ng sa pakiwari ni Maricel na inihahandog niya ang buong buhay niya sa mga bata.

"God knows how I amsuffering," sabi ni Maricel. "This is becoming doubly painful dahil nga sakorte gusto pang patunayan ni Ace na pinagtaksilan ko siya. At ngayon, gusto paniyang palabasing masamang ina ako paramakuha niya ang mga anak namin.

"Ang mga bata mismoang nasasaktan sa nangyayari. Yung panganay namin, dahil may memories na siyasa ama nito ay marami nang mga tanong, marami nang mga nasty comments. Bakit daw baparang patay na ang tatay nila? Matagal na kasi siyang hindi nagpapakita sakanila.

"I discourage my children to think that way. I make it a point naipaliwanag sa kanila na baka maraming ginagawa ang tatay nila. But I cannothide that forever. Paano ko siyang pagtatakpan kung ganyang lumalala angkanyang pagkukulang sa kanila? Maraming kailangan ang mga bata't wala siyangnaiaambag para dito. Tapos gusto niyang kunin sa akin?"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi raw susuko siMaricel at ipaglalaban niya ang mga anak niya hanggang sa huli.

"Matagal ko nangtinanggap na wala na siya. As soon as I decided to break up with him, yun na angfinal decision ko. I did not want to get stuck in the relationship. Noong kamipa, I wanted to do so many things, ang dami kong pangarap. But I was alone, henever did his part, kaya paano kong matutupad ang mga pangarap ko sa pamilya?"malungkot na kuwento niya.

Sabi ni Maricel,minasama raw siya ni Ace at nagpipilit na mag-astang mabuting ama. Ang mensaheniya kay Ace: "Kung mahal mo ang mga anakmo, sustentuhan mo sila. Stop pretending you're a good father at my expense. Befair enough, at least to your children."

Kung siya angmagbibigay ng kuwento sa buhay niya na animo'y parang pelikula, paano niya itogustong magwakas?

"I want to have anormal family. Yung may mga magulang na sumusubaybay sa mga anak ko. Yungdalawa kaming magmamahal sa mga bata. Yung normal lang kagaya ng iba,"nakangiti niyang sabi.

Malinaw na hindiisinasara ni Maricel ang pinto ng kanyang puso. Ready na ba siya ulit?

"I will get readyfor that when the time comes. Alam ko na ang mga katangiang gusto ko pero di kopa siya nami-meet. Baka nga darating yung panahong muli akong hahanap ng isapang ama para sa mga anak ko," pagtatapos ni Maricel.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN