Josef Elizalde confident of his chances with love team partner Nicole Uysiuseng

"Sana tuluy-tuloy pa rin yung love team namin hanggang tumagal.Kasi talagang kahit ako nandito na ako, hindi mahirap magtrabaho kapag kasamasiya. Walang hiyaan," says Josef Elizalde about his love team with NicoleUysiusen, shown here with Josef's new dog Axle.




Overjoyed ang dating Pinoy Big Brother Teen Edition Plushousemate na si Josef Elizalde sa 17th birthday celebration na ibinigay sakanya ng Yonic Fans Club sa Pier 1 noong mismong kaarawan niya, September 8. Si Josef daw ang may gustong mag-celebrate sa Pier 1para sa kanyang mga kaibigan, ayon sa Yonic na hango sa pangalan ni Josef(pronounced as Yosef) at ng ka-love team niya at third big placer sa PBB na siNicole Uysiuseng.

Kinumusta agad ng PEP (Philippine Entertainment Portal) angbirthday celebrator.

"Masaya po siyempre," bungad ni Josef. "Ah, siguro namanlahat ng tao, paborito ang birthday. Ako, ito talaga ang inaabangan ko everyyear. Pag birthday ko, napi-feel ko na parang, ang saya kasi ng mga taotini-treat ako nang special, e. Katulad kanina, kalaro koyung friend ko sa bilyar. Tatalunin na niya dapat ako 'taposhumihirit ako, ‘Sayang, birthday ko pa naman ngayon.' Nagpatalo siya."

Napaka-special daw ng birthday niya ngayon dahil ang mgafans niya mismo ang punung-abala sa party niya. Ito rin ang first showbiz partyniya.

"Yes, especially, this year. Ito po siguro yung year nahindi ko malilimutan. Kasi this year lang nagsimula ang lahat ng ito,e. Kasi nung March [pumasok sa PBB house]..."

Ano ang birthday wish niya?

"Sana tuluy-tuloy ang careeer ko. Sana more blessingsto come sa akin, pati sa family. Sana good health sa family ko, sa parents ko."

Naunang dumating sa party ang ka-love team ni Josef na siNicole at ang kanyang Tita Ana na nakasama niya sa loob ng PBB house,with her son. Kasabay dumating ni Josef sa party niya ang kanyang Mommy Marinezat Daddy Butch na halos carbon copy ni Josef.

Nakalabas na dati sa ilang pelikula ang daddy ni Josef atisa ro'n ang pinagbidahan ni Gabby Concepcion noon.Maliit lang daw ang roles na nagagampanan ng daddy niya noon dahil mas gustonito ang tumugtog kesa maging artista.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

PARTY SURPRISES. Dumating din para personal na batiin si Josef ng ibapang PBB teen housemates na sina Beauty Gonzales at Mikan Ong.

Pagkatapos ng dinner, ibinigay kay Josef ng Yonics ang birthday gift nila sacelebrator. Binigyan si Josef ng pug na may pangalang Axle (ayon sanaka-register sa birth certificate nito). Gusto ni Josef na bigyan ng ibangpangalan si Axle.

Hindi nagtagal, ginulat ulit si Josef ng isa pang sorpresathat night. Kinantahan siya ni Nicole ng "You Will Always Be My Baby." Favoritesong daw ito ni Josef para kay Nicole. Habang kumakanta si Nicole, ang amanaman ni Josef na isang musikero ang tumutugtog sa gitara.

Bongga si Josef dahil napasama agad sila ni Nicole sateleserye ng ABS-CBN. Among the pairs na nabuo sa loob ng PBB house,sila lang ni Nicole ang tumagal ang tambalan.

"Sana tuluy-tuloy pa rin yung love team namin hanggangtumagal. Kasi talagang kahit ako nandito na ako, hindi mahirap magtrabaho kapagkasama siya. Walang hiyaan."

CHANCES WITH NICOLE. Inamin ni Josef na nanliligaw nasiya kay Nicole. Pero feeling niya, wala siyang karibal sa panliligaw sadalaga, maging ang naging mahigpit niyang karibal sa loob ng PBB house nasi Robi Domingo.

"Hmm...hindi. Ewan ko. Tanungin ninyo kay Nikki."

Hindi kaya mag-on na sila ni Nikki?

"Ay, hindi. Parang lumalalim lang siya," ngiti ni Josef.

Paano niya nasabing lumalalim na ang relasyon nila niNicole?

"Nararamdaman ko, e. Pero hindi naman nararamdaman nasasagutin. Hindi ko po alam kung kailan ko siya tatanungin."

Ano ba talaga yung nararamdaman niya for Nicole?

"Yung feelings na ano, may parang...hindi ko ma-explain,e. Basta yun. May feelings na parang nakukuha ako."

Sa scale na 1 to 10, ano sa tingin niya ang chance niya kayNicole?

"7 to 8," diretsong sagot ni Josef.

Bakit ba hindi pa siya sinasagot ni Nicole?

"Hindi ko pa po siya tinatanong, e," nakakatuwang sagot niJosef.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kailan niya tatanungin si Nicole?

"Sa takdang panahon."

Baka may makasingit at maunahan pa siya kay Nicole kapag pinatagalniya ang pagtanong dito, di kaya?

Ay, hindi. Wala nangsisingit."

Confident na siya sa sarili niya na sasagutin siya niNicole?

"Hindi ko alam, e. Confident lang ako."

Ano ba ang pinapakitang pakikitungo sa kanya ni Nicole?

"Ganun pa rin. Kung ano yung dating ginagawa namin sa [PBB]house ganun pa rin."

EFFORTLESS ACTING. Maraming pumuri sa akting ni Josefna ipinakita niya sa My Girl. Natural daw at effortless umarte siJosef.

"Parang natutuwa ako kasi yun ang first soap ko, e.Pero may nagawa na ako na ibang commercial, pero siyempre iba yungcommercial sa soap. Kaya yung mga naririnig kong mga feedback, siyemprenaman natutuwa ako. Ina-appreciate ko, ‘O? grabe naman,' ganun.

"Ako naman every night, inaabangan ko talaga.Pinapanood ko para makita ko yung pag-arte ko."

Sa tingin niya, darating ang araw na makakatayo na siya onhis own as an actor kahit wala si Nicole?

"Uhm, hindi ako sure, pero may mga actors like si Jericho Rosales, na nung nawala sila ni Heart[Evanglista], grabe ngayon, ang dami na niyang projects. Kahit wala pa siyanglove team. Pero siyempre, ang tagal na niya sa business. Hindi ako sure kungkaya ko."

Isang jacket at T-shirt na binili sa American Boulevard angregalo ni Nicole kay Josef. Last month, si Nicole naman ang nag-debut. Ano angniregalo ni Josef kay Nicole?

"Ah, dalawang dress. Ano lang naman yung dress...suot palaniya yung dress [Napansin niyang suot pala ni Nicole ang bigay niyang damit inhis party]. Sa Merger ko binili pareho yung dress niya. Yung suot niya,black. Yung isa, kulay green."

YOUTUBE ISSUE. Samantala, nilinaw din ni Josef ang isyutungkol sa lumabas sa YouTube na nakikipagsayaw daw siya sa isang gay.

"Nakipagsayaw? Wala pa naman akong nababalitaan."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero may natatandaan ba siya na okasyon kung saan nangyari raw ‘yon?

"Ewan ko. Parami lang naman nang parami yung mga isyu, e. Ewan ko. Wala namangnangyayari. Parang sayang lang ang oras mo, ganun. Basta alam mo namankung ano yung katotohanan sa ano na yun, bakit ka naman masasaktan, diba? Pinapabayaan ko lang yung mga ganyan."

Walang natatandaan si Josef na nakipagsayaw siya sa isang gay. Dahil dindaw sa isyung ‘yan kaya tsinismis si Josef na gay.

"Bading? Hindi, e. Lalaking-lalaki po ako. Sure po akodoon," madiing tapos ni Josef.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN