Angelica Panganiban gets endorsement deal out of "amnesia" issue

"Nagso-sorry po ako kung may na-offend ako. Malabopo kasi talaga ang mga mata ko. Kung hindi po tayo magkalapit, hindi ko kayomakikilala agad. Pero may maganda rin pong nangyari, kasi nasulat angissue na iyon at kinuha ako ngayong endorser ng contact lens na suot ko nangayon, kaya kita ko na po kayong lahat kahit ilang meters pa ang layo ninyo saakin," announces Angelica Panganiban.


Nasorpresa si Angelica Panganiban sa pagpasok niya saChronicle function room ng ELJ building ng ABS-CBN. Noong Tuesday, September 9, handang-handa na kasi atnaroon na ang ilang invited entertainment press at ang PEP (PhilippineEntertainment Portal), ganoon din ang production staff ng teleserye niyang IisaPa Lamang.

"Flattered naman ako, akala ko pocket interview langito at hindi ko ine-expect na ganito kalaki ang inihanda sa akin ng StarMagic," natatawa niyang wika. "Parang birthday presscon ko na ito.Kaya kahit wala nang ganito sa birthday ko sa November, okey na saakin."

"AMNESIA" ISSUE. Bago nagsimula ang interview kayAngelica, may pinanood muna kaming audio visual presentation na ginawa ngstaff ng teleserye. Ipinakita sa AVP ang pag-develop niya mula youngactress hanggang ngayong isa nang mature actress bilang Scarlet delaRhea-Castillejos sa Iisa Pa Lamang with ClaudineBarretto, Diether Ocampo at Gabby Concepcion.

Unang itinanong kay Angelica ay iyong "amnesia"issue sa kanya na hindi na raw siya nambabati ng press.

"Nagso-sorry po ako kung may na-offend ako. Malabopo kasi talaga ang mga mata ko. Kung hindi po tayo magkalapit, hindi ko kayomakikilala agad. Pero may maganda rin pong nangyari, kasi nasulat angissue na iyon at kinuha ako ngayong endorser ng contact lens na suot ko nangayon, kaya kita ko na po kayong lahat kahit ilang meters pa ang layo ninyo saakin.

NOT A GIMMICK. Nilinaw na rin niya iyong nasulat naayon sa kanya ay break na sila ng boyfriend na si Derek Ramsay, kaya parang walasiya sa sarili noong presscon ng Iisa Pa Lamang na napaiyak pa siya.May nagsabi tuloy na gumi-gimmick lang siya para mapag-usapan.

"Wala po akong sinabingnag-break na kami ni Derek, sabi ko lang may problema kaming inaayosnoon. Kung gusto ko po lang gumawa ng gimmick, di sana noon pa. Pero 16years na ako sa showbiz, hindi ko na kailangang gumawa ng gimmick. Ako pa rinpo ang nakilala ninyong si Angelica Panganiban noong bata pa at nakasayad parin ang mga paa ko sa lupa," nakangiting wika ni Angelica.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Inaamin ko po na medyo nasaktan din ako noon, nananahimik muna ako sa mga issues, ‘tapos nang magsalita na ako, hinusgahan parin nila ako, sinabihan nga akong may ‘amnesia' raw, lumaki na ang ulo ko,gumi-gimmick raw lang ako. Pero wala na po iyon, naayos na po ang lahat.

HOW ARE THEY NOW? So, kumusta na ang relasyon nilangayon ni Derek?

"Normal na po ang relasyon namin, less na ang tampuhan,mas maayos na po ang relasyon namin. Ang natutunan naming lesson, dapatpareho naming pag-usapan kung anuman ang problema."

Ipinagluluto pa rin ba niya si Derek ng paborito nitongspaghetti niya?

"Yes, ipinagluluto ko pa rin siya ng spaghetti, perokapag may chance na lang kaming magkita. Pareho po kaming busy, hindi pomagtugma ang schedule ng tapings namin. Ako M-W-F ang taping ng IisaPa Lamang siya naman T-Th-S ng serye nila ni Judy Ann [Santos]. KapagSunday, kung nasa ASAP '08 ako, siyanaman, nasa Tagaytay with his parents.

"Pero ngayon pa lang, gusto na naming magpa-reserve ngtickets para sa World Cup sa South Africa sa 2010. Pinaghahandaan na ponamin iyon dahil matagal na kaming nagbabalak magbakasyon pero hindi pomatuluy-tuloy."

MOVIES AND OTHER SHOWS. Natanong din si Angelicatungkol sa issue na na-pull-out sila nina Roxanne Guinooat Diether Ocampo sa One Night Only ng OctoArts Films. Si Rikka Dylim ngStar Magic ang nag-explain dahil hindi raw niya alam ang tungkol doon.

"Actually, wala namang pull-out," sabi niRikka. "Mayroong offer, pero hindi pa naman nag-commit ang StarMagic. Ganoon din iyong offer kay Angelica para sa Shake, Rattle &Roll 10, under negotiation pa iyon."

Mula sa pagiging ambitious Scarlet dela Rhea-Castillejos niAngelica, this week ay magsisimula na siyang mag-taping ng sitcom na Banana Split.

"Nag-workshop nga po muna ako, hindi ko po kasi alamkung magiging effective naman akong maging comedienne," natatawang wika niAngelica. "Bahala na po si Direk Bobot [Mortiz] na siya munangmagdidirek, ‘tapos po ang anak niyang si Frasco ang magtutuloy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"May nabago na rin po sa casting, wala na si Kristine Hermosa at Riza Santos. Ang makakasama ko na,sina Cristine Reyes, Bangs Garcia, Princess Ryan,Dianne Medina; hindi ko pa po alam kung sinu-sino pa ang makakasama sacast."

NO MORE SEXY SHOOTS... FOR NOW. Na-maintain na niAngelica ang kanyang magandang body, paano ang ginagawa niya?

"Natuto na rin po akong maging conscious sa katawanko. Regular na ang exercise ko, diet, sarili ko na. Ayaw ko nang tumaba,mahirap mag-trim down muli," dagdag pa ni Angelica.

Ibig bang sabihin, may susunod pa siyang cover ng men'smagazine?

"Hindi ko pa naman po tinatalikuran ang possibility namuli akong mag-pose sa men's magazine. Pero sa palagay ko, tama na munaiyong pag-pose ko sa sa FHM. Iyong sa FHM na po muna anghuli. Proud po ako sa pagpayag ni Derek na mag-pose for the Septemberissue ng Cosmopolitan," patapos na wika ni Angelica.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN