Jolina Magdangal reacts to report that Gabby Concepcion was invited to premiere of "I.T.A.L.Y."

"Ayoko lang may pumasok na nakakasira sa loob ko sa gabi ngpremiere. Hindi natin alam at ayokong magsalita ng tapos.‘Pag nandun na, hindi ko na alam ang mangyayari. Hindi ako galit at sa ganda ngmovie, hindi na ako nag-iisip ng kahit anong sama ng loob," says Jolina Magdangal about the possibility of Gabby Concepcion (inset) attending the premiere night of I.T.A.L.Y.



Nakarating sa PEP (Philippine Entertainment Portal) angbalitang inimbita ng GMA Films si Gabby Concepcion sa premiere night ng I.T.A.L.Y.(I Trust And Love You) bukas ng gabi, September 14, sa SM Megamall.Nakapag-usap na raw ang aktor at ang executives ng GMA Films na sina AnnetteGozon-Abrogar at Joey Abacan.

Nabanggit daw ni Gabby na iho-honor niya angpinirmahang kontrata sa film company ng GMA-7. Ang pagdating ng aktor sapremiere night ay patunay na ayos na ang gusot na dala ng pag-back out niyanoon sa pelikula.

Matatandaang naging malaking isyu ang pag-urong ni Gabbysa I.T.A.L.Y., na dapat sana'y comebackmovie niya, at the last minute. Ang role na dapat sa kanya ay napunta kayDennis Trillo. Feeling "lucky" naman si Dennis noon na sa kanya naipasa ang project dahil nakapunta siya sa Europe at nakapag-cruise sakay ng cruise ship naCosta Magica nang libre.

Nakapanayam ng PEP si Jolina kahapon, September 12, para sapromo ng kanyang Destiny album under GMA Records. Ang carriersingle nitong "Will of the Wind" angginamit na theme song ng I.T.A.L.Y. Bago tapusin angpakikipag-usap sa singer-actress, hiningan namin siya ng reaksiyon sa posibleng pagdating niGabby sa premiere night ng pelikula.

"Hindi ko alam kung ano ang magiging reaction ko, e," sagotni Jolina. "Dumating siya kung gusto niyang manood. Pero ako, gusto kongmag-enjoy sa premiere night, gusto kong namnamin ang gabi with the people nakasama kong naghirap na tapusin ang movie. Kung dumating siya, okey lang. Kunghindi dumating, ayos din lang. Ayoko agad mag-judge."

Kinulit namin siya, paano nga kung dumating si Gabby?

"In case na dumating, tingnan natin kung ano ang mangyayari.Iba kasi ‘pag nandun na. As of now, hindi ko pa alam ang magiging reaction ko.Ang pinaghahandaan ko ay ang mapanood ang kabuuan ng movie. Nasilip ko na siyanang mag-voice over ako at gusto ko namang namnamin ang buong movie, gusto kong makita," saad ni Jolina.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ikinuwento ni Jolina na nag-text sa kanya si Direk MarkReyes at sinabing "You'll be proud of the movie," kaya lalo siyang na-excite namapanood ito. Para raw sa fans nila nina Rufa Mae Quinto, Mark Herras, RhianRamos, at Eugene Domingo ang I.T.A.L.Y.

Biglang naisip ni Jolina na baka akalaingpa-goody-goody ang sagot niya sa sa tanong ng PEP sa posibleng pagdating niGabby sa premiere night kaya nagpaliwanag ito.

"Ayoko lang may pumasok na nakakasira sa loob ko sa gabi ngpremiere," paglilinaw niya. "Hindi natin alam at ayokong magsalita ng tapos.‘Pag nandun na, hindi ko na alam ang mangyayari. Hindi ako galit, at sa ganda ngmovie, hindi na ako nag-iisip ng kahit anong sama ng loob."

Sa palagay niya, may dapat bang panghinayangan si Gabby ‘pagnapanood nito ang I.T.A.L.Y.?

"Hindi ko alam at hindi ako puwedeng mag-judge na dapatmanghinayang siya. Hindi pa puwede dahil hindi pa kami nag-uusap. Wala pasiyang effort na kausapin kami," sabi ni Jolina.

WISH FOR GABBY. Tinanong ng PEP si Jolina kung ano ang masasabi niya sa mganangyayari kay Gabby ngayon, gaya ng conflict nito sa manager niyang si Mrs.Rose Flaminiano.

Aniya, "Honestly, hindi ko alam na maraming isyu sa kanya athindi ko na alam ang nangyayari sa kanya. Naaano lang ako na sana, kahitmaraming negative sa kanya, wish ko lang, matupad pa rin ang reason ng pag-uwiniya na para sa dad niya. Inilagay ko sa puso ko at masaya pa rin for him nanakasama niya ang dad niya and, up to now, yun pa rin ang wish ko."

Dagdag ni Jolina, "Para huwag na lang akong masaktan atmagkaroon ng grudge, inisip ko na lang na kaya ginawa ni God na makauwi siya,para makita niya ang dad niyang may sakit."

May chance pa bang maayos ang problema sa pagitan nila niGabby?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kung may tamang pag-uusap sa tamang lugar, why not?" sagotniya. "For me, ‘pag nag-usap ang dalawang taong hindi nagkaintindihan, dapat satamang oras at tamang lugar, at alam mong nag-uusap kayo nang totoo."

Paano kung aksidente silang magkita sa isang okasyon?

"Sabi ko nga, may tamang oras at at lugar para diyan. Nagingfriends naman kami at sana kung maayos, di sana pagpiyestahan," sabi ni Jolina.

DADDY JUN ALSO REACTS. Kinuha rin ng PEP ang reaksiyon ng ama ni Jolina na si Mr.Jun Magdangal sa posibleng pagdating ni Gabby sa premiere night ng I.T.A.L.Y.Kung may mas nasaktan sa pagba-back out ng aktor sa GMA Films movie, si Mr.Magdangal yun dahil siya ang nagka-idea na pagsamahin sa pelikula ang anak at si Gabby.Si Mr. Magdangal ang unang nakipag-usap dito at willing pa ngangmakipag-co-produce na later on. Pero inayawan din niya.

"Ewan ko, hindi ko alam at wala akong masabi. Last nanag-usap kami ay nang talikuran kami at ang pelikula. Nag-i-email ako, perohindi niya sinasagot," sabi ng ama ni Jolina.

If ever dumating nga si Gabby, magkaroon kaya ngreconciliation sa pagitan nila?

"Bakit ako mag-e-effort?" sagot ni Mr. Magdangal. "In thefirst place, hindi kami ang umatras and, in the [second] place, tinalikuran niyakami. Kung ako ang sinunod niya, puwede namang gumawa siya ng pelikula sa ibangbansa at hindi siya aapak sa Pilipinas, hindi niya kailangang umuwi at walasana ang mga gulong ito ngayon."

Ayon sa kuwento ni Mr. Magdangal, ang daming tanong atreklamo raw ni Gabby sa I.T.A.L.Y. Hindi raw kilala ng aktor—na nawala sasirkulasyon sa loob ng 13 years—sina Rufa Mae Quinto, Rhian Ramos, Mark Herras,at Eugene Domingo. Nag-dialogue pa raw itong paano magiging comeback movie niyaang project kung marami silang magkakasama.

"Kung dumating siya, I think it's too late, huwag na langyun," sabi ni Mr. Magdangal. "Saka moment ito nina Jolina at ng mga kasama niyasa cast, ibigay na lang niya. Kami ang naghirap, ‘tapos biglang may lalabas nanaging cause ng problema dati."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Paano kung makipagbati na si Gabby sa kanila? Kung magingdaan para magkaroon ng reconciliation ang pagdating nito sa premiere night?

"Hindi ba sa hustisya, ‘pag may ginawa kang mali, kailangangmay parusa muna? As long as hindi siya nagso-sorry at nagkakapatawaran,mahirap yun. Kung ako ang tatanungin, hindi na siya dapat mag-appear. Kung mayreconciliation, not this time, at kung magkakabati, in God's time, huwagi-pressure. Malalim ang sugat na ginawa niya, may mga binitawan siyang salitana hindi maganda. Hindi lang kami ang nainsulto sa ginawa niya, pati angwriters at ang GMA Films."

Halimbawang lumapit sa kanya si Gabby at mag-sorry, ano anggagawin ng ama ni Jolina?

"Ewan ko. Iba ito sa pagdating niya sa premiere night ngmovie [For The First Time] nina KC Concepcion at Richard Gutierrez. Dumating siya because of hisdaughter. Yung iniwan niya kami sa ere, ibang usapan yun. Delicadeza ang usapandito. Naaawa rin ako sa kanya, but it is his own doing," pahayag ni Mr.Magdangal.

Samantala, nagulat ang PEP sa nalamang hindi pa nakukumpilansi Jolina, pero naka-schedule na. Pareho silang hindi pa nakukumpilan ng nobyongsi Bebong Muñoz.

"Excited na ako sa kumpil at nag-usap na kami ni Bebong nasabay kaming magpapa-kumpil at okey sa kanyang sabay kami. Natawa ako at hindipa rin siya nakukumpilan. Ang tanong nga ngayon ay hindi kung kailan ang kasal,kundi kailan ang kumpil. Nakakatuwa!" pagtatapos ni Jolina.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN