Phoemela Baranda says there was no "color scheme" in the Randy Ortiz fashion show

"Walang particular color scheme, walangparticular style. I guess the guests are free to wear whatever they want towear," relates Phoemela Baranda, contradicting what Kris Aquino said about the "color scheme" in the Randy Ortiz show.


Naging bongga at pinag-usapan nanghusto ang nakaraang Metro Wear Fashion Show ni Randy Ortiz last September 4 inEdsa Shangri-La. Bukod sa star studded ito, may ilang 'dulas' momentsng mga rumampang artista tulad nina Bea Alonzo,Phoemela Barranda at iba.

Naging kontrobersyal ang nasabing event dahil sakumpirmadong pagtatarayan na namagitan kina Kris Aquinoat Charlene Gonzales-Muhlach.

"Color scheme" ang naituturong dahilan kungbakit nakapagbitaw daw ng paulit-ulit na biro ang taklesang TV host-actress saformer beauty queen-turned actress-TV host. Ikinapikon daw nang husto niCharlene ang sinabi ni Kris sa kanya.

Umamin naman si Kris na humingi na siya ngtawad kay Charlene, ngunit dedma lang ito sa kanya. May balita pang maging angasawa ni Charlene na si Aga Muhlach ay masama rin ang loob kay Kris dahilsa nangyari.

PEP (Philippine Entertainment Portal) gotthe chance to interview one of the celebrities na rumampa nung gabing nagkaroonng alitan sina Kris at Charlene, si Phoemela Barranda. Agad namin siyangtinanong kung may color scheme ba talagang dapat sundin ng mga participatingmodels at mga artista nung gabi ng fashion show.

"Walang particular color scheme, walangparticular style. Sa mga ganyan namang events laging little black dress angsuot ng mga guests. Ako, model, so it must be rare. I guess the guests arefree to wear whatever they want to wear. "

"The whole collection was romantic, veryRandy O na feminine. Yung sa akin kasi parang pink rose... I don't know kungano ang tawag sa color na yun, but it's very, very soft, yung color niya."

Nang tanungin namin kung napansin ba niyaang outfit nina Kris and Charlene sa nasabing event, Phoem admitted to us nahindi niya ito napagtuunan ng pansin. Ang nakaagaw pa nga ng atensyon niyaay ang suot ni Ruffa Gutierrez.

"Ang nakita ko lang ay yung pinakamagandangkulay, yung pinaka-loud, yung kay Ruffa. Bagay sa kanya yung color, parangfuschia siya, red or hot pink. Siyempre medyo blurred pa yung paningin kokasi kadudulas ko lang, di ba?" sabay tawa nito habang kausap namin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Phoem even asked Randy about this colorscheme issue at kung ano ang reaksyon nito sa kumprontasyon between Kris andCharlene. Maging ang mahusay na fashion designer ay clueless noong una na mayissue palang nangyari sa dalawa.

"I called him last Sunday. Tawa lang siyanang tawa. Alam mo naman si Randy, he's very, very fun to talk to. Ang sabiniya sa akin, wala siyang alam sa nangyari, he doesn't even know. Ang sabilang niya sa akin,"Alam mo naman ako, gumagawa lang ako ng mga damit ng mgaartista."

Inamin sa amin ni Phoem na hindi niyapersonal na nakita o narinig ang sinasabing kumprontasyon nina Kris atCharlene. Ang nagkuwento sa kanya tungkol dito ay ang isang kasamahanniya ring artista-model.

"I just heard the issue from a friend nanagkaroon nga raw ng something because of the color scheme. I don't knowexactly kung sino ang nagsalita, but I think someone nga raw said, bakit ngaraw may ibang color? But just like I've said, I don't think it's true,kasi everybody is free naman to wear whatever they want to wear. I was atthe backstage kasi nung nangyari yun. Kasi yung backstage namin, mayroon pangdressing area which is the Palawan room, nasa Palawan room ako.

"Even if you're in a little black dress,you can still be the Star of the Night. It still depends on how you carryyourself," palagay ni Phoemela.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN