Jan Manual appears again after his KapusOlympics accident

Jan Manual said he has no regrets joiningthe KapusOlympics in spite of the accident that caused him second-degree burns. "Game naman po yun. Walanaman pong may gusto no'n. At saka, maykasabihan nga po, ‘Sacrifice once, so others may live.'"


For the very first time, nakuha na nganghumarap ng StarStruck Avenger at Pacboy ng Startalkna si Jan Manual nang live sa Startalk yesterday, September 13. Si Jan ay aksidenteng nahuluganng torch sa mukha at ilang bahagi ng kanyang braso sa nakaraang KapusOlympics Watermania2008 sa Golden Sunset Resort.

At first time rin na ipinakita sa Startalk kahapon ang actual naaksidsente na muntik nang ikasira ng kanyang buhay, hindi lang ng kanyangcareer. Pero sa unang pagkakataon nga na humarap si Jan nang live, hindi nahalos mababakas ang pagkasunog sa kanang bahagi ng kanyang mukha. Dahilsa aksidente ay nagtamo siya rito ng second-degree burns.

Ayon nga sa Startalk host na si Joey de Leon, hindi nga naman biro ang sinapitni Jan Manual, na halos malaking bahagi ng katawan niya ang nasunog at bumagsakpa siya mula sa taas na 8 feet.

Ikinuwento nga ni Jan ang actual nanangyari that night. Aniya, "Kasi po both teams, parang nagmamadali na. Yungginawa ko na po, parang inangat ko na po ang torch. Kasi, nakita ko na po nadapat po talaga, si Maggie Wilson ang aakyat sa torch. Pero ako na po angnag-volunteer na gagawa.

"Pagkaangat ko po, yun na... Kasi po, punosiya ng gas. So, tumapon po sa braso ko muna. E, nakadamit po ako, so, yungapoy, naiwan po sa damit ko. Malakas po talaga ang apoy. Habang tumatagal, mastumitindi po siya."

Butch Francisco asked kung noong nangyariraw ba yun, inisip nga ni Jan na katapusan na niya?

"Opo...kasi, yung apoy, habang tumatagal,lumalaki so, ine-expect ko na yung apoy, kakalat na sa buong katawan ko, e.Parang wala na ngang way para mamatay ang apoy. Sobrang sakit na po talaga.Tina-try ko pa na mawala ang apoy, pero wala na, e, kumalat na sa mukha ko."

Three weeks din daw na nakaratay sahospital si Jan. Kaya masasabing mahirap para sa isang taong tulad niya naevery week nga raw, magkakasama sila sa Startalk,pero hayun at nakaratay siya't nagpapagaling.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano ang masasabing mga pinagdaanan niya nangmga oras na yun?

"Ay, sobrang hirap ko po. Kasi po,ine-expect ko pong talaga na magdidikit-dikit ang balat ko. Three weeks na nasahospital ako at itong kanang-kamay ko, balot siya ng bandage. ‘Tapos yung isanaman po, naka-dextrose, so, ang hirap pong ikilos talaga.

"Every time na kumikilos ako, may kirot,may sakit."

Noong mangyari raw ang naturang aksidente,wala rito ang kanyang daddy, na nagtatrabaho sa isang barko.

"Ay opo, nagulat po kasi siya noongmalaman. Hindi po talaga namin ipinapaalam. Kapag tumatawag po, sinasabi ni Mommy na, ‘Ah, nasa taping siya.Siyempre po, kung sasabihin po namin sa kanya, baka maging emotionally torturedpo siya, kawawa naman po siya sa barko."

Mabuti na nga lang daw at hindi nakakapag-Internet ang ama dahil nasa gitna siya ng karagatan.

Dahil wala na nga halos makitang bakas ngpagkasunog sa kanyang mukha at katawan, Butch asked Jan kung nag-undergo ba itong plastic surgery para maayos ang anumang damage?

Aniya, "Luckily, wala naman po. Throughprevention naman po at ina-anticipate naman po ng mga doctors yung mga worse pona puwedeng mangyari sa akin, so, binantayan po ako ng mga doctors."

Kinumusta na rin sa Startalk ang pagdalaw raw ng balitang nililigawan niyangco-StarStruck Avenger na si Jessie Corcuera. At dahil alam naman ng karamihanang pagka-tigasin ni Jessie, tila nawala raw ito nang makita si Jan athinimatay?

"Hindi po kasi niya nakayanan yung nangyarisa akin. Yung nangyari po kasi sa akin, grabe po talaga."

Lolit Solis added na ibig daw palangsabihin, love na love siya ni Jessie?

"Love na love po talaga ko ni Jessie," natatawanamang pahayag ni Jan. "Kasi, sobrang fresh po talaga ng sugat," sagot namanniya.

Nagtanong pa rin si Lolit, "Mag-on na bakayo?"

"Kapag nalaman po niya, baka mag-break kamiagad bigla, e," natatawa niyang biro naman.

Tinanong din ni Joey si Jan kung after rawba ng naturang aksidente ay nagkaroon ng phobia si Jan sa apoy?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Wala naman po...sa moomoo meron, pero sanangyari, wala naman po," pagbibiro pa niya. Kaya sabi ni Joey, okey na rawtalaga si Jan at nakukuha nang magbiro.

Tuloy, hiniritan siya ni Joey na hindi rawkaya nangyari yung aksidente dahil nililigawan niya si Jessie at parang illegalyata ‘yun. Follow-up naman ni Manay Lolit, palagay raw ba ni Jan ay babae talagasi Jessie?

"Opo...babae po ‘yun. Sayang po, e,"natatawang sagot naman ni Jan.

Jan was also asked kung pinagsisisihan dawba niya ang pagsasakripisyo para sa kanyang team sa KapusOlympics?

"Ay, hindi po...kasi, game naman po yun. Walanaman pong may gusto no'n. At saka, maykasabihan nga po, ‘Sacrifice once, so others may live.'"

Under treatment pa rin daw si Jan ngayon,so, till when yung masasabi na maaari na nga siyang makabalik talaga at makapagtrabahongmuli?

"Kasi bale, monthly po yung medication ko,tuloy pa rin po. At inaabangan pa rin po ng mga doctors yung part na medyomalalim po kasi, keloidal po ako."

Keloid ang tawag sa mga scars na naiiwan pagkasunog ng balat.

Sa huli, ibinalita na nga rin na malapit narin siyang magbalik-telebisyon sa pamamagitan ng Gagambino. Siya ang gaganap na bading na P.A. ni KatrinaHalili. Naging pagkakataon na rin ni Jan na magpasalamat sa lahat ng mga taongtumulong, nagdasal at sumuporta sa kanya during the time na kinailangan niyangmagpagamot at pansamantalang mawala sa showbiz.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN