Pauleen Luna clarifies misunderstanding with her mom

"It's kinda personal. And it's actually kind ofpetty. It's just that, siguro, medyo sensitive ako noong time na yun. Buteverything is okay," replies Pauleen Luna when asked about her recent tampuhan with mom, Mrs. Chat Luna.



May balitang naglayas diumano si Pauleen Luna sa kanilangbahay last week dahil sa alitan nila ng kanyang ina na si Mrs. Chat Luna.Pero itinanggi ito ng young actress, bagamat inamin niyang nag-stay siya sa bahayng kaibigan at confidante na si Ruby Rodriguez.

"Hindi, nagpunta lang ako kina Ruby. I just wanted to seethem and spend the day doon sa kanila. Nagkaroon lang kasi ng konting tampuhan withthe family. So ‘ayun, nagpunta naman ako sa pangalawa kong ina, kay Ruby," paglilinaw ni Pauleen sa panayam sa kanya ng PEP (Philippine EntertainmentPortal).

Kinuha rin ng Showbiz Central ang panig ni Ruby tungkol sabalita. Sinabi nitong typical lang daw na kapag nakakagalitan ng ina ang anakang nangyari between Pauleen and her mom.

Diumano, lumayas si Pauleen noong Sabado, September 6, dahil hindi na raw natiis ng dalaga angmasyadong paghihigpit sa kanya. Pero muli, itinanggi ito ng dalaga.

"Wala, wala, it's kinda personal. And it's actually kind ofpetty. It's just that, siguro, medyo sensitive ako noong time na yun. Buteverything is okay," sabi ni Pauleen.

Ayon kay Pauleen, bumalik din naman siya sa bahay noong mismong araw na yun.

Ngayong naayos na ang anumang gusot na namagitan sa kanilangmag-ina, ito ang naging mensahe ni Pauleen sa kanyang mommy: "Ma, I love youvery much and you know that. Siguro nagkakaroon tayo ng konting tampuhan buteverything will be fit, right?"

Sa part naman ni Ruby, bilang confidante ni Pauleen, she didher best para makita rin ng young actress ang perspective ng nanay niya.

"Sabi ko, no matter how you look at it, Pauleen, whether yungparents mo, may masakit na nasabi, they only mean the best for you. They onlywant the best for you. So, you'll have to understand that. Nakikinig naman ‘yan,e.

"I'm a parent na rin and I think every parent knows na,sometimes, we tend to be overprotective. Pero hindi nila alam na sa amin, hindiobligasyon ang tingin namin. Ang pagmamahal namin sa anak ay unconditional andwe'll do everything for you. Yun na lang ang ine-explain ko kay Pauleen,"pahayag ni Ruby.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi naman itinanggi ni Pauleen na mahirap para sa kanyaang recent breakup niya with Mayor Sherwin Gatchalian. Aniya, "Mahirap, it justtook me three months and I have a hard time. I really had a hard time. Lahatnaman ng tao pinagdadaanan ito.

"Kaya nga sabi ko, kung yung ibang tao, they are facinggreater problems, ako, hindi naman ‘to sobrang laki, so bakit hindi komapagdadaanan? So, after a while, it's just mind over matter."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN