Iza Calzado proud to be semi-finalist in Best Actress category of International Emmy Awards

"Kahit na hindi panga siya final nomination, the fact na na-consider nila yung entry ngPilipinas, it makes us all proud. Siguro nga napabilib sila sa talent ng mgaPinoy," says Iza Calzado about being included as semi-finalist in the Best Actress category of International Emmy Awards.



Overwhelmed siIza Calzado nang malaman niyang isa siya sa semi-finalist for Best Actress sa International Emmy Awards para sa performance niya sa GMA-7 seriesna Joaquin Bordado.

Nakausap ng PEP(Philippine Entertainment Portal) si Iza sa premiere night ng I.T.A.L.Y. (ITrust And Love You) ng GMA Films sa SM Megamall kagabi, September 14. Sinabinito na naluha siya nang sabihin sa kanya na nakasama angperformance niya sa Joaquin Bordado bilang semi-finalist sa International EmmyAwards.

"Akala ko kasi,secret pa ‘yan kaya wala akong kinukuwentuhan," sabi ni Iza. "Gustung-gusto kona nga siyang ikuwento. Pero since may lumabas na palang news, I really like tosay na masayang-masaya ako because hindi ko naman ini-expect na mapapansin angperformance ko.

"Sinabi nga sa akinng EP [executive producer] ng Joaquin Bordado, na si Joseph Buncalan, nanag-submit nga sila ng ilang performances sa International Emmy Awards. Ithink, hindi lang sa Joaquin Bordado ang ipinasa nila but also sa Impostora. Anghope lang naman nila ay ma-consider kahit papa'no. Kung hindi, at least theygave it a try.

"Kaya natuwa rinsila nang makarating sa kanila ang news na nakapasok ako as semi-finalist sacategory na best performance by an actress in a drama series. I was shocked noong sabihin nila sa akin 'yon and, siyempre, natulalaako because malaking bagay para sa atin ‘yon, di ba?

"Kahit na hindi panga siya final nomination, the fact na na-consider nila yung entry ngPilipinas, it makes us all proud. Siguro nga napabilib sila sa talent ng mgaPinoy," pahayag ng aktres.

Sinasabi tuloy napang-international na talaga ang kalibre ni Iza dahil napapansin ng mga foreigntelevision critics ang mahusay niyang pagganap sa isang drama series. Bukod parito ang Hollywood film na natapos ni Iza, ang The Echo, na Hollywood version ngpelikulang Sigaw. Ayon kay Iza, sa 2009 pa raw magkakaroon ng commercialrelease sa U.S. ang The Echo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I really don't knowwhat to say kundi thank you sa International Emmy Awards for consideringJoaquin Bordado, at iba pang entries ng Philippines. I heard na may two showsfrom the other channel [ABS-CBN] na nakasama sa semi-finals. It only proves na ang dating ng Pinoy talentis already global and napapabilib natin sila.

"Sana nga every yearay may Pinoy show na parating makasama sa listahan ng International Emmy Awards, para mas ma-inspire tayo to do more quality programs na maipagmamalaki natin sabuong mundo," asam ni Iza.

Bukod kay Iza,napasama rin bilang semi-finalist sa International Emmy Awards ang mga programang ABS-CBN na Volta at Bituing Walang Ningning para sa comedy and telenovelacategories, respectively.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN