Yeng Constantino gives way to new batch of "PDA" scholars

"Ikaklaro ko nahindi ako nai-insecure, nati-threaten or anything....Time naman nila ngayon para matupadang pangarap nila. Nanggaling din ako dun, kaunti na lang, nandun na ako sapangarap ko," says Yeng Constantino about being compared to the new batch of Pinoy Dream Academy scholars.



Kung anuman angmagandang itinakbo ng singing career ni Yeng Constantino pagkatapos niyang magwagibilang Grand Star Dreamer ng Pinoy Dream Academy (PDA) Season 1, inaasahan na ganitorin ang tatahakin ng career ng Season 2 Grand Star Dreamer na si LaarniLozada.

Asahan na rin daw napagkatapos manalo ni Laarni ay nandiyan ang pagkukumpara sa pagitan nila niYeng. Common scenario naman na ito sa showbiz na kung nanggaling ang dalawa saiisang show ay hindi maiiwasan na ikumpara sila, sabay lalabas ang balita namay nai-insecure o nati-threaten sa kanila.

Sa panayam ng PEP(Philippine Entertainment Portal) kay Yeng sa dressing room ng ASAP ‘08 noongLinggo, September 14, ilang oras bago tanghalin si Laarni bilang Grand StarDreamer, nakiusap agad si Yeng na sana ay huwag silang intrigahin ng kungsino man ang mananalo. Aniya, bukod sa napalapit na sa kanya ang mga bagongscholars ng PDA ay may kanya-kanya naman silang istilo sa pagkanta.

"Mahal ko rin yungmga bagong scholars, nakasama ko na sila," sabi ni Yeng. "Nung practice nga,sabi ko sa kanila, huwag nilang intindihan yung maririnig nila nasumisigaw-sigaw sa performance night nila. Basta rock and roll lang andgalingan nila.

"Ikaklaro ko nahindi ako nai-insecure, nati-threaten or anything. Wala akong ganung feeling.Hindi ko sila kilala as characters sa TV, nakilala ko sila kasi nang personal.Pare-pareho kaming mga kabataan na nangangarap. Time naman nila ngayon para matupadang pangarap nila. Nanggaling din ako dun, kaunti na lang, nandun na ako sapangarap ko.

"Saka kanya-kanyangistilo ‘yan, kanya-kanyang style," patuloy niya. "Hindi ko naman masasabingkapareho ko kasi ‘pag kinumpara ako sa iba, iba ang forte ko. Acoustic ako,silang lahat belter. Sabi ko nga before, kahit sinong manalo sa kanila,sobrang nae-excite ako. Sino man ang manalo, masaya ako sa lahat ng mgablessings na natatanggap niya. Magkaka-concert siya at ito na yung step para matupad ang pangarapniya."

Gusto niyang makasama sa isang concert si Laarni.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sa akin, kungpuwede nga magkasama kami sa isang concert together. Siyempre kapatid ko nasiya sa Academy. Nung pinapanood ko nga sila sa TV, gusto kong sabihin sakanila na mae-experience na nila na yung pangarap mo, nandiyan na."

Sa ngayon ay busy siYeng sa paggawa ng kanyang third solo album na ipo-produce daw ni RaimundMarasigan ng Sandwich next year. Naging mainit din ang pagtanggap sa naunangdalawang albums ni Yeng, ang Salamat na umabot ng double platinum, at naging gold naman ang Journey.

NO TIME FOR LOVE. Sa ganda ngitinatakbo ng singing career ni Yeng, mukhang wala na talaga siyang panahon sa lovelife. Kinumpirma niya na pinahinto na niya sapanliligaw ang dati ring PDA scholar na si RJ Jimenez. Ngayon nga ay wala naraw silang communication.

"Hindi na kaminagte-text, hindi na kami nagtatawagan, pero magkaibigan pa rin naman kami.Actually, pinag-usapan namin yun. Pinapunta ko siya sa bahay, sabi ko huwag nalang, pumayag naman siya. Hindi pa kasiako pinapayagan ni Papa na magpaligaw o magka-boyfriend, saka marami kamingdifferences. Decision namin pareho na mag-focus muna sa mga career namin,"saad ng 19-year-old singer.

Hindi namanitinanggi ni Yeng na nagkagusto talaga siya kay RJ dahil malalim-lalim na rinnaman ang pinagsamahan nila.

"Inaamin ko nanagkagusto talaga ako sa kanya," sabi ni Yeng. "Sa pila pa lang ng PDA, magkasama na kami. Nakapasok kami sa dorm ng three weeks, ‘tapos nagkasama kamisa PDA for two and a half months. Paglabas namin, text-text kami."

May regrets ba siyasa naging desisyon niya?

"Hindi akonanghihinayang kasi naniniwala ako na kung para sa akin, para talaga saakin. Babalik at babalik, gagawa angdestiny ng paraan para maging together uli kayo. Pero ‘pag hindi, hindi talaga.Saka wala na yung kilig, wala na. Kung dati na alam kong magkikita kami, nandunyung, ‘Ano ba ang susuutin kong damit?' Wala na yung ganun. Sa akin kasi, ‘pag nagdesisyon kayo pareho,kailangan talagang buo ang loob ninyo para walang regrets sa huli," pagtataposni Yeng.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN