PBB Teen ex-housemate Nicole Uysiuseng not yet ready for serious relationship

"Gusto lang namin take it slow and ayawnaming mag-rush. Kasi kumbaga, kung mabilis, madali ring mawala. Ngayon, yungfriendship lang namin ang importante ngayon," says Nicole Uysiuseng about friendship with suitor Josef Elizalde.



Jacket at t-shirtang regalo ng Pinoy Big Brother (PBB) Teen Edition Plus third big placer na si NicoleUysengsiu sa dating co-housemate niya na si Josef Elizalde noong birthday ng binata, September 8.

"Galing sa savingsko yung pinabili ko sa gift ko para sa kanya," nakangiting sabi ni Nicole nangmakasalubong siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kamakailan.

Ano ang birthdaywish niya kay Josef?

"Ano lang, luck sacareer niya and sana more projects to come para sa kanya, and sana maging masaya siya kung anuman ang ginagawa niya."

Bago ang birthday niJosef, nag-celebrate rin si Nicole ng kanyang 18th birthday last month. Tuladng birthday ni Josef, ang fans club nila na Yonics din ang namahala ng kanyangdebut party sa isang hotel.

"Before, sinabi nanila sa akin na gusto nilang maghanda ng debut para sa akin. E, nung una ayokokasi nahihiya ako sa kanila. Kasi sila ang magbabayad ng lahat. E, wala, gustotalaga nila. So, sobrang thankful ako sa kanila and sobrang saya!"

Si Josef angnaging escort niya sa kanyang debut.

"Birthday wish ko isano, basta sana tuluy-tuloy pa rin ang career ko. Sa family ko, sana healthysila and happy."

Kumusta na sila niJosef?

"Okey naman. Parehaslang, wala namang nagbago. Mas naging close lang kesa nung nasa bahay kamini Kuya."

Sabi ni Josef, masmalalim na raw ngayon ang relasyon nila. Ano ang masasabi ni Nicole dito?

"Ah, hindi ko alam,"nahihiyang sagot ng dating PBB teen housemate.

Ayon pa kay Josef,sa tingin niya ay nasa 7 to 8 na score ang chance niya kay Nicole, na sasagutinkapag nagtanong na siya sa kanya. Ano ang kailangang gawin ni Josef para maging9 or 10 ang score ng binata?

"Hindi ko alam.Masyadong ano pa, wala naman. Pero gusto lang namin, take it slow and ayawnaming mag-rush. Kasi kumbaga, kung mabilis, madali ring mawala. Ngayon, yungfriendship lang namin ang importante ngayon," saad ni Nicole.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon kay Josef aynagsimula na siyang manligaw kay Nicole. Totoo ba ito?

"Ay, hindi ko poalam!" nagulat na sabi ni Nicole. "Feeling ko, kasi po siguro more...a little bitmore but not yet lovers."

Paki-describe siJosef bilang manliligaw?

"Super-caring siya,kasi like ‘pag aalis kami... ‘Tapos kapag hindi kami magkasama, tine-text niyaako. Like, ‘Sa'n ka? Text me when you get home.' Yung mga ganun."

Sa pagkakaalam niJosef, siya lang ang nanliligaw kay Nicole. Totoo ba ‘yun?

Natawa si Nicole,sabay sabing wala talagang iba kundi si Josef lang.

Hindi pa rawtinatanong ni Josef kung puwede siyang maging boyfriend ng dalaga.Kapag tinanong ba si Nicole, ano sa tingin niya ang chance ni Josef sa kanya?

"Siguro ano, six.Hindi kasi ano, ayoko pa kasi ngserious relationship ngayon. Yun nga, gusto ko slow lang, slowly. Hindi yungnagmamadali. Kung magbo-boyfriend ako ngayon o sasagutin ko siya, serious nayun. My relationship, I take it seriously talaga. Ayoko nung laru-laro lang."

Okey na ba ang Mommyniya sa kanila ni Josef?

"Oo, okey naman siMommy," sagot ni Nicole. "Hindi naman siya tutol. Kasi nung time na ‘yon sa PBB, ayaw lang niya kasi,yun nga, may relationship kami outside. So, paglabas namin, nung naayos nanamin yung relation namin sa mga ex namin, okey na."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN