Edu Manzano explains GKNB rules; as OMB Chair, steps up fight against child pornography

"Hindi lang namansiya [Wendy], ang daming nagtsa-challenge. Almost every game, mayroon.Halimbawa sinabi nilang ito ang sagot nila, ang ginagawa, nilalabas ang libro para sigurado. Dito nakalagay kung saannagmula yung tanong saka kung ano talaga ang tamang sagot," explains Edu Manzano about an incident involving Wendy Valdez (inset) on the set of his game show Pilipinas, Game KNB?



Binigyang linaw ngTV host at Optical Media Board (OMB) Chairman na si Edu Manzano sa PEP (PhilippineEntertainment Portal) ang lumabas na report tungkol sa naganap na argumentonila diumano ni Wendy Valdez sa set ng hinu-host na programa ni Edu sa ABS-CBN, angPilipinas, Game KNB? Guests sa naturang episode ang cast ng I Love Betty LaFea, kung saan kasama si Wendy.

Ayon sa usap-usapanay pinanindigan daw ng Pinoy Big Brother ex-housemate na si Wendy na tama angkanyang sagot sa tanong ni Edu. Pero nang plinayback ang sagot ni Wendy aylumabas na mali ang pronunciation niya sa first syllable ng tamang sagot. Dahil dito ay nauwi raw ang pangyayari sapagwu-walkout pareho nina Edu at Wendy.

Sa panayam ng PEPkay Edu sa prescon ng OMB kaugnay ng kampanya nito against child pornography noong September 16,Tuesday, napag-usapan namin ang tungkol sa nasabing insidente at nilinaw ng TV hostkung ano talaga ang nangyari.

Paliwanag niya, "Saaming programa kasi, there's what you call 'no host intervention.' Ang ibigsabihin nito, ang host, huwag kang makialam kasi host ka lang. If there's anyquestion, it has to be directed towards the production.

"Halimbawa, maynagtsa-challenge na feeling niya tama ang sagot niya, kung gusto niyangi-challenge yung question ay labas na ako diyan. Hindi na ako puwedeng makialambecause these are all based on facts,with all information. Kahit gustuhin ko mang tumulong o makipag-usap, angusapan namin ‘pag may problema sa contestant, I have to take a back seat, soumalis ako. Alam ko nagsentimiyento si Ms. Wendy, pero hindi sa akin kundi dunsa question na akala niya ay tama siya," lahad ni Edu.

According to Edu,hindi naman ito ang unang pagkakataon na may ganitong insidente sa Pilipinas,Game KNB? Madalas na rin daw pala itong nangyayari sa iba pang contestants ngnaturang game show.

"Hindi lang namansiya [Wendy], ang daming nagtsa-challenge. Almost every game, mayroon.Halimbawa sinabi nilang ito ang sagot nila, ang ginagawa, nilalabas ang libro para sigurado. Dito nakalagay kung saannagmula yung tanong saka kung ano talaga ang tamang sagot," ani Edu.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

CAMPAIGN AGAINST CHILD PORNOGRAPHY. Bukod sa pagigingisang mahusay na TV host, ginagampanan din ni Edu ang pagiging Chairman ngOptical Media Board. Sa ngayon ay nakatuon ang kanilang pansin sa childpornography katulong ang Anti-Child Abuse Child Pornography FoundationCorporation. Ayon kay Edu, nakakaalarma na raw ang paglala ng sitwasyon at ngproblemang ito.

"Sad to say, butit's getting worse," sambit ni Chairman Manzano. "Others are thinking for aslong as na hindi sa mga anak ko, okey lang; di baleng mangayari sa iba. Butnow, napapansin nga namin, pabata nang pabata, palala nang palala.

"As a matter offact," patuloy niya, "last month lang, end of August, may isang minor nani-rape na apat na lalake kung saan kinunan ng cell phone. Hindi mo na maisipkung ano ang pumapasok sa isip nila, kinukunan yung mga sarili nila, tumatawahabang ginagahasa yung babae. So what they did after, kinuha yung kanilang cellphone, in-upload sa computer at nag-burn ng copy and then they mass produced itat ibinebenta, ginagawang negosyo. What I'm saying is that our children are notsafe anymore."

Sa ngayon aymalaking tulong ang isang milyong pisong pondo na nalikom ng OMB para sugpuinang problemang ito. Sa pamamagitan ng info text ay puwede na ring isumbong angganitong kalaswaan sa mga kabataan.

"Last year, we putup P400,000 and it allowed the OMB to get information on the actualdistribution centers. Naging mas maganda, kaya lang we cannot use governmentfunds. We decided to put up one million pesos and it was not a pledge, it'sbeen deposited already in the bank. We have the bank certificate and we'regonna use this money this year.

"Right now, we'renot only after confiscation and other stuff. But with the help of info text,puwedeng maibigay mo na yung information na confidential at walang nakakalaam kung sino kakundi kami. Kung may info na puwede naming ibigay sa PNP[Philippine National Police] at magkaroon ng postibong resulta, we will giverewards. We will also move towards providing these victims withpost-traumatic counseling—emotionally, physically, mentally—and we hope hat wewill tie up with other agencies like the DSWD [Department of Social Welfare andDevelopment."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa magandang recordniya bilang OMB Chairman, may balita tuloy na lumabas na tatakbo raw sa Senadosi Edu. Nilinaw niya agad ang tungkol dito.

"Never akongnagsalita ng ganyan, nagkataon lang na apparently kung sinu-sino man sila,gumagalaw ang mga survey. Kung sakali man nasama ang pangalan ko, nasasamalang, sila ang nagsasabi. But we never ask anyone to include our names in anysurveys."

ON SON LUIS. Hiningan din ng PEP ng reaksiyon si Edu sa balitang pagkakamabutihan ng anak niya kay GovernorVilma Santos na si Luis Manzano sa young actress na si Angel Locsin. Kung si Governor Vi ay hindipa handang maging lola at ayaw pang magpakasal si Luis, para naman kay Edu,it's still Luis's decision kung gusto na talaga nitong magkaroon ng sarilingpamilya.

"My son is a wonderfulindividual," papuri ni Edu sa anak. "Any woman would be lucky and any parentwould be fortunate to have a son like Luis. Ako, ang importante ay makapagtapossila, maghanapbuhay. And then, kung gusto na niya akong gawing lolo, okey langyun, I don't mind at all.

"I like Angel, she's very nice. It doesn'treally matter sometimes what the parents' think, it's how they're beingtogether. As long as you're happy, yun ang importante. Ako, hindi ko pa rinalam ang tamang edad para mag-asawa ang isang tao, ang mahalaga pa rin ay yungmaturity, alam nila ang kanilang pinapasukan. It's not all good times,it's lot of sacrifices," pagtatapos ni Edu.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN