Dennis Trillo nervous about his title role in "Gagambino"

"Mas nakakakabadahil parang bitbit ko ang buong show. Sa akin nga pinagkatiwala ang Gagambinona project and it's up to me na pagandahin ang bawat episode na mapapanoodnila," says Dennis Trillo.



Nag-pictorial na angbuong cast ng bagong telefantasya ng GMA-7, Gagambino, September 16, sa GMA Network Center. Bida rito si Dennis Trillo. Kasama rin sina Katrina Halili, Nadine Samonte, JeanGarcia, Bernadette Allyson, Isabel Oli, Mart Escudero, at Jennica Garcia sa pictorial.

Dito'y inaminni Dennis na kinakabahan siya sa pagbibida niya bilang Gagambino. Unang-una, dahilpapalit ang Gagambino sa timeslot ng top-rating Dyesebel. Pakiramdam niDennis ay baka mahirapan silang pantayan man lang ang napakataas na rating ng Dyesebel.

"May pressure ngadoon pa lang. Siyempre, marami ang nag-e-expect na maging kasing-taas namin angDyesebel. Ang dasal ko lang naman ay makapantay man lang. Hindi na ako sigurohahangad pa na talunin yung naging ratings nila. Pero kung makakuha kami ng masmataas, matutuwa pa rin naman kami, di ba? At least, na-meet namin ang expectationsnila kahit papa'no," pahayag ni Dennis sa PEP (Philippine EntertainmentPortal).

Pangalawa, firsttime ni Dennis na maging solong bida sa isang primetime series. Huli siyangnaging lead sa telefantasya na Zaido, pero kasama niya rito sila Aljur Abrenicaat Mark Cielo. Naging leading man naman siya sa mga afternoon drama series naKung Mahawi Man ang Ulap at Magdusa Ka, kung saan nakatambal niya ang leading ladies niya ngayon sa Gagambino na sina Nadine Samonte at Katrina Halili.

Kaya para kayDennis, iba raw ngayon sa Gagambino dahil nasa title role na siya.

"Mas nakakakabadahil parang bitbit ko ang buong show. Sa akin nga pinagkatiwala ang Gagambinona project and it's up to me na pagandahin ang bawat episode na mapapanoodnila.

"But of course,hindi ko naman magagawa ‘yan na ako lang. Maganda ang cast na nilagay nila,lalo na ang mga leading ladies ko na sina Nadine at Katrina, na kailan ko langnaman nakatrabaho pareho. Lahatnaman kami, nagdarasal na maging maganda ang pagtanggap nila sa bagongtelefantasya na ito ng Kapuso network."

NO MEDIA FANFARE. Naging tahimik atwalang media fanfare ang first birthday celebration ng baby boy ni Dennis na siCalix Andreas last September 13. Desisyon daw ni Dennis at ni Carlene Aguilar na maging tahimik at hindi parang media circus ang firstbirthday ng kanilang anak.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Yun naman ang gustonaming dalawa para makaiwas na rin sa anumang gulo or tsismis, di ba? Kaminaman ni Carlene, nagkakasundo kami sa ganyang bagay, lalo na when it involvesour son Calix.

"Naintindihannaman kami ng mga friends namin sa media na walang big coverage ng birthday niCalix. Gusto namin ng tahimik lang para enjoy lahat. Mahirapna kasi na kapag may media, may mga masasabi pa ang ibang tao. Mabuti na yungwala na lang para tahimik at maayos na naidaos namin ang kaarawan ni Calix,"pagtatapos ni Dennis.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN