Top 6 "Pinoy Dream Academy" scholars get their first taste of showbiz intrigue

The Top 6 PDA scholars: (top row, from left) Bugoy Drilon, 2nd Big Dreamer; Laarni Lozada, Grand Star Dreamer; and Miguel Mendoza, 3rd Big Dreamer;(below, from left) Liezel Garcia, 4th Big Dreamer; Van Roxas, 5th Grand Dreamer; and Cris Pastor, 6th Big Dreamer.



Pormal nangipinakilala ng ABS-CBN sa isang press launch kahapon, September 18, ang Top 6 ngPinoy Dream Academy (PDA) Season 2 scholars. Kasabay ng pagpapakila sa anim nascholars ang announcement ng bago nilang album—Scholars SingCayabyab—na naglalaman ng mga awitin ni PDA Headmaster Ryan Cayabyab.

Lahat ng anim nascholars, kasama ng apat pa, ay may kanya-kanyang cut sa naturang album. Ang Top6 scholars ay kinabibilangan ng Grand Star Dreamer Laarni Lozada, 1strunner-up Bugoy Drilon, third placer Miguel Mendoza, at ngfinalists na sina Liezel Garcia, Van Roxas, at Cris Pastor.

LAARNI LOZADA. "Overwhelming!"ang sagot ni Laarni nang tanungin kung ano ang masasabi niya sa kanyangpananalo. "I did my best but I didn't expect to win. Akala ko si Bugoy talaga;kahit ako, si Bugoy sana ang bet ko. But now that I won, I thank everybody whosupported me," pasasalamat pa ng dalagang taga-Sultan Kudarat.

Si Laarni ay isangsimpleng babae lang na gaya ng iba ay nangangarap makatulong sa kanyang pamilya.Bago siya napasok sa Academy, pinangarap nitong makatapos ng pag-aaral kasabayng kagustuhang maging isang propesyunal na mang-aawit.

"Kaya po nangmagkaroon ng audition, hindi ko na po pinalampas ang pagkakataon," sabi niLaarni.

BUGOY DRILON. SiBugoy Drilon naman, na sa una pa lang ay nagpakita na ng pagkabibo sa loob ngAcademy, ay nasabak sa unang intriga mula sa press. Tungkol sa kanyanggender ang isa sa mga tanong sakanya.

"Kami kasi sa press,kahit may sipon, naaamoy namin kung sinong mga kafatid namin," sa tonong mayinsinuation na sa tingin niya ay bakla nga si Bugoy. "Bading ka ba?"diretsahangtanong ni Ogie Diaz kay Bugoy.

Kitang-kita angeffort ni Bugoy nang sabihin niyang "Hindi po! Talagang ganyan lang akokumilos, pero lalaki po ako. Kahit na sa labas ng Academy, sa bayan namin saCamarines, akala nila bading ako. Pero sabi ko, and I prove to them, hindi poako bading," paniniyak pa nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kung medyo mapaklapara kay Bugoy ang naturang tanong, parang musika naman sa pandinig niya yungkomento ng isang isang FM disc jockey na number one sa nakaraang dalawanglinggo sa kanilang radio station ang awitin ni Bugoy sa album ni Ryan Cayabyabpara sa mga PDA scholars.

MIGUEL MENDOZA. Salahat naman, pinaka-straightforward ang mga sagot ni Miguel Mendoza sa mgatanong sa kanya.

Nang kumustahin sakanya si Bea Muñoz, ang girlfriend niyang pumasok din sa Academy pero naunanglumabas, ay sinabi nitong sagabal sa kanyang career kung kaya ngayon ay "intimatefriends" na lang sila. Sa kanyang paliwanag, sinabi ni Miguel na ayaw na niyangpakawalan ang pangalawang pagkakataon na dumating sa kanya.

"Music is mypassion. Everybody knows that I was given a chance in another contest I joined [PhilippineIdol], but nothing came out of it. Kaya naisip ko, siguro dapat talaga, saganito na muna ako mag-concentrate. Music is my priority and Bea can wait forme," paliwanag ni Miguel.

Mutual decision dawnilang dalawa na, sa ngayon, ay matalik na magkaibigan na lang nila ni Bea. When asked to explain kung ano ang ibignitong sabihin sa "intimate friendship," buong ningning nasinabi ni Miguel na break na muna sila ng girlfriend, and they are "better offas close friends in the meantime."

Ipinaliwanag din niMiguel na kung kaya niya, ibinoto ang sarili, when each of the six scholarswere asked kung sino sa grupo ang bet nila.

"I came to win, Iknew that I had the chance, so I said I want myself to become the Grand StarDreamer. But when I won only third, it was all right with me. Sa akin kasi, I didnot really enter the Academy to win only third, because I wanted to be thegrand winner. But if this is the verdict of the judges and the public, okey napo yun," saad niya.

LIEZEL GARCIA. Parakay Liezel Garcia naman, just staying until the end of the contest is enoughfor her. Marami raw siyang natutunan sa loob ng PDA at yun lang ay tama na sakanya. Umaasa raw siyang mahalaga ang pintuang nagbukas sa kanya sa larangan ngentertainment.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

VAN ROXAS. Hindi rinnakaligtas sa mga intriga tungkol sa kanyang gender ang guwapong si Van Roxas,tubong Cebu. Tinanong siya kung meron na siyang experience sa mga bading. Gayani Bugoy, nag-effort din si Van upang ipaliwanag na siya ay walang experienceat hindi niya binabalak na magkaroon kahit kailan.

Alam din daw niyaang mga kakulangan niya bilang performer at dito raw siya tumututok. Aniya,marami siyang natutunan sa loob ng Academy at ang mga leksiyong ito aykanyang gagamitin sa actual practice bilang performer.

CRIS PASTOR. Sabinaman ni Cris Pastor, hindi raw niya alam na mahusay pala siyang kumanta. Nang nasa loob daw siya, saka niyanadiskubreng meron pala siyang talent, kung kaya nagpursige siya to improve.

Mismong yung mga staffnaman ng PDA ang nagsalita sa press na malaki ang improvement na ipinakita niCris, kaya't napabilang siya sa Top 6 scholars.

Maganda kasi si Cris at may sensual appeal. Inaakala ng marami na makatutulong ang kagandahan niya upang kilalaninbilang isang mahusay na performer.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN