Allen Dizon describes sexy leading ladies he "slept" with

Allen Dizon with his leading ladies in the sexy flick Room 213, newcomer Maricar dela Fuente (left) and Gwen Garci (right).



Napapangiti angaward-winning sexy actor na si Allen Dizon tuwing tinatanong kung kanino siya tinablan sa mganaka-partner niya. Nakapareha na niya halos lahat ng sexystars sa mga pelikula, stage plays, at maging sa instructional videos. Paborito rin siyangleading man ng mga baguhang hubadera na nilu-launch bago siya naging isa saViva Hotmen.

Si Ara Mina angkauna-unahang sexy actress na naka-love scene niya sa Curacha: Ang BabaengWalang Pahinga (1998). Ito rin ang unang pelikula ni Allen, pero sumabak na agad siyasa "torohang" eksena, ka-partner ang ngayo'y award-winning na ring si Ara.

"Torero't torera angrole namin dito ni Ara, kaya grabe!" bulalas ni Allen. "Pareho kamingnaka-plaster habang pinagagawa ang sari-saring sexual positions. Si Ara angfirst crush ko sa showbiz kaya kinabahan ako. Hindi ako tinablan sa takot kongmasigawan ni Direk Chito Roño. Natutunan kong trabaho lang ‘yon at dapat walangpersonalan."

Inilarawan din niAllen ang halos lahat ng mga sexy stars na nakatambal na niya:

Aya Medel - Siya angpinakamaraming beses kong naka-partner kaya komportable na ako sa kanya.

Via Velosa -Super-flawless, tahimik sa set pero palaban sa love scene.

Ana Capri - Mahusayna aktres, kahit love scene may acting. Masarap katrabaho si Ana kasi seryosobilang artista. Kumbaga, nakakahawa ang dedikasyon niya.

Ynez Veneracion -Malalim ang pinaghuhugutan sa pag-arte.

Halina Perez -Napakaganda ng mukha at inosenteng tingnan. Nalungkot ako noong namatay siya.Maraming beses ko siyang naka-partner at barkada kami sa set.

Aleck Bovick - Akoang ‘nagbinyag' diyan sa love scene sa Kaulayaw. Nakita kong magiging mahusaysiyang aktres. Wala rin siyang kiyemeng maghubad.

Angela Velez - Hanepang katawan!

Rita Magdalena -Mapaglaro sa love scene, pero mahusay umarte.

Patricia Javier -Seryosong masyado, pero mabait.

Katya Santos - Bowako sa pagiging professional niya lalo sa stage play na Hipo. Daring kami saBoso. Masarap siyang katrabaho kasi may pagmamahal sa trabaho.

Myles Hernandez -Masaya ka-work si Myles sa Private Parts. Puwede siyang komedyante kungpagbubutihin niya lalo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Maui Taylor - Crushko ‘yan. Siya ang pinaka-cute sa mga naka-partner ko. Enjoy akong katrabahosiya sa Private Parts.

Asia Agcaoili -Pinaka-daring si Asia sa lahat. Kasi nung ginawa ko yung instructional videonamin, wala siyang pakialam; hindi siya nagpa-plaster. Mahihiya ka na siya, e,walang kiyeme, ‘tapos ikaw na lalake ang nag-iinarte. Para kay Asia,purely work ang ginagawa niya... Matalino siya.

Krista Ranillo - Sakanilang lahat, si Krista ang pinaka-conservative. Reluctant pa siya sapagpapa-sexy. Pero mahal ko ‘yan kasi full support siya sa aming Paupahan.

Ni-reserve ni Allensa huli ang kanyang description sa latest screen partner niya sa pelikulangRoom 213 ng Viva Films—si Gwen Garci.

"Napakalakas ngdating ni Gwen sa akin, may animal appeal siya. Siguro kung binata lang ako,baka niligawan ko siya. Naging close kami dito sa Room 213. Kailangan, kasimag-asawa ang role namin. Dapat maipakita ang chemistry ng mag-asawang nagmamahalan.Ang sarap niyang ka-work, very professional, at mahusay siya.Ibang Gwen ang makikita nila," pagmamalaki ni Allen kay Gwen.

Palabas na ang Room 213 sa Setyembre 24 sa mgapiling sinehan sa buong Pilipinas. R-18 without cuts ang ibinigay na ratingdito ng MTRCB. Kasama rin sa pelikula sina Tyrone Perez at ang baguhang si Maricar delaFuente. Mula ito sa direksyon at panulat ng award-winning short filmmaker na siKeith Sicat.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN