Angelica Panganiban admits being crazy in love

"Matagal naakong windang sa pag-ibig. Yun ang nagpu-pushsa akin bilang artista. Grabe akong magmahal mula sa pagkabata. Hindi lang salalaki, maging sa parents, sa mga kamag-anak, sa kaibigan," says young actress Angelica Panganiban.



Kung tutuusin,puwede nang pakawalan for a solo-starrer sa isang teleserye si AngelicaPanganiban. Pero mukhang inuunti-unti pa siya ng ABS-CBN. Bilang si Scarletdela Rea sa Iisa Pa Lamang, ang character na ito ni Angelica ang isa sa mgatotoong nagmamarka sa regular followers ng naturang primetime drama series.

"Nag-e-expectako," diretsahang sabi ni Angelica sa PEP (Philippine EntertainmentPortal). "May mga napapag-usapan nang ganyan bago pa itong Iisa Pa Lamang,pero natakot talaga ako. Ang feeling ko, parang kulang pa. Parang hindi pa rinhanda yung mga tao na magbida ako, and it's a big responsibility.

"Maski ako, naiisipko, hindi kaya masyado pang maaga? Kailangan ko pa siguro ng isa muna, matinding panggulat kumbaga, bago mag-full blast. At saka na, bago tayomag-move on sa mas malaking project."

Marami na nga rawkonseptong pinag-aaralan, at hindi malayong magkatotoo agad 'yan. Pero sangayon, masaya na si Angelica na napapansin ang pinaghihirapan niya.

CRAZY IN LOVE. Sa personal life,ang tingin ng marami ay may tendency siyang mawindang sa pag-ibig. Kailan lang,napabalitang mayroon naging problema sa kanila ng boyfriend niyang si DerekRamsay.

"Matagal naakong windang sa pag-ibig," pag-amin ni Angelica. "Yun ang nagpu-pushsa akin bilang artista. Grabe akong magmahal mula sa pagkabata. Hindi lang salalaki, maging sa parents, sa mga kamag-anak, sa kaibigan.

"Extreme kasi akongtao. Grabe kung magmahal, grabeng masaktan. Wala akong gitna, e. Kung masayaako, gusto ko yung masayang-masaya, hindi yung masaya lang. Ang gandang dalhinnun sa bawat character na ginagawa ko para sa isang palabas. Ayokong nakikitaako ng mga taong matamlay ako. Gusto ko, hindi sila nakukulangan sa akin. Yunglagi silang busog."

Hindi tinatratongwaterloo ng young actress ang pagkawindang niya sa pag-ibig.

"Gusto ko yungpagiging windang ko. It adds to my character. Masaya siya! Ako naman ang taongkapag nasaktan, hindi naman ako mandaramay ng iba. Hindi damay ang buong mundosa problema ko. Puwedeng maiyak lang kayo sa sitwasyon ko, pero problema kolang yun. Hindi ko idi-disappoint ang mga tao sa paligid ko, ang pamilya ko.Hindi sila parte ng failure ko, if ever," saad niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kumusta na sila niDerek ngayon?

"Happy,"mabilis na sagot ni Angelica. "Nagkaroon lang ng time na gusto namingma-realize ang ilang mga bagay. Awa ng Diyos, naging positive naman ang mgabagay-bagay, at feeling namin, mas kailangan naming maranasan yung mga ganoon.

"Ang laki ngnaitulong sa amin. Siguro na-involve kaming masyado sa isa't isa. Simula noongnagde-date lang kami, umiikot na lang ang mundo namin sa isa't isa. Na-realizenaming hindi dapat ganoon. Mas nakilala namin ang sarili namin. May sarili parin kaming mundo na kanya-kanya rin, na rito pala ako mag-e-excel, na maycareer kaming dapat harapin na labas sa aming relasyon," paliwanag niAngelica.

Pero sa pagganapniya bilang kontrabida sa Iisa Pa Lamang, hindi ba nangangamba si Angelica naito ang humaharang sa kanya para tuluyang magbida?

"I don't think so," sabi niya."Kasi sa istorya nga, may sympathy doon sa character ko, as Scarlet. Hindilang siya yung tipong puro darkness na lang. Maiiyak ka sa kuwento niya, at'pag pinanood mo, maiintindihan mo kung bakit siya nagagalit. Nakakapraningyung character, kaya naaaliw yung mga tao."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN