Lorna Tolentino formally bids goodbye to GMA-7; accepts ABS-CBN's offer

Award-winning actress Lorna Tolentino has finally ended speculations on whether she will move back to ABS-CBN or not. Lorna has already accepted the Kapamilya network's offer to do a soap opera with Gabby Concepcion.



Matagal-tagal naring usapan ang tungkol sa pagbabalik ng award-winning actress na si LornaTolentino sa bakuran ng ABS-CBN pagkatapos sumakabilang-buhay ng asawa niyangsi Rudy Fernandez. Matatandaang bago naging Kapuso si Lorna ay nakagawa siya ngilang soap opera sa Kapamilya network.

Kahapon, September18, ay nakasalubong ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si LT at angkanyang manager na si Lolit Solis na papasok sa elevator ng GMA Network Center.Sinamahan ni Manay Lolit ang aktres upang pormal nang magpaalam sa mga big bossng GMA-7 dahil tinanggap na nila ang isang soap opera sa ABS-CBN, kung saanmakakasama ni Lorna si Gabby Concepcion.

"Ayaw ni LT na bastana lang siya gagawa sa kabila na hindi nagpapaalam," sabi ni Manay Lolit sa PEP."Kaya nandito siya para siya mismo angpersonal na magpasalamat at magpaalam. Ayaw naming mag-burn ng bridges, di ba?"

Dagdag pa ni ManayLolit, sinabi naman daw ni LT kung matapos na ang gagawin niyang showsa ABS-CBN ay maging welcome pa sana siya sa bakuran ng GMA-7. Wala naman dawproblema ‘yon dahil palagi naman daw welcome si LT na bumalik at gumawa ng showsa Kapuso network.

Ayon kay ManayLolit, kay Lorna sana nakalaan ang role ng yumaong si Nida Blanca sa TV remake ngpelikulang Saan Darating Ang Umaga (1983). Makakasama niya sana rito si YasmienKurdi na siya namang gaganap sa role ni Maricel Soriano.

Nag-decline daw siLT dahil nauna na raw niyang tinanguan ang offer ng Dos. Ang balita ng PEP, siAmy Austria na ang papalit sa tinanggihang role ni Lorna.

Sabi ni Manay Lolit, "Ayaw raw kasi ni LT na mag-telefantasya at gusto raw niyang umiyak atmag-drama. E, noong i-offer ang Saan Darating ang Umaga, naka-oo na siya doonsa soap drama sa Dos with Gabby.

"May magagawapa ba ako? E, di sige, pagbigay na lang natin si LT at feel niyang umiyak nangumiyak!" sabay tawa ni Manay Lolit, na dating manager ni Gabby.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Marahil ay hindi parin kayang gampanan ni Lorna ang ganung kabigat na role, lalo pa't tungkol sapamilyang namatayan ng ama ang kuwento ng Saan Darating ang Umaga.

Wala pang titulo ang gagawing soap nina Lorna atGabby sa ABS-CBN na magsisilbi ring reunion nila. Nakagawa na sila ng ilang pelikula noon, ‘tuladng Kislap Sa Dilim, Kung Ako'y Iiwan Mo, Pinulot Ka Lang Sa Lupa, at angaward-winning na Narito Ang Puso Ko.

Ang huling programa ni Lorna sa GMA-7 ay ang Startalk, pero bago rito ay napanood siya sa telefantasyang Zaido.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN