"PDA" runner-up Bugoy Drilon: "Lalake po talaga ako."

Camarines Sur nativeBugoy Drilon doesn't mind people speculating about his gender. "Lalake potalaga ko. Ganito lang po kasi ako gumalaw 'tsaka magsalita. Jolly-jolly lang po,"explained Bugoy during a special press conference prepared by ABS-CBN lastSeptember 18.


Hindi apektado ang Pinoy Dream Academy runner-up na si BugoyDrilon sa mga nagdududa sa kanyang kasarian. Sa pag-i-stay kasi sa loob ng Academyay marami ang nakapansin sa tila malambot na kilos ng binata. May mganakapagsabi pa nga na kaya raw na-turn off ang maraming viewers sa kanya ay sadahilang ayaw nitong magpakatotoo.

Noong Huwebes, September18, ilang araw matapos ang grand finale ng PDAsa Cuneta Astrodome ay nagpatawag ang ABS-CBN ng isang special press conferenceupang pormal na ipakilala sa entertainment press ang naging six finalists ngpopular reality talent search show.

At dahil nandoon na rinay diretsahan nang tinanong si Bugoy kung ano nga ba ang totoo.

"Lalake po talaga ako,"mabilis na sagot nito. "Ganito lang po kasi ako gumalaw 'tsaka magsalita. Jolly-jolly lang po."

Wala naman daw problema kung pagdudahan man ngpubliko ang kanyang pagkatao. Depensa ni Bugoy, "Nirerespeto ko po ‘yongpananaw nila sa ‘kin kasi may pananaw din po ako sa sarili ko. 'Tsaka ‘yon poang nararamdaman ko. Ganito lang po ako, pero totoo po ako."

NOFEUD WITH LAARNI. Pinabulaanan din ni Bugoy ang isyu namasama diumano ang loob nito sa itinanghal na Grand Star Dreamer na si LaarniLozada. Ayon kasi sa ilan na nakapanood nang live sa Cuneta Astrodome ay bakas nabakas diumano sa mukha ni Bugoy ang pagkadismaya nang tawagin ang pangalan niLaarni bilang winner. May mga nakapagsabi na obviously ay nag-expect ang Camarines Sur nativena siya ang mananalo kaya ganun na lamang ang naging reaksyon nito.

Sinabi ni Bugoy na masayasiya sa pagkapanalo ni Laarni at wala siyang hinanakit dito, pati na rin sa viewers ng PDA na matiyagang nagpadala ng text votes. Isang malaking karangalanna raw ang mapabilang sa Top 6 kasama sila Laarni, Miguel Mendoza, LiezelGarcia, Van Rojas, at Cris Pastor.

"Natutuwa po ako na nakaabot ako, nilagay ako ng mgatao," sinserong pahayag ni Bugoy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kung siya mismo ang tatanungin ay deserving namandaw silang lahat kaya wala raw dahilan para isipin niyang siya ang tatanghalingGrand Star Dreamer.

"Lahat naman po kasitalaga deserving. Kaya laking pasasalamat ko po kasi magagaling talaga siLaarni, si Liezel, si Kris, si Van. Iba-iba po kasi ang range ng mga boses naminmakikita po talaga 'yong pagkakaiba."

Sinagot din Bugoy ang opinyonng ilan na nagsabing bagama't maganda ang kanyang boses ay natalo naman ito dahildiumano sa kakulangan ng sinasabing "face value."

"Okay lang naman posiya kasi ang mahalaga naman po sa ‘kin, na-share ko ‘yong talent ko sa kanila. Masayana po ako na sa talent ko napasaya ko sila. Mahalaga po sa akinmakapag-perform, mainspire ko sila," sambit ni Bugoy.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN