Patrick Garcia returns next week, Jennylyn Mercado refuses reconciliation

"I'm very happy na and contented withmy life. I don't want to talk about them na. I hope they know what I mean.Right now kasi, naka-focus na lang ako sa baby ko and my family," says Jennylyn Mercado. She refused to reconcile with ex-boyfriend Patrick Garcia, the father of her child.



Magkasunod na na-interview ng Startalk kahapon, September 20, ang manager niPatrick Garcia na si Arnold Vegafria at ang dating girlfriend ni Patrick, at ina ngkanyang anak, si Jennylyn Mercado.

Kinumpirma ni Arnold ang pagbabalik ng Pilipinas ng kanyangalaga. Ayon sa manager ni Patrick, sigurado raw na haharapin ng young actorkung anuman ang problema nila ni Jennylyn.


"Darating na si Patrick next week," sabi ni Arnold. "So, Idon't know what exactly. May tinatapos kasi siyang module sa thesis niya. Butdefinitely, next week, darating na siya. Definitely, yung problema niya kayJennylyn, haharapin niya yun. At anumang obligasyon niya kay Jennylyn,haharapin niya yun."

Dagdag ng manager, "Ang advice ko rin kay Patrick at kayJennylyn, mag-usap silang dalawa para ma-settle kung anuman ang mga problemanila."

Kahit ang pamilya raw ni Patrick ay excited nang makita angbaby ng young actor kay Jennylyn. Pero ayon na rin kay Arnold, walanaman daw way para makita nila ang bata. Yun nga lang, mukhang hindi pa rawyata open ang pamilya ni Jennylyn for them to see the baby.

"Ako, very excited, even si Cheska Garcia [Patrick'ssister], no matter what, kadugo nila yun. At sana maging open sila na makitarin ni Patrick ang bata," asam ni Arnold.

Ayon din kay Arnold, from the beginning, wala namang doubtkay Patrick na anak nga niya ang bata.

"I'm sure, he's excited to see the baby. Hindi naman niyaidine-deny yung bata. Especially kapag nakita pa siguro niya yung bata, bakamas lumambot pa ang puso niya at magkabalikan pa silang dalawa."

Kasabay ng pagpapa-interview na yun ni Arnold ay angpaglilinaw niya na nasa Amerika talaga si Patrick at hindi sa isang undisclosedrehab center gaya ng nabalita.

"Si Patrick, nag-aaral, he's in America," diin ni Arnold."Yung short courses niya na ipinasok siya ng dad niya para naman meron dinsiyang diploma na maipakita sa pamilya niya. Matagal nang plano yun. Hindi paman buntis si Jennylyn, nakaplano na yun. It's just that, ngayon na langnatuloy yung planong ‘yun."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

JENNYLYN MOVES ON. Pagkatapos ng panayam ng Startalk kay Arnold, nakapanayamnaman ni Joey de Leon si Jennylyn via phone patch.

Unang kinamusta ni Joey kay Jennylyn ang baby niya na siAlex Jazz Mercado. Obviously, very proud mom si Jen sa pagde-describe sakanyang baby. "Okey naman po siya. Malaki na! Ang cute-cute!"

Pero bakit nga ba Alex Jazz ang pangalan ng baby?

"Yung father ko ang nag-decide. Siya yung pumili ngname na Jazz. ‘Tapos, noong nasa ospital kami, noon na lang kami nakapag-decideng first name. Kasi, lucky raw sa mga Chinese ang letter A. So, yun," paliwanag ng young actress.

Kinumusta rin ni Joey kay Jennylyn ang ina-inahan ng youngactress na si Mrs. Lydia Mercado. Hindi rin kasi birong stress ang naranasannito sa pagkamatay ng asawa niyang si Mr. Roger Mercado ilang araw pagkataposmakapanaganak ni Jennylyn.

"She's okay na, tuwang-tuwa na siya sa baby. Ayaw na niyangbitawan. Sobrang happy na," saad ni Jennylyn.

Tinanong ni Joey si Jennylyn kung narinig na ba niya nadarating si Patrick next week.

"Talaga? Hindi ko narinig!" natatawa niyang sabi.

Ano ang reaction niya na excited daw si Patrick na makitaang anak nila?

"Reaction? Tito Joey, ano, e, I don't want to talkabout it. Ayoko nang i-tackle yung mga ganyang things. For me, past is past na.At naka-move on na po ako. Let's move on, everybody."

Willing ba siyang ipakita si Jazz sa ama niya?

"Siguro kapag dumating na lang yung tamang time," sagot niJennylyn.

Wala raw "daddy-daddy" ang baby niya dahil kahit naman noongtime na ipinagbubuntis niya ang anak, siya lang din mag-isa.

Wala na ba talaga siyang ugnayan mula sa kampo ni Patrick?

"Wala, wala na po. Yun nga, pinalaki ko siyang mag-isa. So, hanggangsa siguro dumating na yung time na matuto na siyang maglakad, hanggang samag-aral siya. Yun," sabi ni Jennylyn.

Inulit ni Joey kay Jennylyn ang sinabi ng manager ni Patrickna mukha raw may posibilidad pa na magkabalikan sila ng young actor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ako kasi, Tito Joey, I'm very happy na and contented withmy life. I don't want to talk about them na. I hope they know what I mean.Right now kasi, naka-focus na lang ako sa baby ko and my family. Ngayon, I'mlooking forward to work na sa GMA, next month."

Totoo bang may movie silang gagawin ni Katrina Halili?

"Opo, mag-i-start na po kaming mag-shoot next month atsobrang excited na po akong magtrabaho at bumalik na ulit," sabi ni Jennylyn,na ang tinutukoy ay ang One Night Only ng OctoArts Films.

Tinanong ni Joey si Jennylyn sa kung ano ang reaction niyasa inamin ng dati niyang boyfriend na si Mark Herras sa Showbiz Central na there was a time na nagkaroonsiya ng feelings for Katrina.

"Ay, napanood ko nga po ‘yan! Normal naman po siguro nama-in love kay Katrina at magkaroon ng feelings for Katrina. Naku, napakabaitni Katrina at napakaganda, so bakit hindi? Sayang, bakit hindi tinuloy?" tawani Jennylyn.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN