"Startalk" this week: Inah awaits her delivery; Dennis keeps son's birthday party private; Gretchen is still with Tonyboy

(From left) Inah Revilla, Dennis Trillo and Gretchen Barretto are some of the stars who were featured in Startalk last Saturday, September 20.



Ilan pa sa featured stories sa Startalk kahapon, September20, ay ang tungkol sa malapit nang panganganak ni Inah Revilla, ang katataposna 1st birthday party ng anak nina Dennis Trillo at Carlene Aguilarna si Calix, at ang isyung pinalayas diumano ni Tonyboy Cojuangco si GretchenBarretto sa kanilang tahanan.

INAH AWAITS HER DELIVERY. Malapit na nga raw mangangak siInah anytime now sa una nilang anak ng mister niyang si Vince del Rosario.Nakuha pang magbiro ng anak nina Senator Bong Revilla at Lani Mercado napapunta na raw silang hospital dahil inip na rin daw siya sa paglabas ngkanyang baby.

"I'll give birth the natural way," sabi ni Inah. "Yung babyraw kasi ang magde-decide kung kailan na siya lalabas at hindi na rin kamimakalabas masyado kasi baka pumutok na lang bigla yung water bag ko."

Posible rin daw na makasabay ng birthday ng daddy niya na siSenator Revilla at posible rin naman na sa mismong birthday niya, which is onOctober 2. May pangalan na rin silang nakahanda sa kanilang baby girl—NiñaAlexa Daniella.

Nakaplano na raw na pagkapanganak niya, by June next year aybalik-eskuwela na siya sa Ateneo de Manila. Same course pa rin daw angkukuhanin niya, Legal Management.

Palagi rin daw siyang binibigyan ng advice ng kanyang ina nasi Lani Mercado.

"Sinasabi niya sa akin na kaya ko ‘to, kung siya nga rawnakaya niya. At huwag raw akong mag-alala baka magkaroon ng post-partumdepression. Kaya dapat daw, palaging happy. Kung medyo feeling sad daw ako,basta isipin na lang maging happy. At saka aalagaan daw niya ko at saka siAlexa."

A PRIVATE BIRTHDAY PARTY. Na-interview rin ng Startalk siDennis Trillo na naging firm talaga sa kanyang desisyon na hindi ipa-coverageang 1st birthday party ng anak nila ni Carlene Aguilar na si Calix Andreas. Nagkuwento na lang ito ng naganap na party.

"Sobrang saya talaga kasi kahit si Calix, nakita naminghappy siya. At saka, very proud ako kasi yung anak ko, nasasabi na niyayung 'Dada.' Kapag nakikita niya ako, sinasabi niyang ‘Dada' kaya sobrang aliwako sa kanya. Sobrang proud din ako dahil hindi ko akalain na darating ang arawna ako ang mag-asikaso ng party ng anak ko," lahad niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Mas naging doble ang pag-aasikaso ni Dennis dahil hindiraw nito akalain na matatapat ang party mismo ng anak nila sa taping naman niCarlene ng Celebrity Duets, kung saan isa siya sa contenders. "Medyo late na siya nakarating kaya most of thetime, ako yung nandoon para i-entertain yung mga guest."

Ipinaliwanag ni Dennis kung bakit kinailangan nilang gawingprivate ang party ng kanilang anak.

"E, kasi, hindi naman siya showbiz. Hindi naman siyaartista. Gusto ko lang maging tahimik at siyempre, gusto ko na walang kokontradoon sa kasiyahang ibibigay namin sa kanya."

Hindi naman masagot ni Carlene ang tanong kung hindi kayamatulad din sila eventually sa ex-couple na sina Paolo Paraiso at Mylene Dizon, na kahit sinasabing wala nang relasyon ay nasundan pa ng isa ang una nilanganak.

"Ganoon? Hindi ko alam, e, hindi ko masasabi. Wala namangmakakapagsabi. Pero siyempre, sa ngayon, gusto ko munang i-enjoy ang body ko naganito at saka si Calix habang lumalaki."

GRETCHEN DENIES. Sa pamamagitan ng manager niyang si Boy Abunda, pinabulaanan ni Gretchen Barretto sa Startalk ang naiulat sa column ni Ricky Lo sa PhilippineStar. Ayon kasi sa report ay pinalayas diumano si Gretchen ng kanyang live-in partner na si TonyboyCojouangco sa kanilang bahay noong Huwebes, September 19, at naiwan angkanilang anak na si Dominique kay Tonyboy.

Tinawagan daw agad ni Boy si Gretchen para kumpirmahin ang naturang report. Ito lang daw angnaging pahayag ni Gretchen: "Tony and I are okay. I did not leave home."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN