Wendy Valdez pleads for sympathy following "Game KNB?" incident

Asked by Boy Abunda ifshe feels misunderstood by the general public, ex-Pinoy Big Brother housemate Wendy Valdez answered, "Verymuch po. Dahil nga po sa nangyari sa PBB, kasithey are basing it on what they have seen, e, hindi naman po nila ako kilalabilang tao."


Hindi napigilan ngdating Pinoy Big Brother (PBB)Season 2housemate na si Wendy Valdez ang mapaluha kahapon, September 21, sa The Buzz habang nakikiusap sa publiko natigilan na ang mga mapanirang komento laban sa kanya.

"Napakadali magdikit ngmga masasama at hindi totoong isyu sa akin dahil iniisip nilang madaling paniwalaan‘yon ng mga tao dahil sa nangyari sa PBB. And ako naman po, dahil bago lang ako na artista, hindi naman po ako makakalaban,"lumuluhang sambit ni Wendy habang kausap ang host na si Boy Abunda.

Aware si Wendy namasyadong tumatak sa isip ng publiko ang "pasaway" image na ikinabit sa kanyanoong nasa loob pa ito ng PBB house.Bagama't aminado siya sa kanyang ilang pagkakamali nakiusap naman ito sa mga taona maging patas at bigyan siya ng pagkakataon na ituwid kung anumang negativeimpression siya ngayon.

Pakiusap ng dalaga: "Forthat one mistake I did in Big Brother,sobra-sobra na po akong nasaktan and hindi ninyo po ‘yon alam. Parang awa n'yona, itigil n'yo na ang pagdidikit ng masasama at hindi totoo sa pangalan ko.

"Huwag n'yo naman poako gawing libangan. Tinitiis ko lang dahil ayokong maawa ang pamilya ko saakin... Hindi ninyo po ako kilala bilang tao. Hindi n'yo po alam kung anong nasapuso ko."

WENDY'SSIDE. Kamakailan ay muling nasangkot ang pangalan ni Wendy sa kontrobersiya matapos mag-walk out siya diumano sa game show ng ABS-CBN na Pilipinas, Game KNB? Nagkaroon din dawng mainitang pagtatalo sa pagitan ni Wendy at ng game show host na si Edu Manzano.

Inamin naman ni Wendyna nagkaroon nga ng tensiyon sa set ng nasabing programa subalit naayos din naman ito nung mismong araw na yun. Hindi rin daw totoo na nagkasagutan sila ni Edu,dahilan para lisanin din ng host ang set.

Ikinuwento ni Wendy nasumama ang loob niya matapos hindi tanggapin ng show ang kanyang sagot bagama'ttama naman daw ang kanyang isinagot sa tanong na kung sino ang founder ng popularUK magazine na Penthouse.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tatlo raw ang mgapangalan na inilatag para pagpilian: Bob Parker, Bob Green, at Bob Guccione.

Bob Guccione ang pinilini Wendy kahit wild guess lang daw ang kanyang sagot dahil hindi rin siya pamilyar sa background ng nasabing men's magazine.

Laking gulat ng dalaganang malamang tama ang sagot niya, subalit bigla itong napalitan ng pagkadismayamatapos sabihin ni Edu na dahil diumano sa maling pronunciation ay hinditatanggapin ang sagot ni Wendy.

Dito na naging emotionalsi Wendy.

"This is not fair kasi ‘yonang sinabi ko," katuwiran ni Wendy. Iginiit ni Wendy na ang sagot niya pati narin ang kanyang manner of delivery ay sang-ayon sa kung papaano ito binigkas samga contestants.

"I freaked out and Icried and felt really bad," paliwanag nito. Sa sobrang sama ng loob aynag-walk out si Wendy, pero pinakiusapan naman daw ito ng ilan na bumalik paratapusin ang show.

Paliwanag daw kay Wendyng production staff ay hindi audible ang kanyang pagkakabigkas ng 'Guccione' kaya hindi ito tinanggap. Wala naman daw sanang problema kung ipinaliwanag ito nangmaaga sa kanya.

"Kung nasabi lang poagad sa ‘kin na hindi audible, I would understand," pahayag niya kay Boy, "kasiang naging dating po mali ang sinabi ko."

Agad namang dinepensahanni Wendy si Edu sa pagsasabing naging fair and understanding naman ang host sa naging sitwasyon.

"I understand. Ibelieve you and you don't have to explain anything to me but it's not my call,it's theirs," malumanay na sagot daw ni Edu nang lapitan niya para humingi ngpaumanhin.

Sa isang separateinterview ay tahasan namang sinabi ni Edu na hindi siya nag-walk out mataposmangyari ang insidente. Umupo lamang daw siya sa isang tabi habang hinihintayang desisyon ng staff sa reklamo ni Wendy. Ayon pa kay Edu, karapatan naman dawng contestants, mapa-artista man o hindi, na kuwestyunin kung sa palagay nilaay may pagkakamali ang programa.

"Anyone can question, e,kasi feeling mo, alam mo ‘yong sagot sa isang tanong. Kung feeling mo tama ka, puwede mong i-challenge, puwede mong i-question, e. ‘Yon naman ang ginawa, e,"sambit ni Edu.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dagdag pa ng game show host bilang paglilinaw: "Hindi ako nag-walk out. The incident wasnot between me and Ms. Valdez. Host kalang, e. I'm not allowed to intervene kasi [the program is] fact-based."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN