Judy Ann Santos offended by Robin Padilla's joke

"Alam ko namang matalinong tao si Robin. Kung dinaan niyasa biro ‘yon, hindi na lang gano'n. Hindi naman lahat ng tao ay maiintindihangbiro ‘yon, e. Lalo pa't hindi naman nakita na sinabi niya ‘yon. Nabasa lang.Iba yung nabasa, iba yung napapanood sa TV at interview, iba ‘yon, e," reacts Judy Ann Santos to a joke by Robin Padilla (inset).


Parang nakakalalakiraw ang ipinahayag ni Robin Padilla nang ito'y tanungin kung ano ang magigingpartisipasyon niya kaya sa kasal nina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo. Nasabikasi ni Juday na kung siya ang tatanungin, ang gusto niya'y magpakasal na silani Ryan next year.

Pero tila pabalangkung pabiro man ang sagot ni Binoe na wala raw siyang magiging partisipasyon.Laking gulat ng ibang reporters nang nagbiro si Binoe na hindi siya a-attend ngkasal nina Juday at Ryan dahil baka "maagaw" pa raw niya ang aktres kay Ryan.

Nagulat si Judaynang usisain siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) tungkol sa isyungito kagabi, September 21, sa grand presscon ng Mag-ingat Ka sa... Kulam ngRegal Entertainment na ginanap sa Imperial Palace Suites.

"Alam mo namangmag-isip yung mga tao, di ba?" sabi ni Juday. "Alam naman ng lahat ng tao naI'm more than happy with my life right now. Alam ko namang matalinong tao si Robin.Kung dinaan niya sa biro ‘yon, hindi na lang gano'n. Hindi naman lahat ng taoay maiintindihang biro ‘yon, e. Lalo pa't hindi naman nakita na sinabi niya‘yon. Nabasa lang. Iba yung nabasa, iba yung napapanood sa TV at interview, iba‘yon, e.

"Ayoko lang nama-misinterpret ng mga tao yung nabanggit niya. Sana, respetuhan na lang ng mgapartners. Kung wala siyang masasabing maganda tungkol sa kapupuntahan ngrelasyon namin ni Ryan, sana huwag na lang siyang mag-comment."

Napagtanto rin niJuday na malamang lumaki ang isyu, lalo na't pareho pala silang may ipalalabasna pelikula ni Binoe, na halos magkasunod. Si Binoe ay tampok sa horror film naSundo, samantalang si Juday naman ay may Kulam, na isa ring horror film.

"Sana nga,hindi lumaki kasi parang lalabas na naggagamitan pa kami," napapailing nasabi ng aktres. "Hindi ko alam kung paano magre-react si Ryan tungkol sasinabi ni Binoe, pero yun nga ang iniiwasan ko.

"Nananahimikang boyfriend ko, 'tapos madadamay dahil lang sa ganyang mga komento. Huwagnaman. Wala naman kaming sinasabi tungkol sa ibang tao, and if they're nothappy for us, sana manahimik na lang sila," medyo napakunot-noo si Juday.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Minsan nang nagsamasa pelikula sina Binoe at Juday, sa Jeannie... Bakit Ngayon Ka Lang, isangromantic comedy mula sa Viva noong 2002, pero mahaba-habang panahon silangnagsama sa Basta't Kasama Kita, isang action-drama teleserye para sa ABS-CBN.

"Veryprofessional ang pinagsamahan namin ni Binoe," sabi ni Juday. "Walanaman talagang personalan. Pero ang alam ko, naging magkaibigan kami. Okey angnaging working relationship namin.

"Kaya nagulatdin ako sa mga sinabi niya. Sa totoo lang, sana nga, huwag nang lumaki, kasihindi talaga maganda. Ayoko lang magsinungaling sa naramdaman ko nang malamanko yung sinabi niya, regardless of how he said that, kung biro man, pero hinditalaga maganda.

"It's not worthit na pahabain pa ang isyung 'yan tungkol kay Robin. Ang mahalaga ay masaya akoat kung may mapapangasawa, siyempre, ako, wala nang kaduda-dudang si Ryan na angpakakasalan ko," diretsahang sabi ni Juday.

Maaagaw ba siya ni Robin kay Ryan?

"Hindi. Period." mabilis na sagot ni Juday.

Dapat bang humingi ng sorry sa kanya si Robin?

"Huwag na. Kumbaga, huwag na lang pag-usapan. I-retract na lang niya," sabi ni Juday.

Addition report by Eric Borromeo


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN