Tanya Garcia and Mark Lapid's daughter celebrates first birthday

"Ang wish ko siyempre, maging masaya siya. Sana magigingmabuti akong mommy sa kanya kasi ginagawa ko naman ang best. At saka sana,makuha niya lahat ng magaganda sa life. All the best that life can offer, yunang pilit kong ibibigay sa kanya. Siguro ganoon talaga yun kapag may anakka na," says Tanya Garcia when asked about her birthday wish for daughter Mischa Amidala.



Last Sunday, September 21, ay idinaos ang bonggang-bonggang first birthday celebration para sa anak nina Mark Lapid at TanyaGarcia na si Mischa Amidala Lyttle Lapid sa clubhouse ng Wack-Wack Golf &Country Club sa Mandaluyong City. Walang-duda na pinaghandaan ngang mabuting mag-asawa ang unang kaarawan ng anak nila.

Nakakuwentuhan na ng PEP (Philippine Entertainment Portal)si Tanya bago pa man naidaos ang birthday party ni Mischa, kaya kahit paano ay may ideya nakami kung anong preparations ang pinagkaabalahan niya at kung sinu-sino ang kanyang nasa guest list. Sumobra ang bilang ng mga bisitang inaasahan nilangdarating. Pero masaya naman daw si Tanya dahil ibig sabihin, marami ang nagmamahalsa kanila.

"Actually, nagulat din ako!" natatawa niyang sabi. "Gumawarin kasi ako ng RSVP, pero alam mo naman dito, hindi uso ang RSVP so okey lang.Pero masaya naman, at least, marami ang nagmamahal sa amin at sa anak ko, diba?"

Ayon kay Tanya, pareho namang nakarating ang mgapamilya nila ni Mark. Nakita nga ng PEP doon ang mga magulang ni Mark na sinaSenator Lito Lapid at Mrs. Marissa Lapid at mga kapatid ng dating governor ngPampanga. Sa side naman ni Tanya, nandoon ang kanyang mga magulang, kapatid, atang kanyang lola.

"Masaya nga kasi lahat talaga nandito. Yung wala lang saside ni Mark, yung isang sister niya dahil nasa States," dagdag ni Tanya.

Naging hands-on daw si Tanya sa preparation para sa unangbirthday ni Mischa.

"Yes, super hands-on, although kumuha rin naman ako ng partyorganizer, ang Party Line Plus. Mga friends ko kasi sila kaya pati yung binyagni Mischa, sila rin yung nag-asikaso. Hanggang sa susunod niyang mga birthday,sila pa rin."

Mickey Mouse Clubhouse ang naging theme ng party. Si MickeyMouse daw kasi ang paboritong pinapanood ni Mischa. Pati ang giveaway sa mgabisitang kids ay isang Mickey Mouse-inspired director's chair, bukod pa rito angmga loot bags na punung-puno naman ng imported chocolates from Duty Free. Ayonkay Tanya ay may nag-sponsor daw ng mga ipinamigay na chocolates.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Walang-duda na nag-enjoy nang husto ang mga bisita, mapa-bata man o matanda,dahil sa more than 10 kiddie booths na added attraction ng party: snow cone,cotton candy, Mickey hotdog, Trolley Treats, Dippin' Dots ice cream, MickeyMouse photo souvenir, tattoo, face painting, carousel, at Starbucks coffee.

Tanya and Mark even hired a high-priced magician na doble-dobleang talent fee kumpara sa mga ordinary magicians na hina-hire tuwing children's party.

Feeling ni Tanya, ramdam na ng anak na ang birthday party ay para sa kanya.

"Actually, kaya ako ang unang dumating dito, wala pa siMischa, dapat kasi matutulog muna siya. Kaso, ayaw niyang matulog. Parangexcited na excited na siya kaya pinasunod ko na rin siya agad. Dapat matutulogmuna siya kasi baka antukin siya. Pero nakita n'yo naman siguro kanina, masayang-masayasiya at nakikipalakpak siya," masayang kuwento ni Tanya.

PROUD MAMA. Mabilis na "of course!" ang sagot ni Tanya nang tanunginsiya ng PEP kung very proud ba siya bilang ina. "Ang ganda-ganda ng baby ko!"natatawa niyang sabi. "Naglalakad na siya at nagsasalita na siya. Nasasabi naniya ang 'Dada, Mama.'"

Ano ang wish niya for her daughter?

"Ang wish ko siyempre, maging masaya siya. Sana magigingmabuti akong mommy sa kanya kasi ginagawa ko naman ang best. At saka sana,makuha niya lahat ng magaganda sa life. All the best that life can offer, yunang pilit kong ibibigay sa kanya. Siguro ganoon talaga yun kapag may anakka na.

"I also wish her good health. Nagpapasalamat ako sa Diyos nahindi naman siya nagkakasakit nang serious talaga. Sana patuloy pa rin yun namaging healthy siya at maging mabuting anak."

Kung may problema man daw siya sa health ni Mischa aymasyado itong prone sa skin allergy. Noong mismong party nga ni Mischa ay mayrashes ito sa mukha dahil daw sa allergy.

Kumusta naman ang pagiging ina ni Tanya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Masaya na nakakapagod, pero siyempre, kapag nakikita monaman ang anak mo na malaki na siya, lalo na ngayon na nagsasalita na, ‘taposmalambing, parang nawawala lahat yun. Yung pagpupuyat, kasi hanggang ngayon,nagigising pa rin siya sa madaling-araw. Five-thirty pa lang in the morning,gising na siya kaya seven-thirty pa lang ng gabi, tulog na kaming dalawa!"natatawang kuwento ni Tanya.

What about Mark, how is he as a father?

"Wala naman akong reklamo sa kanya. Nagagampanan namanniyang mabuti ang responsibilidad niya as a father, as a provider," sagot niya.

BACK TO WORK. Aminado si Tanya na kahit siya raw sa sarili niya, hindi niyainakala ang mga bagay na matutuklasan niya nang maging mommy na siya. Nahihirapandaw siyang humiwalay sa anak. Ilang oras pa lang daw na hindi niya ito nakikitao nakakasama, parang nagkakaroon na siya ng separation anxiety attack.

"Oo! Well, nagwo-work naman ako. Nagte-taping ako ng Utoy saABS-CBN, pero nami-miss ko pa rin siya. Ang hirap! Pero sabi nga, dapat matutona rin akong humiwalay sa kanya, kasi nga, one year old na. Next year,mag-aaral na, di ba?

"Kaya lang talaga, feeling ko, habang tumatagal, feeling ko,mas lalo akong nagiging attached sa kanya. Lalo na ngayon na marunong nasiyang maglambing. Minsan nga, kapag nagagalit ako and I say no, iki-kiss kaniya! Marunong na talaga siyang maglambing. Kaya minsan, kapag nasa taping akona the whole day na, nalulungkot ako!

"Alam n'yo, akala ko dati, parang ang OA, pero hindi talaga,totoo pala talaga! Hindi ko talaga alam na magiging ganito pala akongmommy. Pero ganoon pala yun, kapag nagka-anak ka na, doon mo malalaman ifyou're capable of doing this or not," lahad niya.

As early as now, susuportahan naman daw niya ang anak kunganuman ang gusto nitong gawin in the future. Kung susunod man daw ito sa yapaknila ni Mark na mag-artista o mag-pulitika.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Siyempre kahit ano naman ang gusto niya, susuportahanko. Ganoon din naman ang parents ko sa akin, kung ano ang gusto ko...So,ako rin, ganoon din ako sa anak ko kung ano ang gusto niyang maging, kung anoang gusto niyang gawin. Basta alam ko na ikabubuti niya, why not? Susuportahanko siya. Kung talagang may kukuha naman sa kanya, why not?"

Ngayon daw, mas magiging visible na si Tanya sa showbizcareer niya at mas ready na tumanggap ng mas maraming projects unlike before napersonal choice niya talagang huwag pang maging full blast ang kanyangpagbabalik.

May tinatapos lang daw siya sa ABS-CBN, pero hindi itinanggini Tanya na wala ring problema sa kanya to do another project sa GMA-7, kungsaan siya unang nabigyan ng malaking break sa pamamagitan ng soap na Sana AyIkaw Na Nga opposite Dingdong Dantes.

"Well, sana soon, kaya nanawagan po ako sa GMA!" biro niya. "Pero seriously, may mga pag-uusap na rin naman na ginagawa sa GMA.Hindi pa nga lang talaga tapos ang ginagawa ko sa kabila [ABS-CBN]."

Bago manganak si Tanya ay napanood siya sa Super Twins ngGMA-7.

UNRESOLVED CONFLICT. Sa ngayon, masaya raw si Tanya sa kanyangbuhay. Although, hindi naman niya itatanggi na may mga panalangin pa rinsiya na sana raw ay matupad na.

"Oo naman siyempre, lahat naman. Yung isang bagay na yun nasana ay matapos na," sabi niya.

Hindi man direktang binanggit ni Tanya kung ano ang tinutukoy niya, alam naman ng marami ang isyu tungkol sa isang Koreana na sinasabing pinakasalan daw ni Mark at meron silang anak.

"Well, actually yung pagsasalita ko, bonus na lang yun," patuloy ni Tanya. "Ako,I honestly feel that I don't have to explain naman to the people naganito-ganyan-ganyan. Alam ng Diyos kung ano ang totoo. Alam ng pamilyanamin. Alam ng nagmamahal sa amin kung ano ang totoo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ano lang din yun, para na rin magkaroon ng peace of mindkung sinuman yung mga involved, di ba? Kasi kami naman, ever since nga, palagikong sinasabi, wala kaming ginagawang masama. Alam namin kung ano ang totoo.Alam ng Diyos kung ano ang totoo at yun ang importante."

Kapag natapos na ba ang lahat ng ito ay mauuwi na sa happyending ang lahat?

"Oo, sana. Lahat naman tayo, yun ang gustong mangyari, especially ako, di ba? Yun na lang ang ipinagdarasal ko athinihiling ko para matapos na, di ba?

"Pero siya [Mark] na rin ang nagsabi na, ‘Pero huwagna lang natin gawing kumplikado ang mga things. Malapit nang maayos, e. Kayamaghintay na lang tayo at magdasal.' Ako, naniniwala ako that everything has areason, e. Lahat ‘yan, meron na, so siguro para may mga matuto. So, yun nalang, hintayin na lang natin," nakangiting pakiusap ni Tanya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN