Star Magic artist Randolf Stamatelaky overwhelmed by being part of "Betty La Fea"

"Simula kasi noong nag-artista ako, yung totoong apelyido kona talaga ang ginagamit ko. Dalawa lang kasi ‘yan, e, mahirap akong matandaanng tao dahil kakaiba ang apelyido ko o mas matatandaan ako ng mga tao dahil saapelyido ko. Mas gusto kong paniwalaan na mas matatandaan ako because of mysurname kasi nga unique, e," says Randolf Stamatelaky of his Greek surname.



Masaya ang ipinakikilalang artista ng ABS-CBN Star Magic nasi Randolf Stamatelaky, 25, at nakasama siya sa teleseryeng I Love Betty La Fea, napinagbibidahan nina Bea Alonzo at John Lloyd Cruz. Proud din siya nanagtatrabaho sa ABS-CBN.

"Dito sa ABS-CBN, sobrang iba. Ang sarap ng feeling na makasamaako dito sa Betty La Fea. Yung mga kasama namin, grabe, mga bigatin! Bea, JohnLloyd, Ai Ai [delas Alas], Vhong [Navarro], Ruffa [Gutierrez], Ronaldo Valdez, atmarami pa. Nakaka-overwhelm kasi ang gagaling nila.

"Natsa-challenge ako nagalingan ko kasi hindi basta-bastang mga artista yung kasama ko sa Betty,"pahayag ni Randolf sa panayam ng PEP (PhilippineEntertainment Portal) during the presscon ng Star Magic para sa mgaartistang kasama sa I Love Betty La Fea kahapon, September 23, sa 9501 restaurantng ABS-CBN.

PILYO IN REAL LIFE. Ginagampanan ni Randolf sa Betty La Fea ang role ni Randy,isa sa mga empleyado ng Ecomoda Manila. Supervisor niya rito si Joem Bascon.Isa siya sa mga chickboys ng Ecomoda.

Sa totoong buhay, naging pilyo rin ba si Randolf?

"Actually, oo!" pag-amin ni Randolf sa PEP, sabay tawa. "Kayasiguro nila ako nakuha kasi hinango nila sa totoong buhay. Hindi, joke lang! Peronaging pilyo rin ako noon, lalo na kapag kasama ko ang mga kaibigan ko."

As in naging babaero rin siya?

"Noon. Pero kapag playboy ako, wala akong girlfriend nun.Pero kapag may girlfriend ako, isa lang talaga. Hindi ako nagsasabay-sabay.Ayoko na ng ganun. Takot na rin ako sa karma, e. One-woman man na ako."

Ayon kay Randolf, may non-showbiz girlfriend siya ngayon. Wala pa raw silang one year.

Kung wala siyang girlfriend ngayon, puwede ba siyang ma-inlove sa isang katulad ni Betty La Fea?

"Sa totoo lang, may naging girlfriend na rin ako na hindiganoong kaganda, e. Minsan kasi, sa simula importante yun kasi yun ang mag-a-attractsa iyo sa isang tao, e, yung ganda talaga. Pero ang tumatagal, ang lastingtalaga, yung ugali.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Di ba, may nakikilala kang maganda, pero kapag na-meet mona, ang pangit pala ng ugali? Pero meron naman yung hindi ganung kaganda, peroang lakas ng dating sa ‘yo kasi iba yung presence niya. Iba yung ugali niya.Iba yung pakikitungo niya sa tao. I mean, I think it all boils down sa ugali ngtao, yung pakikitungo niya sa iyo, kung paano ka niya itrato," pahayag niRandolf.

Kung ilalarawan niya ang sarili, sino ang totoongRandolf?

"Palakaibigan ako. Kahit anong klase ng tao, mahirap o mayaman,nagiging kaibigan ko. Basta okay silang makisama. At saka gusto ko kasi kapagmay kaibigan ako yung may natutunan ako, ‘tapos may natutunan ka sa akin. ‘Taposbasta enjoy. Kasi importante sa akin yung enjoyment ng buhay, e."

Kanino sa mga cast ng Betty La Fea siya pinaka-close?

"Kay Kuya Jayson [Gainza]," sagot ni Randolf. "Masaya kasisiyang kasama, e. Siyempre nakakasama ko rin at madalas kong kaeksena sina Joemat John Lloyd. Okay namang kasama ang lahat. Masaya lagi sa set."

LONG ROAD TO STARDOM. Sumali si Randolf sa Mr. Pogi ngEat Bulaga! noong 2002. Finalist siya rito, pero hindi siya pinalad na manalo.The same year ay sumali rin siya sa SM Starmodel at itinanghal na Grand Champion.

Inihayag din ni Randolf na hindi na siya baguhan sapag-aartista.

"Nag-start ako sa kabilang station, sa GMA-7. That was 2003.Nakagawa ako ng dalawang projects doon, Hanggang Kailan at saka Kung MawawalaKa. Nag-Daisy Siete din pala ako. Small time pa lang noon. Kasi hindi pa akoseryoso sa pag-aartista noong panahong iyon."

Totoong apelyido niya ba yung Stamatelaky?

"Oo, totoong apelyido ko yun. May lahi kasi akong Greek. Kasiyung grandfather ng dad ko pure Greek. Pero yung dad ko, dito na pinanganak saPilipinas."

Bakit hindi niya pinalitan yung apelyido niya ng isang screen namena mas madaling bigkasin at matandaan?

"Simula kasi noong nag-artista ako yung totoong apelyido kona talaga ang ginagamit ko. Dalawa lang kasi ‘yan, e, mahirap akong matandaanng tao dahil kakaiba ang apelyido ko o mas matatandaan ako ng mga tao dahil saapelyido ko. Mas gusto kong paniwalaan na mas matatandaan ako because of mysurname, kasi nga unique, e," aniya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

TV COMMERCIALS. Ngayong taon na ito ay nagsabay-sabay ang dating ng mgaprojects sa kanya. Bukod sa I Love Betty La Fea ay napapanood din si Randolf saLokomoko ng TV5.

"Oo nga, e. Actually, biglaan nga. Nagkasunud-sunod, kasimaganda yung exposure ko sa commercial ng McDonald's. Dun ako napansin, e. Sobrangmasaya ako. Kasi ito na yung panahon na seryoso na ako sa pag-aartista ko, sacraft ko. Dati kasi hindi ako focused sa work ko. Ngayon, driven na ako sa workko. Pinapalad naman. Siyempre may kasamang dasal. Masaya talaga ako atnakakatrabaho ko na ngayon yung mga sikat at magagaling na mga artista."

Sinubok ni Randolf na tapusin ang kursong Nursing, peronaramdaman niya na iba ang gusto niyang gawin. Pero balak din daw niyangtapusin ang kanyang pag-aaral.

"Undergrad ako kasi nga nagkasunud-sunod yung mga projectsko sa commercials. Hanggang sa dumating na yung mga projects sa TV."

Ayon kay Randolf, ilan sa mga nagawa niyang TV commercialsay para sa McDonald's, Rebisco, San Mig Light, Ginebra,Jollibee, at Pizza Hut.

Kung mabibigyan siya ng project na pagbibidahan niya, anongrole ang gusto niya? May dream role ba siya?

"Ang dami kong gustong gawin. Pero ang isa sa naiisip ko ayyung action na may pagka-comedy, yung ganung role. At saka gusto ko rin talagayung mga character roles, e. Alam mo, yung parang sa mga movies ni Johnny Depp.Parang may pagka-weird, yung hindi common na role."

Kung siya ang papipiliin ng leading lady na makakasama niya,sinong artista ang gusto niyang makasama?

"Leading lady? Well, nagagalingan ako lately kay SarahGeronimo. Lumabas yung galing niya sa pelikula nila ni John Lloyd, yung A VerySpecial Love. Gusto ko ring makasama yung crush ko, si Megan Young. At saka siBea Alonzo, magaling din," pagtatapos ni Randolf.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN