Charlene Gonzalez says rift with Kris Aquino is already settled

Charlene Gonzalez-Muhlach would rather let the issue betweenher and Kris Aquino be put to rest. "There are so many wonderful things to lookforward to in life. So many wonderful blessings and good people everywhere...ever since before and hanggang ngayon, I have nothing but good intentions parasa lahat," explained the host of Q 11's inspirational show, Proudly Filipina.


Ayaw nang gatungan pa niCharlene Gonzalez ang naging gusot sa pagitan nila ng fellow host na si KrisAquino na naganap noong fashion event na pinasinayaan ng batikang designer nasi Randy Ortiz last September 4 sa EDSA Shangri-La Hotel, Mandaluyong City.

Ayon sa mga nakasaksiay biniro raw ni Kris si Charlene ng "Pa-star ka!" matapos makita na iba angkulay ng gown nito taliwas sa diumano'y black motif ng event. Pakiramdam daw ni Kris ay sinadya ni Charlene na lumayo sa motif para mag-stand out itosa mga kasamang artista na nandoon din nung gabing 'yon.

Makailang beses din dawnagpasaring ang misis ni James Yap, dahilan para sumagot si Charlene ng, "Kris,do you have a problem with my dress?"

Noong panahong pumutokang balita ay minabuti na lang ni Charlene na manahimik para hindi na lumaki paang isyu. Si Kris naman ay humingi agad ng paumanhin sa pamamagitan ng isang textmessage na ipinadala nito sa TV Patrol World noong September 10.

"Iniintindi ko na lang.I joked with the wrong person, so I apologized right away," paliwanag ni Kris.

NOTHINGBUT GOOD INTENTIONS. Kagabi, September 23, sa thanksgivingparty na inihanda ng Q Channel 11 sa Alfredo's restaurant sa Tomas Morato, Quezon City, aymuling iginiit ni Charlene na ayaw na niyang patulan ang isyu na namagitan sakanila ni Kris.

Si Charlene ang host ng award-winning inspirationalshow ng Q 11 na Proudly Filipina.

"I have nothing but good intentions for everyone andever since, ganoon talaga ang naging belief ko sa buhay," malumanay na paliwanagng former beauty queen.

Maliit lang daw ang mundo ng showbiz kaya hindi rawmalayo na magkita o magkasama ulit sila ni Kris kaya as much as possible ayayaw na niyang pahabain pa ang usapin tungkol dito.

"I wish everyone well... so it's not worth burning anybridges with anyone."

Natutuwa naman daw siya sa amount of support nanatanggap niya sa publiko matapos lumabas ang balita.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kuwento ni Charlene: "Peronagulat lang talaga ako with the support that people gave to me and nakakatabalang ng puso that through the years, I also have siguro planted good seeds din sigurosa iba't ibang tao and I have the opportunity to meet wonderful friends."

Nauna nang nagbigay ngpaliwanag ang fashion designer na si Randy Ortiz na walang color motif ang fashion gala. Fully aware dawsiya sa dalang gown ni Charlene that evening dahil sa kanya mismo galing ito. Naniniwala rin si Randy na biro lamang ang binitawang pahayag ni Kriskay Charlene, subalit dahil nga sa hindi lubos na magkakilala ang dalawa aynauwi ito sa misunderstanding.

Sinuportahan din ni Charlene ang fashion designer sa pagsasabing, "Randy is very fair," paglilinaw nito, "[he's]not taking sides with anyone.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN