FIRST READ ON PEP: Rose Flaminiano says death of Gabby's father should not be blamed on her fight with the actor

This photo was taken on the arrival of Gabby Concepcion, accompanied by Mrs. Rose Flaminiano, last March 30 at the Philippine airport. It was the first time Gabby set foot on Philippine soil after 13 years in the U.S. The actor was welcomed by his father, Mr. Rollie Concepcion, who passed away last night.



Nakatanggap ng tawag ang PEP (Philippine EntertainmentPortal) mula kay Mommy Rose Flamianiano pasado alas-onse kagabi, September 23,para ibalitang sumakabilang-buhay na ang ama ni Gabby Concepcion na si Mr.Rollie Concepcion.

Malungkot si Mrs. Flaminiano sa pangyayari, lalo'tnakamatayan ni Daddy Rolllie ang hindi pagkakaunawaan ng lady producer at niGabby. Pero naniniwala rin si Mrs. Flaminiano na hindi dapat isisisa away nila ni Gabby ang pagkamatay ng nakatatandang Concepcion. Rason niya, kung halimbawa ba na na-high blood si Mrs. Flaminiano at inatake, isisisi rin dawba yun kay Gabby?

Tinanong din ng PEP si Mrs. Flaminiano kung pupunta siya saburol ng ama ni Gabby.

"Kilala ko naman siya. Pupunta ako pero umaga. Yung walang masyadong tao atwala si Gabby," saad niya.

Ayaw munang magsalita at sumagot ni Mrs. Flaminiano sa mgapahayag ni Gabby tungkol sa isinampa niyang kaso, Specific Performance andDamages with Application For Writ of Preliminary Injunction and Prayer forTemporary Restraining Order, bilang respeto sa pagpanaw ng ama ng aktor at bilangpakikiramay na rin.

Basta't kung may bibili man daw ng kontrata ni Gabby paralumaya na siya sa poder ni Mrs. Flaminiano, bibitiw raw siya sa halagang P50million. Bukod dito, humihingi pa ng retraction si Mommy Rose sa lahat ngsinabi ni Gabby tungkol sa kanya.

WILLING TO FACE NADIA. Ibinalita rin ni Mrs. Flaminiano na may live guesting siyasa Startalk sa Sabado, September 27. Willing niyang harapin ang tinagurianniyang "sulsoltant" ni Gabby na si Nadia Montenegro. Hindi raw siya natatakot kunganumang hakbang ang binabalak gawin ngayon ni Nadia.

"Talagang hindi kamimagka-level. Tingnan mo ang buhay niya ngayon sa buhay ko," mataray na buweltani Mrs. Flaminiano sa sinabi ni Nadia na "I won't ever stoop down to herlevel." Ang naturang pahayag ni Nadia ay bilang sagot naman sa mga paratang niMrs. Flaminiano sa kanya. (Click here to read related article.)

Pinabulaanan din ni Mrs. Flaminiano na mainit ang dugo niyakay Nadia dahil every time daw na may gagawing desisyon si Gabby, lagi raw nasasabing aktor na "I think I have to talk to Nadia about this."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Wala namang ganung dialogue si Gabby ‘pag nag-uusap kami.Ano'ng ilusyon na naman ‘yan?" bulalas ni Mrs. Flaminiano.

"Todo dikit lang naman ‘yan kay Gabby after the Music museumconcert," dagdag niya.

Ang pagpayag ni Mrs. Flaminiano na mag-guest sa Startalk aybilang pasasalamat na rin sa dating manager ni Gabby na si Lolit Solis samagagandang salita na binitawan ng TV host-talent manager tungkol sa kanya noongnakaraang Sabado, September 20. (Click here to read related article.)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN