Megan Young believes her move from Kapuso to Kapamilya was right decision

"Mas happy ako. Dito kasi, mas nae-enhance yung skills ko.Mas pinipiga, para I won't settle lang sa ganito lang, sa ganyan lang. Minsannga, parang naiiyak ako sa work ko. Siyempre, minsan, napapagalitan din akowhen they say, it's not good enough," says ex-Kapuso Megan Young about herbeing a Kapamilya now.


Masaya sa nangyayari ngayon sa buhay niya ang 5'8",18-year-old young actress na si Megan Young. Bukod daw kasi sa may regular showsiya, I Love Betty La-Fea, where she plays one of the office girlsnamed Marcella, she is able to attend her regular classes at Trinity College as afreshman.

BINIBINI AND BETTY. Kinumusta ng PEP (PhilippineEntertainment Portal) kay Megan yung dati niyang pangarap na maka-join ng mgabeauty contest like Binibining Pilipinas, patuloy pa rin ba siyang nag-a-aspirena makasali rito?

"Well, hindi ko pa alam kasi may Betty pa, may schoolpa ‘ko...saka sabi ng friend ko, mas maganda raw na mag-join ng Binibini kunggraduate ka na ng college. But then, we'll see," sagot niMegan.

"Hindi ko pa rin alam kasi, hindi ko alam kung bagay batalaga ‘ko ro'n," tila nahihiya pang pagpapatuloy ng dalaga.

Aminado naman si Megan na medyo hirap daw siya portrayingher character as Marcella sa Betty.

"First of all, mas matanda siya. Sobrang tanda, e. Yung mgaclassmates ko nga, sinasabi nila na kapag nakikita nila ‘ko sa TV, iba raw atsa school. At saka, obsessive siya. Doon ako nahihirapan kapag nagpapakita siyang affection na niya. Sobrang O.A. sa pagka-affectionate. Hindi kasi akoganoon. Pero iniisip ko na lang, hindi naman talaga ako yun, si, Marcella namantalaga. So, iniisip ko na lang din, get into the character."

Pag-amin pa niya, "Noong una talaga, parang naiilang ako. SiJohn Lloyd [Cruz] pa ang kaeksena ko."

MEGAN'S TYPE OF MAN. Two years ago pa raw mula nangmagkaroon siya ng boyfriend, pero hanggang ngayon ay still single pa rin siya.Nagbiro pa ito na baka raw puwedeng maglagay ng ads sa article searching for aboyfriend.

Type raw niya yung moreno at mabait.

"Gusto ko kasi, puro non-showbiz. Pero siyempre, kailangangmatangkad siya kasi, kung hindi siya matangkad, ang pangit tingnan, di ba?Dapat kahit naka-heels ako, mas matangkad pa rin siya sa akin."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dugtong pa niya, "Ayun, naalala ko, si Jon Avila pala! Kahithindi siya moreno, pero, bagay sa kanya yung pagka-puti niya."

AS A KAPAMILYA. As everyone knows, galing Kapusonetwork si Megan at kasama sa second batch ng StarStruck. At that time,marami ang may bet na siya ang mananalong ultimate survivor. But Megan didn'twin. It was Ryza Cenon who was declared the ultimate female survivor of StarStruckbatch 2.

Kumusta naman ang pagiging Kapamilya niya?

"Mas happy ako," nakangiti niyang pag-amin. "Dito kasi, masnae-enhance yung skills ko. Mas pinipiga, para I won't settle lang sa ganitolang, sa ganyan lang. Minsan nga, parang naiiyak ako sa work ko. Siyempre,minsan, napapagalitan din ako when they say, it's not good enough.

"Siyempre, hindi ko rin maiwasang hindi maiyak. Nasasaktandin ako. Pero, after noon, iniisip ko rin, sinasabi rin sa akin nina mama na,‘Okey lang ‘yan, galingan mo lang. Ipakita mo sa kanila na kaya mo kasi, sayangnaman itong ibinigay nila kung hindi mo naman gagawin at idadaan mo lang saiyak.'

"So, after no'n, bongga na! Ipinush ko na talaga ang sariliko kasi I have to talaga or else, papagalitan na naman ako. At least ngayon,hindi na ‘ko pinapagalitan," natatawa pa niyang sabi.

THE RIGHT NETWORK. Naniniwala si Megan na tama langang naging decision niyang talaga na lumipat ng network.

"Feeling ko, mas okey talaga na lumipat ako.Feeling ko, if ever I stayed [in GMA-7], baka nag-quit na lang ako. Feeling kokasi, wala na ‘kong mapupuntahan doon. Imbes na puro ako hintay, mag-aaral nalang ako.

"Eh ngayon, since I'm working, you know, work and thenschool. Kung wala, there's school. Sayang naman kasi kung wala akong gagawin,I'm just gonna waste my time."

Diretsuhan na naming tinanong si Megan kung pakiramdamniyang talaga, hindi talaga siya nabigyan ng opportunity sa Kapuso networkwhere she started?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Siguro it wasn't the right time lang. Not the right placeand not the right time. Siguro, this is my right time and my right place rightnow [in ABS-CBN] at saka, mas ready na ‘ko ngayon. Parang noon, parang walalang din... Parang before, laro lang dahil mas bata pa ‘ko. Ngayon kasi, masserious na ‘ko."

A "MATURE" MEGAN. Kung si Megan daw ang masusunod,gusto raw niyang mas malinya sa mga kontrabida roles talaga.

"Sa ngayon kasi, hindi pa ako sure kung ano talaga ang planonila. Pero si Mr. M [Johnny Manahan, Star Magic boss], mas gusto po nilang masmature ang packaging sa akin. Pero hindi naman aabot sa talagang, ‘Whew!Mature!" na ang ibig sabihin ni Megan ay ang mag-all the way or do sexy roles.

"Mas mature po siguro na mas classy, mas sophisticated. Moreolder para hindi na teeny-bopper. At saka, sa ngayon kasi, mas gusto ko yungmga character roles, mas feel ko siya, mas exciting at saka, mas nae-enjoy ko."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN