Carlos Morales denies rumor that he pimps male celebs


"Hindi papasok sa utak ko ang ganyang mga bagay. Hindiako nakikipag-super-close sa sinumang artista. Alam ko kasi—mostly, hindi namanlahat— mga plastik yun, e," says Carlos Morales about the "bugaw" rumor.



Kinatagpo ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kamakailan ang aktor na siCarlos Morales sa Starbucks, sa Century Imperial Palace, Timog-Morato,Quezon City, tungkol sa isyung kumakalat na siya'y nagbubugaw nalang daw ng mga artistang lalaki sa mga matrona at mga baklang willing magbayadng malaki.

"Paano nila nasabi 'yan, samantalang wala nga akongmasyadong ka-close na artistang lalaki? May mga barkada ako sapagba-basketball, pero pagkatapos niyan, iba ang mga binabarkada ko atkaramihan sa kanila, hindi naman artista.

"Hindi ko alam kung bakit may kumakalat na ganyangchika. Wala namang makapagpapatunay niyan.

"Kung blind items lang 'yan, bakit ko papatulan? Niwala akong natatandaang incident na may mga ipinakilala man lang akong mgaartistang lalaki sa mga rich gay or matrona.

"Hindi papasok sa utak ko ang ganyang mga bagay. Hindiako nakikipag-super-close sa sinumang artista. Alam ko kasi—mostly, hindi namanlahat—mga plastik yun, e.

"Wala akong alam na mayroong gustong manira sa akin.Wala ring nagsasabi sa akin. Ang manager ko, si Ricky Gallardo, updated satsismis 'yan, kaya I'm sure, sasabihin niya sa akin kung mayroon ngang ganoongtsismis," napapailing na sabi pa ni Carlos.

NO TIME FOR HANKY-PANKY. Walang panahon sa mgahanky-panky si Carlos. Ang ginagawa lang niya ay tumambay palagi sa gym, at kitang-kita naman hanggang ngayon, alaga niya ang katawan niya.

"Sa Zambales ako umuuwikapag wala akong project," sabi pa ni Carlos. "May bakery ako roon napinagkakaabalahan ko.

"Kung may mga artista man akong nakakasama, dahil yunsa basketball, gaya nina Phillip Salvador at Christopherde Leon.

"Kung may out-of-town basketball tournament nanai-invite kami, roon lang kami nagkakaroon ng time na mag-bonding,"dugtong pa ng aktor.

Sana nga raw, mayaman na siya kung mahilig siya sa ganyanghanky-panky.

"E, wala pa rin naman ako talaga," aniya."Pero, okey lang naman, for as long as nariyan yung maliit na negosyo,'tapos, kumikita pa rin at may regular exposure ako sa Dyosa, na veryinteresting ang role ko bilang isang engkanto na siyang gumaganap na father ni Sam Milby.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Nagsisipag lang naman ako at ginagawa ko yung trabahoko. Ni hindi nga ako katulad ng iba na talagang nagsipagyaman na, na hindinaman natin talaga alam kung paano.

"Kasi, kapag may rumor, slightly, may katotohanan 'yan,e. In my case, kung blind items lang 'yan, I doubt na ako talaga ang tinutukoyriyan, kaya mahirap basta mag-react," sabi pa ni Carlos.

CARLOS AT THE EMBASSY. Ang nakaabot pang chika saamin, isa si Carlos sa maraming showbiz guys na tumatambay diumano sa Embassy,isang kilalang watering hole na pinagmumulan ng kung anu-anong tsismis.

"Minsan lang ako nakapunta ng Embassy," aniya."Napansin ko nga, hindi ako ang tipong lapitin ng mga bakla at matronaroon.

"Kahit siguro ibalandra ko ang katawan ko roon, kasi,ang mas gusto ng mga 'yan, 'yung mga mas bata. Wala na ako sa age bracket paralapit-lapitan pa ng mahihilig sa ganyan.

"At saka natatakot sila sa akin. Ewan ko, pero brusko masyado ang datingko, at yung tipong hindi basta malalapitan para tanungin lang kung ‘puwede'ako, o magkano ako sa isang gabi. Mga ganoon ba?

"Friendly naman ako kapag kinausap, pero yun nga, kunghindi ako lalapitan, wala lang akong kibo. Hindi nga ako palangiti kapag nasaganoong mga lugar. Intimidating daw ang dating ko, kaya hindi rin akonilalapitan masyado," natatawang sabi na lang ni Carlos.

HE LIKES ‘EM YOUNG. Pero, young girls daw talaga angtipo ni Carlos. Yung mga l6 or 17-year-olds?

"Uy, hindi, ah!" bulalas pa niya. "Pero, kungnasa forties ka na kasi, dapat, medyo mga bata na yung sinasamahan para ma-imbibeyung pagiging bata nila.

"Pero, hindi ako pumapatos ng mga disisais. Mga l8naman siguro, para walang sabit!" natatawang pagwawakas ni Carlos sakuwentuhan.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN