Mart Escudero reunites with former "StarStruck" partner Kris Bernal in "Mag-ingat Ka Sa... Kulam"


"E, sabi nga ni Kris, wala naman daw yung sa amin. Sa StarStruckkasi noon, kami yung ipina-partner, naging palagay ang loob namin sa isa't isa.Parang hindi naman kami nagtagal. Hindi kasi kami para talaga sa isa't isa.Ganoon na lang ang masasabi ko," says Mart Escudero about what he and KrisBernal had during their StarStruck days.



Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang young actor na si MartEscudero noong kasagsagan ng promo para sa Mag-ingat Ka Sa...Kulam, kung saan mayroon siyang espesyal na partisipasyon bilang isa samga suporta nina Judy Ann Santos at Dennis Trillo.

"Pero matagal ko nang nagawa itong Kulam,katatapos ko pa lang sa StarStruck, and I'm so glad natapos din angpelikula, sa wakas!" natatawang bungad ng newcomer.

Very honest naman si Mart na sinabing kaunti lang ang mgaeksena niya sa Kulam, pero tiyak din daw na mapapansin siya.

Ang kapareha niya rito ay si KrisBernal, na tipong mas identified na ngayon kay AljurAbrenica. Si Mart ay mas identified bilang ka-love team naman ni Jennica Garcia.

"E, sabi nga ni Kris, wala naman daw yung saamin," pagtatapat ni Mart sa PEP."Sa StarStruck kasi noon, kami yung ipina-partner, naging palagayang loob namin sa isa't isa. Parang hindi naman kami nagtagal. Hindi kasi kami paratalaga sa isa't isa. Ganoon na lang ang masasabi ko."

Mukhang breather lang ang pagtatambal nina Mart at Kris sa Kulamdahil tuluy-tuloy pa rin ang love team nina Mart at Jennica.

Marami nga ang nakakaalam na bago dumating si Jennica sabuhay ni Mart, it was Kris na siyang romantically linked sa potential matineeidol.

"Pero iba kasi talaga si Jennica. Mas naging palagayagad ang loob ko kay Jennica, magaan talaga, kaya 'ayan, nagtutuluy-tuloykami," nangingiting sabi ni Mart.

JEAN GARCIA. Mabait naman daw si Jean Garcia sa kanya. Ang mommy ni Jennica ay kinatatakutan ni Martnoong una.

"Nagkasama kami sa isang show noon, may eksenangmagagalit sa amin ni Tita Jean. As in talagang pagsasampalin kami. Nakatikimtalaga kami ng sampal sa kanya.

"Masakit siyang sumampal, huh! Natakot tuloy ako. Sa Impostora kami naging close, kasi may times napinapayuhan niya ako sa kung ano ang dapat konggawin. At sa love team namin ni Jennica, supportive siya.Kaya I never had a problem with her," pagtatapat ni Mart.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

FALLING FOR JEAN. Naitanong namin kay Mart na posiblekayang kung wala si Jennica, ma-in love siya sa isang gaya ni Jean Garcia, nangayon nga ay talagang matindi pa rin ang ‘asim' na napapaugnay sa mas bata sakanyang si Polo Ravales.

"Paghanga lang po ang nararamdaman ko sa kanya,"at saka natawa si Mart. "Sabi nga nila, lapitin daw talaga siya ng young boys,pero si Jennica talaga ang gusto ko. Lalo na bilang artista, marami akong natututunan kayTita Jean. Mahusay siyang kontrabida, at kahit sa ibang roles."

Nakatutuwa nga angmga bagay na hindi napapagkasunduan nina Mart at Jennica.

"Puro kababawan," sabi ni Mart. "'Pag maychocolate and chips, ayaw niyang ipatikim sa akin ang chocolates. Sa kanya langdaw yun. Sa akin na lang ang chips. Wala pa akong masasabing seryosohang pupuwede namingpag-awayan ni Jennica."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN