Ruffa Gutierrez on Bong Revilla: "I'm single and he's married. Hindi kami talo."

"First of all,I made a promise to my parents na if ever na gumawa kami ng movie together, theyshouldn't be worried kasi even if na ma-link kami, it will be purely businessand just for the promo of the movie," says Ruffa Gutierrez about the possibility of being linked to Bong Revilla if they do a movie together.



Suot-suot ni RuffaGutierrez last Sunday sa The Buzz ang pinabili niya kay KCConcepcion sa States. Givenchy Gladiator Booties ang tatak ng dark maroon naEuropean shoes ni Ruffa. Ibinilin niya ito noong pumunta si KC sa internationalscreenings ng For The First Time.

"She [KC] was in theStates kasi for the premiere ng movie nila ni Chard [Richard Gutierrez, Ruffa'sbrother], nagpabili lang ako sa kanya. So sweet naman niya dahil binitbit paniya talaga yung shoes from the Sates. Hindi ko alam kung magkano yung shoeskasi hindi ko pa natitingnan yung resibo kasi tsinarge ko lang sa card ko,"kuwento ni Ruffa sa PEP (Philippine Entertainment Portal).

Excited din naibinalita sa PEP ni Ruffa na magsisimula na siyang mag-shooting para sa Part 2ng Desperadas, na isa rin sa official entries sa 2008 Metro Manila FilmFestival. Makakasama niya ulit dito sina Rufa Mae Quinto, Iza Calzado, at MarianRivera.

"I'm so exciteddahil finally, mukhang maghihirap na ang role ko [sa Desperadas]. Ayoko nangmaging mayaman, for a change. Kasi si Daniella [her character in I Love BettyLa Fea], masyadong mataas. Maghihirap ako, pero hindi naman as in maghahanapako sa basura. Hindi naman ganun. Basta magiging isang magandang working girlnaman ako," lahad ni Ruffa tungkol sa role niya sa Desperadas.

MOVIE WITH BONG. Matutuloy na ba angnababalitang movie na pagsasamahan ulit nila ni Senator Bong Revilla sa StarCinema?

"Well, there's anoffer, pero hindi pa kami... Hindi pa sure kung ano ang kalalabasan nun kasi hindipa ulit nag-uusap ang mommy ko [Annabelle Rama, who is also Ruffa's manager] atang Star Cinema. But if there's an offer, yes.

"If I have reservationsworking with Bong? Hindi, wala naman akong reservations working with him. Idon't mind working with him. Why not? I think it will be fun and it wouldbe an honor for me to do a movie, especially with Star Cinema. Excited ako dahilmagagaling silang lahat at dekalidad lahat ng pelikulang ginagawa nila, whetherit's drama or comedy. So if I were to be given that chance, I will be sograteful," saad ni Ruffa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi ba siyanatatakot na mabuhay ulit ang tsismis sa kanila ni Bong?

"Bakit mabubuhay? Anoang isyu? May isyu ba?" tanong niya.

Single ulit si Ruffaat kilala naman si Bong sa pagiging habulin ng mga babae.

"Well, I'm singleand he's married. Hindi kami talo," mariing sabi ni Ruffa.

Totoo bang si Ruffaang isa sa mga iniyakang babae ni Lani Mercado na natsimsis sa kanyang misterna si Bong?

"Hello, ‘no!" angtanging nasagot ni Ruffa.

Tiyak daw namakakalkal ulit ang isyu sa kanila ni Bong kapag nagsama ulit sila sa pelikula.

"Well, first of all,I made a promise to my parents na if ever na gumawa kami ng movie together, theyshouldn't be worried kasi even if na ma-link kami, it will be purely businessand just for the promo of the movie."

Sure na sure ba siya roon?

"Of course!" mabilisniyang sagot. "I have two kids now and, you know, kung may ipapalit ako kayYilmaz [Bektas, her husband], I'll make sure na mas higit pa sa kanya."

So, hindinakakahigit si Bong kay Yilmaz?

"Hindi," sagot niRuffa.

E, kung pursigidotalaga sa kanya si Bong?

"Mahiya naman siya,ha, dyusko! Magkasing-edad na lang kami ng mga anak niya, di ba?" natatawang sabini Ruffa.

Warning ba ‘yan kaySen. Bong?

"Hindi naman," sabiniya. "I heard from sources that he's changed. Sana tuluy-tuloy na nga. ‘Tsaka ayaw naman siguro niyang maeskandaloni Annabelle Rama. Magkaibigan lang talaga ang mga pamilya namin. So, okeylang, biru-biro as long as harmless biro. Huwag naman yung totohanan."

ON RIZA SANTOS. Gaano naman katotoona hindi pa rin sila nag-uusap ng nakaalitan niyang beauty queen na si RizaSantos sa set ng I Love Betty La Fea?

"No, I think we'reokay. Understood naman na okay kami. We were never given the chance na magingmagkaeksena ulit. So, hindi talaga kami nag-uusap kasi hindi kami nagkikita saset, you know.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
"If ever nagkikita kami 'hi' and 'hello' lang. Kasisiyempre lahat ng tao, busy din sa pagme-memorize ng lines. So, okay naman. Walanamang problema doon ‘tsaka nag-apologize sa akin and kung may problema man, naayosna ‘yon and she said sorry."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN