Jayson Gainza finds time for family despite hectic showbiz schedule


Former Pinoy Big Brother housemate Jayson Gainza says hestill finds time to be with his family despite his hectic schedule. "Oo namanpo. Pero minsan nga lang medyo nagtatampo rin yung mga anak ko. Kasi minsankadadating ko lang ng bahay galing Trip na Trip ‘tapos mamaya,magbibihis lang ako, ‘tapos pupunta naman ako sa taping ng Betty La Fea.Bumabawi naman po ako, kunwari



Feeling-relieved ang Star Magic talent na si Jayson Gainzadahil akala niya ay matatanggal na siya sa kinabibilangan niyang teleserye saABS-CBN na I Love Betty La Fea. Pero na-extend nga siya, at buhay parin ang karakter niya sa soap.

Originally kasi, guestlang dapat si Jayson sa nasabing teleserye pero dahil nagpamalas ng galing sa kanyang pagganap, mukhang tatagal pa ang kanyang role dito.

Gumaganap siyabilang Adolfo Robles, ang HR Head ng Eco Moda Manila namas pipiliin ang ganda at kaseksihan kaysa sa galing at dunong satrabaho. Sa katunayan, siya ang ayaw na ayaw kay Betty(Bea Alonzo) na maging sekretarya ni Armando (John Lloyd Cruz) dahil mas gustoniya ang maganda at sexy na si Patricia (WendyValdez).

"Dapat nga hanggang fourth week lang ako," pag-amin niJayson nang makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa presscon naibinigay ng Star Magic para sa mga talents nila na kasama sa I Love Betty LaFea. "'Tapos mawawala na yung karakter ko kasi nga matatanggal siya satrabaho. Kasi nga pinuwersa ko nga si Wendy, kasi may pagkamanyakis nga yungkarakter ko dito.

"Yung EP [executive producer] namin dito at yung EP namin saLastikman, iisa. Sabi ko, ‘Bakit ganun, sa Lastikman binaril ako,dito naman matatanggal ako. Wala ba akong magiging matagal na exposure?' ‘Tapossabi nila titingnan daw nila."

Marunong din pala siyang pumalag?

"Siyempre naman po, kasi lagi naman akong namamatay, e. Peronakita ko po yung draft ng script for week 5, nandun pa rin po yung karakterko. Sana magtuluy-tuloy na po talaga."

Ayon pa kay Jayson, imbes daw na tanggalin ang karakter niyaay na-demote na lang ang posisyon nito sa kumpanya.

"Ang nangyari ngayon demoted na lang yung karakter ko. Sapagpasok ni Ronnie Liang, siya yung papalit sa posisyon ko rito. Siya na yungmagiging HR Head. Ako, assistant na lang niya, pero manyakis pa rin. Si Ronnienaman, dating seminarista."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi ba siya nagwo-worry na may pagkamanyakis yungcharacter niya, ayon na rin sa kanya.

"Okey lang naman po. Kasi yung pagiging manyakis niya, yunghindi naman nakakainis, pero mas nakakatawa. Dahil nga si Ronnie ay datingseminarista, siya yung mabait dito. Parang may umaawat sa akin ngayon sapagiging pilyo ko."

In real life, pilyo ba si Jayson sa mga babae?

"Dati po, naging pilyo rin po ako sa mga babae. Pero dati poyun, ha. Pero ngayon may asawa na ako, hindi na puwede yun."

TRIP NA TRIP ISSUES. Bukod sa I Love BettyLa Fea, abala rin si Jayson sa isa pa niyang show sa ABS-CBN, ang travelshow na Trip na Trip. Kasama niya rito bilang mga co-hosts sina Katkatde Castro, Uma Khouny, Franzen Fajardo at Kian Kazemi.

Kamakailan lang ay na-interview si Kian ng PEP at inaminniya na mayroon ngang nagaganap na love-hate relationship sa pagitan nilangdalawa ni Uma, lalo na sa set ng Trip na Trip. Ano ang masasabi niya sainaming ito ni Kian?

"Actually, galit na galit si Uma, yun ang pagkakaalam ko,ha. Kasi si Ate Kat, si Uma, at saka ako, kaming tatlo o kahit kaming apat,close kami, e, ‘pag ano, kulitan. ‘Tapos nasa Israel si Uma, nungnagpa-interview si Kian tungkol sa love-hate relationship nga raw nila. Sabinga ni Uma, parang lumabas raw na nagkaroon sila ng relasyon ni Kian," sabi niJayson sabay tawa.

"Pero matutuwa naman kayo doon sa dalawa. Mag-aaway yun.Yung isa pinakialaman yung gamit ng isa. E, si Kian kasi parang playful. Kayaminsan parang nagkakapikunan sila."

Inamin din naman ni Kian na nagkakapikunan nga sila minsanni Uma kasi nga pareho silang prangka.

"Oo, totoo yun. Pero mamaya makikita mo magkakabati namansila."

Pero nakikita n'yo talaga sa set yun?

"Oo naman. Kahit kapag pinapalabas yung Trip na Trip,minsan makikita mo yung dalawa, nagtutulakan, nag-aasaran. Pero in the end, magkakasama pa rin."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

So, meron talagang nangyayaring dedmahan kapag magkagalitsina Kian at Uma?

"Oo. Malimit silang mag-away sa set. Kasi nga madalas panaman, sila ang magkalaban sa ‘Hamon ng Bayan,' na parang challenge segment sa Tripna Trip. Lalo na si Uma, kapag sinabi niyang ayaw niya, ayaw talaga niya.Si Kian naman pag alam naman niyang galit na talaga si Uma, aagwat na yan,lalayo na yan at hindi na kukulitin si Uma para hindi lalong mainis. Pero sasusunod na week na naman magkakasama na naman ulit kami."

Sa isang episode ng Trip na Trip ay naging emotionalsi Franzen. Lagi raw kasi siyang nagkakamali sa grammar, sa pag-i-English niya.Nagbigay rin ng pahayag si Jayson tungkol dito.

"Si Franzen kasi, minsan, hindi niya sinasabi kung ano angnararamdaman niya. Siguro nagkataon lang na nakimkim na niya yung mganararamdaman niya. Kaya nga sinasabi ko sa kanya na wala namang problema kungnagkakamali siya, e. Sabihin niya lang kung ano ang nararamdaman niya."

Nagkausap ba sila ni Franzen about the incident?

"Nagkausap kami pagkatapos niyang umiyak. Tumawag siya saakin. E, sabi ko sa kanya, ‘Anong magagawa mo kung nakaiyak ka na. Napanood nang mga tao.' Hagulgol talaga siya roon, e. Actually, humingi siya ng paumanhinkay Ate Kat kasi nga nadala siya ng damdamin niya."

PAREKOY. Bago pa man ang I Love Betty LaFea ay nauna na dapat na naipalabas ang isa pang show na kinabibilangan niJayson. Ito nga ang Parekoy kung saan muling kasama ni Jayson ang mgaco-stars niya sa Aalog-Alog at mga kaibigan na rin na sina John Prats atZanjoe Marudo. Ano na nga ba ang nangyari sa Parekoy?

"Medyo natagalan nga ang pagpapalabas nito pero ang alam kopo tuluy-tuloy pa rin ito. Nahinto lang kasi nga si Direk Randy [Santiago] busyngayon sa ibang bagay. May mga shows siya dito at saka sa abroad. Kaya angpansamantalang humalili sa kanya ay si Direk Quark Henares. Pero for twoepisodes lang. Marami na rin po kaming nagawa with Direk Randy, siguro mahigit15 hanggang 20 episodes na po."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Naging magulo rin nga pati ang nabalitang timeslot nitonoon.

"Noong una nga, sabi pang-hapon, ‘tapos naging primetime,‘tapos hindi na naman ulit. Pero siguro baka panghapon na ito. Kasi nga angdaming nakapilang shows para sa primetime, e, like yung Utoy ni TitoDolphy at Makisig [Morales], ‘tapos yung Florinda ni Maricel Soriano."

Actually, matagal na nilang nasimulan ang Parekoy,last October 2007 pa. So, magwa-one year in the making na pala ito. Hindi basiya nadi-disappoint?

"E, wala po tayong magagawa. Nasa desisyon pa rin po ito ngmanagement. Balak po yata naming talunin yung Ten Commandments, satagal, e," biro na lang ni Jayson. "Pero siyempre, nakapanghihinayang din nahindi pa ito naipapalabas. Kasi ito, talagang comedy, e, at may format nateleserye, kumbaga comedyserye. Baka kasi yung kabilang istasyon makagawa narin ng ganito, sayang din naman kung maunahan pa kami, di ba?"

Magkakasama pa rin silang tatlo nina John Prats at ZanjoeMarudo sa Parekoy. Ano ang feeling na sila-sila ulit ang magkakasama?

"Masaya. At saka malaki ang tiwala ni Direk Randy sa samahannaming tatlo, e. Siya kasi ang bumuo sa amin noong Aalog-Alog pa lang.‘Tapos makakasama pa naming magpapatawa sina Dennis Padilla, Long Mejia at ibapa."

FAMILY LIFE. Dahil nga sa busy schedule ni Jayson,nabibigyan pa kaya niya ng oras ang pamilya niya, lalo na ang kanyang apat namga anak?

"Oo naman po. Pero minsan nga lang medyo nagtatampo rin yungmga anak ko. Kasi minsan kadadating ko lang ng bahay galing Trip na Trip‘tapos mamaya, magbibihis lang ako, ‘tapos pupunta naman ako sa taping ng BettyLa Fea. Bumabawi naman po ako, kunwari isang buong araw aalis kami, pupuntakami ng La Mesa Eco Park, ‘tapos SM. Kakain sa labas, yun."

Hindi ba niya isinasama ang mga anak niya sa taping?

"Isinasama ko rin. Kahit yung misis ko, isinasama ko rin.Pero parang nagsawa na rin sa artista, e. Kay Piolo dati sa Sa Piling Mo,lagi siyang kasama. Sabi niya sa akin, ‘Bakit ganun si Piolo, hindi nakakasawangtitigan?' Sagot ko sa kanya, ‘E, bakit kasi hindi ka na lang tumitig sa akin?'"biro pa ni Jayson.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

From Batangas, nagdesisyon na si Jayson na isama na saManila ang kanyang pamilya dahil narito nga ang kanyang trabaho. Sa mayKamuning, Quezon City daw sila nakatira ngayon.

Bukod kasi sa TVshows niya, may iba pang projects na pinagkakaabalahan si Jayson.Kasama rin siya sa pelikulang One Night Only ngOctoArts Films at may regular hosting rin si Jayson para sa mga gimmick saprobinsiya ng Touch Mobile.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN