Direk Bobot Mortiz explains why Kristine Hermosa and Riza Santos are out of "Banana Split"

"Si Kristine dapattalaga kasama, kaya lang nagba-Bible siya, kaya hindi na siya puwede mag-comedy,kasi naging seryoso na siya. ‘Tapos si Riza naman, bumalik bigla sa Canada. Yung iba pa, may ibang trabaho and hindi magtugma sa schedule namin," explainsDirek Bobot Mortiz about why Kristine Hermosa (inset, above) and Riza Santos (inset, below) are not in the cast of Banana Split.



Sa pocket presscon napinatawag ng ABS-CBN para sa pinakabagong show nila na bubulaga this October, Banana Split, namigay muna ng saging na give-aways sa press bago nagsimula ang tanungan. Pati ang mga pagkaing inihanda sapresscon na ginanap sa 9501 Restaurant sa may ABS-CBN ay pawang may halongsaging. Pakilala agad ng mga nagpa-presscon na ibang klase ang bagongall-female gag show na ito ng Dos—nakaaaliw, nakatatawa, at nakababaliw.

FEMALE VERSION.Sa pakikipanayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa isa sa direktor ngshow na si Direk Bobot Mortiz, sinabi nitong ang Banana Split ayangfemale version ng dati nilang show nina Boyet de Leon, Jay Ilagan, at JohnnyDelgado, na Goin' Bananas.

Tatampukan ng mganaggagandahan at nagseseksihang star ang Banana Split. Kabilang sa castsinaAngelica Panganiban, Cristine Reyes, Roxanne Guinoo,at Valerie Concepcion, pati na rin ang sexy newcomers na sina RR Enriquez,Princess Ryan, at Dianne Medina.

"Ito ang female versionng show namin noon, kaya lang ang mga girl na kasama rito ay hindi mga komedyante.Actors sila doing comedy. Ang nagpapatawa ay yung script, yung kung paano angpagkakasulat kaya matatawa kayo," paliwanag muna ni Direk Bobot.

"This is the first timerin na magkaroon ng all-female cast. Kasi nga naghahanap kami ng bagongkomedyante ‘tapos sexy pa. This is also patterned after Goin' Bananas.Kaya lang noon, kami puro boys, sila girls naman. Every week may isa silangguest na lalaki, may sketches na umiikot sa guest. And this time, ang mgalalaki naman ang paglalaruan ng mga babae."

NAUGHTY LANG.Sinabi pa ni Direk Bobot na ang Banana Split ay hindi sex-comedy, kundi naughtylang ang dating.

"Magaganda sila, natural,and sexy, pero ang acting nila makikita talaga. This is a primetime comedy. Anghumor na ginamit, sexy, iba-iba. Pero hindi namin ginamit ang kaseksihan nila,title lang siguro. Kumuha kami ng established artist like sina Angelica,Cristine, Roxanne, Valerie, ‘tapos yung iba, suporta dahil alam namin, mayitataas pa ang show na ito."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Iginiit naman niAngelica na hindi naman masyadong ibinandera ang mga katawan nila sa naturangshow. Ibig sabihin, hindi madalas na naka-swimsuit sila rito.

"Face pa lang namin,sexy na. Kaya hindi kami laging naka-bathing suit dito and it doesn't mean nalagi naming ipakikita ang aming katawan. Ang ipakikita namin dito ay angtalento namin sa pagpapatawa.

Sinabi pa ni Angelicana nag-workshop sila bago sumalang sa Banana Split. "Lahat kaminag-workshop pero not necessarily pagpapatawa. Yung kung paano mo ide-delivernang maayos ang linya mo para matawa ang audience."

WHERE ARE KRISTINEAND RIZA? Dapat sana'y kasama rin dito sina KristineHermosa at Riza Santos. Ipinaliwanag naman ni Direk Bobot angdahilan kung bakit nawala sa final cast ang dalawa.

"Si Kristine dapattalaga kasama, kaya lang nagba-Bible siya, kaya hindi na siya puwede mag-comedy,kasi naging seryoso na siya. ‘Tapos si Riza naman, bumalik bigla sa Canada. Yung iba pa, may ibang trabaho and hindi magtugma sa schedule namin."

Sa Oktubre namapapanood ang Banana Split at ang mga unang hunk na magiging guests aysina Zanjoe Marudo, Diether Ocampo, John Lloyd Cruz,at Jake Cuenca. Tunghayan kungpaano sila balatan ng mga bidang babae sa Banana Split ng ABS-CBN.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN