Gabby Concepcion deeply saddened by the death of his father

Actor Gabby Concepcion faced the media for the first time after the death of his father, Mr. Rollie Concepcion (inset). Gabby expressed sadness over his family's loss.



Humarap kaninang tanghali, September 26, si Gabby Concepcion sa mediasa unang pagkakataon, tatlong araw pagkatapos pumanaw ng kanyang ama, Mr.Rolando "Rollie" Concepcion. Pumanaw si Daddy Rollie noong September 23 dahilsa sakit nito sa puso.

Ang dating nakaalitan ni Gabby na si Jobert Sucaldito angnag-organize ng presscon sa mismong chapel ng Montessori de San Juan kung saannakaburol ang ama ng aktor. Mahigpit ang kanyang pakiusap na huwag tanungin angaktor tungkol sa business manager ng aktor na si Mrs. Rose Flaminiano at sa kasona isinampa laban sa kanya.

Bago siya nagsalita sa media, nagdasal muna si Gabby.Maraming beses na nangilid ang luha ni Gabby nang mag-umpisa siya na magkuwentotungkol sa pagpanaw ng kanyang ama.

"Thirteen years ko siyang hindi nakita. Yung yakap ko sa kanya nung first time ko siyang nakita, yun din ang yakap ko nung namatay siya," malungkot na sabi ni Gabby.

Matagal na napapikit si Gabby nang tanungin siya ng PEP(Philippine Entertainment Portal) tungkol sa huling pag-uusap nila ng kanyangama at kitang-kita sa mukha niya ang matinding kalungkutan.

Hindi maipaliwanag ni Gabby ang kanyang pagdadalamhati sa pagpanaw ng kanyang ama. Iba raw pala kapag nangyayari na sa tunay na buhayang mga eksena na ginagawa niya sa pelikula.

Sinabi ni Gabby na isa siyang masunurin atmabuting anak sa kanyang ama. Wala raw ipinag-utos si Daddy Rollie nahindi niya sinunod.

Ayon kay Gabby, nahihirapan ang kanyang ina na si Mrs. BabyConcepcion na tanggapin ang pagkawala ng asawa.

Hindi masabi ni Gabby ang kanyang mga susunod na plano dahilsa kanyang two-year contract sa ABS-CBN. Naka-focus ang atensiyon ni Gabby sakanyang ina at sa pagpanaw ng tatay niya. Kinalimutan muna raw niya angtrabaho, pero handa siyang tuparin ang kanyang mga commitment.


Kinumpirma ni Gabby ang pakikiramay sa kanyang pamilya ng dati niyang asawa nasi Sharon Cuneta. Naintindihan ng media ang posisyon ni Gabby nang sabihin nitona hanggang doon lamang ang masasabi niya tungkol sa pakikiramay ng kanyangex-wife.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nagpahayag si Gabby ng katuwaan nang makita niya sa unang gabi ng burol ang kanyang mga anak na sinaKC Concepcion at Gabrielle (anak niya kay Grace Ibuna).

Hindi inihihiwalay ni Gabby sa katawan ang kuwintas na suotng kanyang ama nang bawian ito ng buhay. Devotee si Daddy Rollie ng Mother ofPerpetual Help at ni Padre Pio, kaya ang mga image nito ang pendant ng kanyangkuwintas.

Ikinuwento ni Gabby na kahit alam nito na wala nang buhay siDaddy Rollie, paulit-ulit niyang ibinulong ang mga salita na kanyang gustongsabihin. May nagsabi raw sa kanya noon na ang pandinig ang huling nawawala saisang tao na namatay kaya ibinulong niya sa ama ang kanyang mgasaloobin.

Nakatakdang ilibing si Dady Rollie sa LoyolaMemorial Park sa Marikina City sa darating na Linggo, September 28, bandangalas-kuwatro ng hapon.

GABBY'S SISTER. Hindi lamang si Gabby ang humarap kanina sa media. Pumayagdin na magsalita ang kanyang nakababatang kapatid na si Rina Concepcion-Peczon.

Si Rina ang naging spokesperson ng Concepcion family tungkolsa hidwaan ng kanyang kapatid at ng business manager nitong si Mrs.Flaminiano.

Nang humarap si Rina sa mga reporter, nagpasalamat muna siyadahil iginalang ng media ang request nila na magkaroon ng pribadong pagluluksa.

Ayon kay Rina, likas ang pagiging gentleman ng kanyang mgakapatid na lalake, kaya bilang babae sa pamilya, siya na ang nagkusa namagsalita at magtanggol kay Gabby. Naluha si Rina nang sabihin nito nanasasaktan siya sa mga paninira kay Gabby dahil mabuting tao ang kanyangkapatid. Mabait na tiyo din si Gabby sa kanyang mga anak.

Umapela siya kay Mommy Rose at sa ibang manunulat na itigilna ang pagbatikos kay Gabby dahil labis nang nasasaktan ang kanilang pamilya,lalo na ang kanyang ina. Ipinaliwanag ni Rina naisang ina rin si Mommy Rose at bilang ina, tiyak na masasaktan din siya kungmay mga naninira sa kanyang anak.

Naging kahanga-hanga si Rina sa paningin ng media nangsabihin niya na welcome na dumalaw si Mommy Rose sa burol ng kanyang ama. Hindiraw nila ipinagbabawal na huwag makiramay sa kanilang pamilya si Mommy Rose.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sinabi ni Rina na natuwa siya nang dumalaw kahapon siLolit Solis sa burol ni Daddy Rollie dahil kahit hindi na si Lolit ang managerng kanyang kapatid, mananatiling nanay nila si Lolit.

Si Lolit daw ang naging takbuhan nila noon kapag may mgakailangan sila ng kanyang mga kapatid.

Hindi pa masabi ni Rina ang mga plano ng kanilang pamilya, pagkataposng libing ni Daddy Rollie sa Linggo, September 28. Mag-uusap pa raw sila ngkanyang mga kapatid, pero isang bagay na ang sigurado, sama-sama silang pupuntasa Palawan para dalawin ang rest house na ipinatayo doon ng kanilang ama.

Nakatakdang ilibing ang ama ni Gabby sa Loyola MemorialPark sa Marikina City sa September 28, bandang alas-kuwatro ng hapon.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN