Anjo Yllana wants to remarry Jackie Manzano in church

"Nasabi ko lang na, ‘If evernaging maayos na tayo ng matagal, e, gusto ko sana yung next year siguro, e,magkaroon naman tayo ng church wedding,'" relates Anjo Yllana about his plan tore-marry wife Jackie Manzano.



Isa sa well-wishers ni Sen. Ramon "Bong" Revilla Jr. ang komedyante atdating vice-mayor ng Paranaque na si Anjo Yllana. Wish ni Anjo kay Senator Bongna kung anumang posisyon ang tatakbuhin niya sa 2010 ay maging matagumpaysiya. Si Anjo naman ay may ilang taon na ring natigil sa pulitika.

"Kung ako ang tatanungin n'yotungkol sa career ko sa pulitika, ngayon, wala pa, e. Parang ang sarap din ng buhayafter ng nine years ko sa serbisyo, may time na ako sa family," pahayag niAnjo nang makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal).

GETTING BACK WITH JACKIE. Kamakailan ay nabalitang nagkabalikan na sila ulitng misis niyang si Jackie Manzano.

"Right now we're working onit. Ah, nasabi ko kasi sa isang interbyu na hindi pa formal kasi nga we arestill working on it. Although, nagkabalikan na kami."

Gaano ba sila katagalnaghiwalay ni Jackie?

"Four months," mabilis nasagot ni Anjo. "Pero naghiwalay din kami before, mga one year. ‘Tapos naayosnamin yun. So, ngayon, inaayos din namin. Kasi, gustonamin tuluy-tuloy na, yung maayos na maayos na."

Paano naganap ang balikannila ni Jackie?

"Wala. Ah, na-miss namin angisa't isa. ‘Tapos, ‘ayun, nag-usap kami kung puwede pa, ganun-ganun. Hanggangngayon inaayos pa rin namin. Mukhang papunta naman sa maganda."

Ano yung inaayos pa nila?

"Yung mga dating problemanamin. Kaya nga kami naghiwalay dati kasi nga meron akong mga ayaw, meronsiyang mga ayaw. Pero so far, okey naman. Maayos naman yung usapan namin kayamukhang papunta na doon."

Magkasama na raw sila ngayonni Jackie sa isang bahay. Kaya halos wala nang problema basta't magawa nila ang mga pangako.

"Actually, wala na, e. Kungkakayanin lang talaga namin yung mga pangako namin."

Anu-ano ang mga pangako nilasa isa't isa?

"Secret na lang yun, e.Secret ng mga mag-asawa."

Sino ang unang sumukokanino?

"Wala naman. Ah, nagsimulasa text-text. ‘Tapos usap-usap," lahad ni Anjo.

Nagte-text pa rin sila saisa't kahit nung hiwalay sila?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"After a long time, yun na.Siguro na-miss namin ang isa't isa. ‘Tapos yun nag-usap. ‘Tapos yun ang nalamannamin, hindi ko kasi alam dahil hindi kami nag-uusap. Nalaman ko na mahalpa niya ako. ‘Tapos sabi ko sa kanya ikaw pa rinang mahal ko."

Paano niya nalaman na mahalpa rin siya ni Jackie?

"Sinabi niya," kasunod angtawa ni Anjo.

Paano niya naman nasabi na mahal pa rin niya si Jackie?

"Siyempre tinanong niya rin. So, tinanong niya kung meron akong iba."

Ano ang natutunan niya sa paghihiwalay nila ni Jackie?

"Ah, natutunan? Siguro natutunan naming ayusin yung dapat ayusin."

PLANNING FOR CHURCH WEDDING. Habang kausap namin si Anjo ay biglanglumapit sa kanya ang talent manager na si LolitSolis.

"Ninang," sabi ni Anjo. "Ninang, kung saka-sakali."

Sumagot naman si Lolit sa kanya, "Bakit, hindi pa ba tuloy?"

"Tuloy," sagot naman ni Anjo.

Ang tinutukoy ni Anjo ay ang plano niya na wedding nila ni Jackie sa simbahan.

"Ah, wala pa, e. Kasi siyempre inaayos ko muna yung, yun nga....inaayos naminyung problems."

Legal ba ang problema?

"Hindi naman tungkol sa legality. Yung sa aming dalawa lang, husband andwife."

Sa Las Vegas daw naganap ang civil wedding nila ni Jackie at dito naman sa Pilipinas niya gustong ikasal ulit sila ng misis niyasa simbahan.



"Yun sana ang gusto kong mangyari eventually kapag maayos na. Kasi, siyempre, alsofor the kids."

Anong klaseng church wedding naman ito?

"Wala pa. Hindi pa namin actually napag-usapan. Nasabi ko lang na, ‘If evernaging maayos na tayo ng matagal, e, gusto ko sana yung next year siguro, e,magkaroon naman tayo ng church wedding.'"

FOR THE KIDS. Anong reaksyon ng mga anak nila?

"Siyempre, sila yung pinaka-happy. Para silang dinalaw ni Santa Claus at dalalahat ng regalo."

Iniwan ba sa kanya yung mga bata ni Jackie nung naghiwalay sila?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi. Dati kasi ang setup namin, weekends nasa akin. So, siyempre, nahirapandin yung mga bata. Although, binibigyan namin ng maraming oras. Kaya lang, ibasiyempre kapag yung dalawa na kayo, binibigyan ninyo ng oras ang mga anakninyo."

Nag-trigger ba nang husto sa hiwalayan nila yung natsismis si Jackie sa ibanglalaki?

"Ah, part lang yun. Kaya lang hindi naman totoo yun, e. Ah, sinabi naman niyasa akin, hindi totoo. Wala naman akong naririnig na iba. Ah, parang ano langyun, slight lang."

Posible raw na akusahan si Anjo na pagpapa-pogi lang niya sa publiko angbalikan nila ni Jackie para sa political career niya.

"Well, hindi naman mawawala yun. Pero natutuwa ako ngayon, kasi hindi kokasi rin alam yung reaksyon ng mga tao rin. E, natuwa naman ako kasieverywhere I go, yung mga tao naman, ‘Uy, sobrang saya kami nagbalikankayo,' na parang kahit hindi kayo masyadong close o kilala, talagang parangaffected din pala sila noon.

"Siguro dahil publicfigure din kami. Mas gusto nila na ‘pag public property ka, set an example alsona, kasi kunsabagay kung ako, ‘pag nakaririnig ako na naghihiwalay na artista,nalulungkot din ako."

BYE BYE POLITICS? May plano ba siya na bumalik sa pulitika?

"Parang ayaw na rin kasiniya, e. Yun yung isa sa mga napag-usapan namin."

Willing ba siya na i-sacrifice ang kanyang political career?

"Oo," sambit ni Anjo. "Kungtalagang hindi ko siya makumbinsi... Kasi siyempre hinahanap-hanap ko yungpaglilingkod din, e. In fact, actually, hanggang ngayonnaglilingkod ako dahil marami pa rin ang lumalapit sa akin. Nakaka-missyung maglingkod sa bayan, e. Pero kung talagang ayaw niya, wala naakong magagawa. Talagang ano na ako, taong-bahay."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN