Michelle Van Eimeren and daughters arrive to attend Ogie Alcasid's concert tonight

Michelle Van Eimeren (inset,above), Ogie Alcasid's wife from whom he has been separated for five years, arrived in Manila yesterday with their daughters to watch Ogie's concert tonight,September 27, at the Araneta Coliseum. Regine Velasquez (inset, below) Ogie'scurrent girlfriend, will be his special guest in the concert celebrating his 20years in showbiz.


Buong araw kahapon, September 26, naghintay ang crew ng iba't ibang TV shows sa pagdatingng ex-wife ni Ogie Alcasid na si MichelleVan Eimeren.

Nakabantay ang mga TV crewng mga programang Showbiz Central, Startalk, The Buzz, TV Patrol, at 24 Oras sa Terminal 1 (Ninoy Aquino International Airport) atTerminal 2 (Centennial Airport) airports para makunan ng pahayag si Michelle. Mayilang taon na ring nilisan ni Michelle ang Pilipinas, kasama ang dalawang anak nila ni Ogiena sina Leila at Sarah, para manirahan sa Australia.

Pasado 8:30 p.m .na nangdumating si Michelle sa NAIA sakay ng Royal Brunei Air. Kasama ng former Miss Australia ang dalawang anak na excited makita ang kanilangama. Nandoon din sa airport si Ogie para sunduin sila.

Manonood sinaMichelle, Leila, at Sarah ng anniversaryconcert ni Ogie na Twenty/Twenty sa Araneta Coliseum ngayong gabi. Balitang mga two weeks ang bakasyon ng pamilya niOgie bago sila bumalik sa Australia.

Masayang-masaya si Michellesa kanyang muling pagbabalik sa Pilipinas. Miss na miss na raw niya angmaraming kaibigan dito, kabilang na ang driver ni Ogie na niyakap pa niya nang mahigpitnoong makita niya ito sa airport.

Tinanong ng media si Michelletungkol sa relasyon nila ni Ogieat sa girlfriend ngayon ng singer-comedian na si Regine Velasquez. Sinabi naman ni Michelle naall is well sa kanilang tatlo. Hindi raw dapat na pag-awayin sila dahil magandaraw ang pagkakaibigan nila.

Kung matatandaan ayipinagtanggol pa ni Michelle ang Asia's Songbird via phone patch sa SOP noong inamin na nina Ogie at Regine ang kanilang relasyon last year.Nasabi ni Michelle na mabait si Regine sa kanya, kay Ogie, at sa mga anak nila. Kaya ipagtatanggoldaw niya ito anuman ang mangyari.

Marami ang nagulat kayMichelle dahil magaling pa rin siyang magsalita ng Pilipino kahitmatagal nang wala sa Pilipinas. Naikuwento noon ni Ogie na kapag nasaAustralia raw siya ay nag-uusap sila ni Michelle in Tagalog. Pati na ang mgaanak nila na sina Leila at Sarah ay kinakausap nila in Tagalog, although may mgaAussie accents na ang mga ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Siguradong nakatutok lahatng camera kay Michelle sa magaganap na concert ni Ogie sa Big Dome ngayonggabi. Special guest kasi ang lady love ngayon ni Ogie na si Regine sa kanyang 20th anniversary concert.

For a brief flashback, unangnagkakilala sina Ogie at Michelle noong 1994 nang maganap ang Miss Universedito sa ating bansa. Michelle was the representative of Australia at isa sa mga naging early favorites ng pageant.

Si Ogie naman ang nagsilbingmascot ng Philippines as Manolo of Manila. Siya ang naging tour guide ng mgaMiss Universe candidates sa pamamasyal nila sa iba't ibang magagandang touristspots sa ating bansa.

Noong magkaroon ng relasyonsina Ogie at Michelle, nagsama sila sa mga pelikulang ManoloEn Michelle: Hapi Together at Isko: Adventures In Animasia.

Ikinasal sina Ogie atMichelle noong 1998 sa Batangas, ang probinsiya ni Ogie. Inamin ni Ogie na2003 pa raw silang nagkahiwalay ni Michelle at nag-file na siya ngannulment.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN