Jenny Syquia sends condolence to former father-in-law Rollie Concepcion's bereaved family

Former actress Jenny Syquia-Skarne extends her condolonces to the family of ex-husband Gabby Concepcion after the death of his father, Mr. Rollie Concepcion. Jenny now lives in Sweden and successfully runs her Charm and Luck Bags business.



Ipinararating ni Jenny Syquia-Skarne sa Concepcion familyang kanyang taos-pusong pakikiramay sa pagpanaw ng kanyang datingfather-in law na si Mr. Rollie Concepcion. Sa email na natanggap ng PEP (PhilippineEntertainment Portal) mula kay Jenny, ipinahayag nito na mabilis na nakaratingsa kanya ang malungkot na balita.

Agad na ipinaalam ni Jenny sa anak niyang si Cloie angpagpanaw ng lolo nito. Si Cloie ang anak nina Gabby at Jenny. Halos dalawangtaon lamang si Cloie nang maghiwalay ang mga magulang niya noong 1996 at dalhinsiya sa Amerika ng kanyang ina.

Ayon kay Jenny, nakikita niya sina Gabby at Rollie sa mukhang kanyang anak dahil kamukhang-kamukha si Cloie ng ama at lolo nito.

Mula sa Amerika, nag-migrate sina Jenny at Cloie sa Sweden nangmagpakasal si Jenny sa kanyang childhood sweetheart na si Filip Skarne. Mayisang anak sina Jenny at Filip, si Filippa.

Labindalawang taon nang hindi nagkikita sina Gabby at Cloie.Malayo man siya sa kanyang biological father, makakaasa si Cloie na mahal atnasa alaala siya ni Gabby at ng pamilya nito.

Nakita namin sa tahanan ng mga Concepcion ang litrato niCloie sa malaking family tree na nakalagay sa living room. Kasama ng larawan niCloie sa family tree na ginawa ng nanay ni Gabby ang larawan ng kanyang mgakapatid sa ama—sina KC (kay Sharon Cuneta), Gabrielle (kay Grace Ibuna), atSamantha (sa asawa ngayon ni Gabby na si Genevieve Yatco).

Isa nang successful businesswoman si Jenny. Siyaang may-ari at designer ng Charm and Luck Bags (www.charmandluck.com) naginagamit ng mga sikat na Hollywood star. Maraming beses nang na-feature sa mgaU.S. magazine ang bags na gawa ng kumpanya ni Jenny.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN