Gabby Concepcion remembers Daddy Rollie's advice to always help others

"Isa lang naman ang sinabisa akin ng dad ko na di ko nakakalimutan: ang buhay mo raw ay di para sa iyo, di lang para sa iyo, dahil nandito tayo dahilginagawa tayong instrumento ng Panginoon para sa ibang tao," shares GabbyConcepcion about his father Rollie Concepcion's constant advice before he died.



Laging sinasabi na in showbusiness, there are no permanent friends and no permanent enemies. Ang kaibiganmo ngayon ay maaaring maging mortal mong kaaway kinabukasan, at ang mortal nakaaway mo ngayon ay maaari palang maging matalik mong kaibigan. Katulad na langng kinauwian ng talent-manager relationship nina Gabby Concepcion at RoseFlaminiano.

After six months of theirtalent-manager relationship, hindi lang nauwi sa away kundi humantong pa sademandahan ang dating magandang pagsasamahan nina Gabby at Mommy Rose.Demandang P22 million Specific Performance and Damages with Application ForWrit of Preliminary Injunction and Prayer for Temporary Restraining Order angisinampa ni Mrs. Flaminiano sa nagbalik na aktor.

Kasabay ng pagkaroon ngkaso sa manager ay ang pagpanaw naman ng ama ni Gabby Concepcion na si RollieConcepcion last Sept. 23 sa Lourdes Hospital due to massive heart attack.

GABBY SPOKE. Kahapon lang, September 26 nang pumayag ang pamilyaConcepcion na buksan ang wake ni Daddy Rollie for public viewing. Isinabay narin dito ang pagga-grant ng interview ni Gabby sa media. Sinabi nga ni Gabby naalthough alam na nila't tanggap na sa pagpanaw ni Daddy Rollie mauuwi anglahat, masakit pa rin sa kanya at sa buongpamilya Concepcion ang pagkawala nito.

"Si Dad kasi gusto na niyatalagang magpahinga. Madalas na niyang nararamdaman na sumisikip ang dibdibniya kaya nga gusto naming lahat na magkaroon siya ng quality lifestyle. Kungano na lang ang lahat ng gusto niyang gawin, lahat ng gusto niyang kainin, kungsaan niya gustong magpunta, ibinibigay namin lahat.

"Di naman natin alam kungkailan mamamatay ang isang tao, pero madalas na binabanggit niya ang oras [ngpagpanaw] niya. Nagawa na naman ni Dad ang lahat ng magagawa niya para sa mgaanak niya, marami na siyang natulungan. Natanggap na rin namin na daratingang araw na ito dahil may problema siya sa puso niya...though you cannot alwaysbe ready for death," ang nagpapakatatag na pahayag ni Gabby nang makausap ngPEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang mga kasama sa media na naroonsa wake.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

According to Gabby, threeyears ago pa nang malaman nila ang tungkol sa kalagayan ng ama. Dahil samga kaso niyang kinakaharap kaya hindi siya makauwi ng Pilipinas.Napagplanuhan tuloy nila noon na magkita na lang sa ibang bansa, perohindi rin ito natuloy.

"Nalaman na rin namin na mayproblema sa heart niya three years ago pa pero last year lang lumala. Kayalast year naghanap kami ng way para magkita kami. Balak na langnamin na dalhin si Dad sa Hongkong or Australia para magkita kami. Dun na langkami magkita, to spend quality time together. Kaya lang naisip ko, masmabigat para sa aming dalawa that after a month of being together, maghihiwalaydin kami."

THE NIGHT DADDY ROLLIEDIED. Nagkuwento si Gabby ng mgapangyayari nung gabing binawian ang buhay si Daddy Rollie. Gabby believed nakung maaaga-agang nadala sa hospital ang ama ay maaring nailigtas pa ito.

"Galing siya sa kanyangelectrical mechanic na gumagawa ng kanyang electric motorcycle in Makati. SiDaddy kasi pumasok sa ganung business, e. Nagkaroon siya ng electric motorcycleproblem. Bigla siyang nakaramdam ng sakit sa dibdib niya, so umuwi siya ngbahay para kumuha ng gamot. Bumalik siya ng Makati kasi nandun angkaibigan niya, ‘tapos nasa kanto pa lang daw sila ng Shaw [Boulevard] at Nuevede Pebrero, nag-go yung stoplight, pero di siya nag-go. Nakita ng kaibiganniya na uminom siya ng gamot ‘tapos nag-lean back siya sa headrest and di nasiya gumalaw."

Maliit na tao raw kasi yungkasama ni Daddy Rollie sa kotseng sinasakyan nito, kaya hindi nito makuhangmabuhat at mailipat sa passenger seat si Daddy Rollie. Nagtawag na lang daw itong mga taong tutulong sa kanila para makarating sa ospital. Kung nadala rawagad ito sa ospital ay baka na-revive pa ito.

"Ako naman nanggaling akonun sa bahay ng accountant ko sa Makati City. May invitation sa akin yung wifeko and family niya."

Tinawagan na lang daw siyasa cell phone na nasa ospital na nga ang daddy niya. Pero huli na nangmakarating siya sa pinagdalhang hospital kay Daddy Rollie.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Nung nakita ko siya, walana."

HELPING OTHERS. Bago pa man nangyari ang pagkawala ni DaddyRollie ay marami na silang napag-usapan ni Gabby, at isa na rito ang payo nalagi nitong sinasabi sa aktor.

"Marami kaming napag-usapan.Gusto niyang iparating sa pamilya namin na masaya na rin siya, he had afruitful life, he had a happy life with his friends. May mga texts pa nga siyana ipinadala sa mga friends niya, nabanggit niya sa akin na nagpapasalamat siyasa mga ito.

"Isa lang naman ang sinabisa akin ng dad ko na di ko nakakalimutan: ang buhay mo raw ay di para sa iyo, di lang para sa iyo, dahil nandito tayo dahilginagawa tayong instrumento ng Panginoon para sa ibang tao.

"Dad has been like that,marami na siyang natulungan in his own ways."

Ang chapel nga raw napinagbuburulan ni Daddy Rollie ay naipatayo sa tulong din ni Daddy Rollie atiba pang mga taong tumulong sa kanya para maipatayo ito.

SENDING THEIR SYMPATHY. Dumalaw noong Huwebes ng madaling araw si KC Concepcionsa wake ni Daddy Rollie, kasama si Ruffa Gutierrez. Dumalawna rin ang dating manager ni Gabby na si Lolit Solis at maging si Sharon Cuneta ay nagpaabot na ng kanyang pakikiramay.Ganundin ang mag-amang Jolina at Daddy Jun Magdangal na nagpadala na rin ngbulaklak.

"Oo, pumunta na si KC,tinawagan ko siya, nakarating naman. Masaya na nandito siya. Pero pareho kamingmalungkot sa nangyari. Nagpaabot na rin ng pakikiramay niya si Sharon, di kona lang pag-uusapan yun on air, but it's a good feeling kasi this is a time forpeace and I think it's happening, sa dami naman ng nangyayari. Hindi ko panakikita yung ipinadalang flowers nina Jolina and Daddy Jun, pero siguro nganagpadala na sila and, thank you, Jolina and Daddy Jun Magdangal.

"Masarap ang feeling nanandito si Lolit. Very close sa dad ko yun. The time to get together should benow, more so than any other day. Now is the time for healing, for bonding, fortogetherness. If there are any differences today, I think it should endthis day. Sabi nga nila for every death, there's a new life. I hopeit's a beginning of a new and peaceful life."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Daddy Rollie'sremains will be buried at the Loyola Memorial Park in Marikina tomorrow, September 28, at 4 p.m.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN