Dingdong Dantes and Marian Rivera will do straight drama in "Ang Babaing Hinugot Sa Aking Tadyang"

Dingdong Dantes and MarianRivera's next TV project is the TV adaptation of the 1981 komiks-to-movie drama"Ang Babaing Hinugot Sa Aking Tadyang" which originally starred Vivian Velezand Eddie Garcia.



Nagpa-check-up si DingdongDantes sa ManilaDoctor's Hospital nang masugatan ang kanang kamay sa taping ng Dyesebel. Kaya wala pa siya nang dumalaw sa set nilasa Vermont Park, Marcos Highway, last Wednesday, September 24, ang PEP (Philippine Entertainment Portal) at ibang entertainment press. Naabutan namin ang leadingladies niyang sina Marian Rivera at Iza Calzado sa movie nilang One True Love, (aco-production venture ng GMA Films at Regal Entertainment, directed by MacAlejandre).

"Two weeks pa itongnaka-cast," nakangiting wika ni Dingdong nang dumating siya. "Maliit lamang naman ang sugat,pero nagka-fracture kaya kailangang i-cast ang kamay ko."

Biniro siya ng PEP kung mayproblema ba siya nang gawin ang eksenang ikinabali ng mga buto sa kamay niya.Ibinunton ba niya sa puno ng niyog ang galit niya?

"Hindi naman, siguro,matindi lang ang internalization ko at nadala ako sa eksena kaya napalakas angsuntok ko," nagtatawang sagot ni Dingdong. "E, hindi puwedengmahinto ang taping dahil malapit na kaming matapos at nasa highlights na angsoap namin, kaya in-incorporate na lang sa story ang pagkakaroon ko ng benda sakamay. Pero dito sa movie, iniiwasan na lang ni Direk Mac na makita angkamay ko.

"Pero mahirap ang mgaeksena ko ngayon sa Dyesebel dahil halos maghapon akong nakababad satubig, underwater scenes ako palagi sa paghahanap kay Dyesebel. Kaya pag-ahonko sa tubig, pinapalitan agad ang balot ng kamay ko."

PRESSURE WITH MARIAN ANDIZA. Tungkol sa One True Love,ayon na rin kay Marian nang makausap ng PEP, marami silang love scenes dahilgumaganap silang mag-asawa ni Dingdong, pero meron ding love scenes si Dong kayIza. May pressure ba sakanya ang pakikipagtambal kina Marian at Iza sa movie?

"Yes, may pressure dindahil first time lang naming magtatambal ni Marian sa movie. Kung may lovescenes man, siguro higit lang ng konti sa ginagawa namin sa TV, kasi habolnamin dito ay PG-13. Wala namang problema sa amin ni Marian dahilmatagal-tagal na rin kaming magkasama, sa Marimar pa noon at ngayon sa Dyesebel.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Saka mas close kami niMarian ngayon kaysa noong bago pa lang kami nagsisimula. May compatibility nakami, at ganoon din naman kay Iza dahil nakasama ko na siya noon sa Encantadia at Atlantika, dalawang moviena rin ang nagawa namin, ang Moments of Love at Eternity. Kahitmatagal-tagal na rin iyon, hindi naman kami nawawalan ng contact nina Iza at ngmga kasama namin sa Encantadia.

May nagtanong kay Dingdongkung natagpuan na ba niya ang kanyang "one true love?"

"Siguro, sa akin nalang iyon. Basta ang masasabi ko, may inspiration ako na nagpapasigla sabuhay ko ngayon."

GOING TO THE U.S. Balitang tuloy ang pag-alis niya for a U.S.vacation.

"One week lang akongpinayagan ng GMA Network," sagot niDingdong. "October 8 to 15 lang ako mawawala, matagal ko na kasingnasagutan ang best friend kong ikakasal sa States, at first time ko pa langiyong magbi-best man in real life.

"Sinamantala ko na rin,isinama ko na sina Mommy at sisters ko. Masaya si Mommy dahil masasarili na rindaw niya ako kahit one week lang. Dito kasi, lagi akong nasa trabaho,halos hindi kami nagkikita ni Mommy. Umuwi man ako sa bahay, matutuloglang ako, pagkagising, aalis na naman para magtrabaho."

May dalawa na silangCenterstage bar and restaurant ng girlfriend na si Karylle, balak daw niyangmagtayo ng iba pang business?

"Yes po, isa sanangburger joint ang plano kong itayo, pero pinag-uusapan pa namin ng mgamakakasama ko. Siguro next year na iyon magma-materialize."

CONFUSING THE PRESS? Natawa ang PEP nang tanungin sina Dingdong at Mariankung ano ang susunod nilang project sa GMA-7,pagkatapos ng Dyesebel.

"Meron na, isangstraight drama ang gagawin ko, sinabi na po sa akin pero hindi ko pa puwedengsabihin kung ano iyon at kung sino ang leading man ko, secret pa," sagotni Marian.

"Comedy po ang susunodkong gagawin, si Marian pa rin ang leading lady ko," sagot ni Dingdong.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Biro tuloy sa dalawa, paranginililigaw nila ang mga press na kausap kung ano ang gagawin nila dahil hindinagtama ang sagot nila.

STRAIGHT DRAMA. Last Friday,ibinalita na ng GMA executives ang mga coming projects nila bago matapos angtaon at sa early 2009. Kasama rito ang bagong project na pagtatambalannina Dingdong at Marian, ang Ang Babaing Hinugot Sa Aking Tadyang, isangstraight drama na mula sa panulat ni Carlo J. Caparasat unang ginampanan ng tinaguriang "Ms. Body Beautiful" na si VivianVelez. Pero late December na siguro masisimulan ang taping ng soap at saFebruary 2009 na ito mapapanood.

Tatapusin muna ng dalawa angOne True Love at para hindi rin sila ma-miss ng mga televiewers, may mgaTV guestings muna sila like sa pagpu-promote nila ng movie na may playdate nasa November 19.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN