Ogie Alcasid successfully stages "Twenty/Twenty" at the Big Dome

Singer-songwriter Ogie Alcasid celebrated his 20th anniversary in showbiz through a major concert titled Twenty/Twenty last night, September 27, at the Araneta Coliseum.

More photos.



Ipinagdiwang ng singer-songwriter na si Ogie Alcasid angkanyang 20th anniversary sa showbiz sa pamamagitan ng kanyang majorconcert na Twenty/Twenty kagabi, September 27, sa AranetaColiseum.

Minsan pang pinatunayan ni Ogie ang kanyang hatak sa mgatao nang punuin niya ang Big Dome sa kabila ng malakas na buhos ng ulan. Saloob ng dalawa't kalahating oras ay nagbalik-tanaw ang composer-singer sa kanyangdalawampung taon sa mundong nagbigay sa kanya ng katanyagan.

Ang nakalagay na oras sa ticket ay 8.pm. ngunit ilang minutobago alas-nuwebe na nagsimula ang concert.

Nagsilbing hudyat ng pagsisimula ng Twenty/Twenty ang tugtugin ngmga pinasikat na awitin ni Ogie mula sa FILharmoniKA—sa pangunguna ng conductornitong si Gerard Salonga, na siya ring musical director—habang ipinapakita sa giantscreen ang collage ng mga celebrities na kumakanta ng sikat na awitin ni Ogie, "Nandito Ako."

Sa kalagitaan ay ipinagpatuloy ni Ogie ang awitin habang nagpi-piano. Pero iniba niya ang lyrics upang pasalamatanang lahat ng nagsidalo sa kanyang concert.

Sinundan niya agad ito ng isang fast number sa pamamagitanng "Sumayaw, Sumunod" ng VST & Co. na ni-remake ni Ogie.

Pagkatapos nito ay inawit niya ang kanyang current No. 1single na "Kung Sakali Man" mula sa kanyang latest album na The Great FilipinoSongbook. Ang naturang awitin ay unang pinasikat ng '70s singer na si PabsDadivas.

Nagbalik-tanaw naman si Ogie sa kanyang pagsisimula sa musicindustry noong taong 1988, kung saan nag-release siya ng dalawang singlesat isa na rito ang "Ako'y Iyong-Iyo," na ni-rearrange ni Ogie para bigyan ngpanibagong flavor. Dito sa number na ito ay sinamahan siya ng unang dalawangguests niya na si Nyoy Volante at si Joey Generoso ng Side A band.

Nagbigay-pugay rin si Ogie sa kanyang mga kapanahon sapamamagitan ng isang medley, kasama sina Dennis Trillo at Lovi Poe. Ilan sa mgasikat na awitin at komposisyon na kinanta nila ay ang mga sumusunod: Neocolors(I'll Never Let you Go"), Jamie Rivera ("I've Falling For You"), DingdongAvanzado ("Maghihintay Sa ‘yo"), at Rannie Raymundo (Why Can't It Be").

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

FUN WITH JANNO. Sinundan ito agad ni Ogie ng "I Believe In Dreams" na naginghudyat sa pagpasok ng singer at composer nito na si Janno Gibbs. Pagkataposkumanta ng magkaibigan ay nagpakuwela sila sa kanilangnakakatawang spiels.

Biro ni Janno kay Ogie: "Pare, 20 years, congratulations...atkumpleto sila, ha!" Pero pinigil na siya agad ni Ogie at baka kung ano pa rawang masabi niya.

Twenty years na si Ogie sa showbiz at 20 years na rin silangmagkaibigan ni Janno. Pero biro ni Ogie, "At 20 years na tayong naggagamitan!"

"Totoo ‘yon!" biro rin ni Janno.

Pagkatapos nito ay ginawa nila ang isa sa pinakaaaabangangsegment nila sa SOP, ang "Sobrang OJ," kung saan ginawa nilang biro angkanilang pagkakaibigan to the tune of APO Hiking Society's "Awit ng Barkada."

Binigyan din ng "homage" ni Ogie ang kanyang mga magulang,na nasa harapan lang ng audience, sa pamamagitan ng originalcomposition na "Shine." Kasamang kumanta ni Ogie rito ang 10finalists ng Pinoy Idol, kung saan isa siya sa judges.

Sa dalawang magkahiwalay na numbers ay nagsayaw ang Kapusostars na sina Marian Rivera at Iza Calzado. Ginawan ng areglong samba ang"Dito Sa Puso Ko" ni Ogie habang sinasayawan siya ni Marian, samantalanginterpretative dance naman ang ginawa ni Iza habang kinakanta ni Ogie ang "KungMawawala Ka," na title din ng kauna-unahang soap ni Iza sa GMA-7.

Inawit naman nina Jaya, Kyla, at Zsa Zsa Padilla ang mgakanta ni Ogie na ginawang theme song sa pelikula: "Sa Piling Mo" mula sapelikulang Captain Barbell starring Bong Revilla, Regine Velasquez, and Ogie;"Paano Kita Iibigin" from the movie of the same title starring Piolo Pascualand Regine; and "Mahal Kita, Walang Iba" from the movie of the same titlestarring Christopher de Leon and Kris Aquino.

PIOLO ROCKS ARANETA. Dumagundong naman ang buong Araneta nang lumabas si PioloPascual. Hindi magkamayaw ang mga tao sa kakatili at palakpakan para kayPiolo. Nag-duet sila ni Ogie ng komposisyon nitong "Ikaw Ang AkingPangarap."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Inamin ni Ogie na nahirapan siyang ibigay ang naturang kanta saABS-CBN, na siyang nagpagawa sa kanya nito. Gustung-gusto raw kasi ni Ogie angkanta, pero wala na raw siyang magagawa dahil bayad na raw siya para dun.

Nakakatuwa ang ginawang lyrics ni Ogie para sa kanyang mgasponsors to the tune of "Low" at isa ito sa well-applauded numbers niya.

Binigyan din ni Ogie ng importansiya ang kanyang TV careersa papamigitan ng pag-i-impersonate nila ng mga kasamahan niya sa Bubble Gang—na magti-thirteen years na sa ere—na sina Michael V. at Rufa Mae Quinto.Kuwelang-kuwela ang number ito sa audience dahil complete costume talaga angtatlong Bubble Gang mainstays sa kanilang panggagaya kina Madonna, MichaelJackson, Boy George, Cyndi Lauper, Prince, at ng Wham.

MOST TOUCHING PARTS. Pagkatapos nito ay naging seryoso naman ang tema ng concertnang ipinalabas sa giant screen ang isang short film/music video napinagbibidahan nina Ogie at Judy Santos. Sa naturang short film, na idinirek niDante Nico Garcia ng Ploning, ginagampanan nina Ogie at Judy Ann ang dalawangtao na may bawal na pag-ibig. May asawa si Ogie at si Judy Ann ang kanyangboss at karelasyon.

Maganda ang pagkakagawa ng maikling pelikula na lalongnagpaantig ng damdamin sa live rendition ni Ogie ng awiting "IkawSana," na siya ring pamagat ng ginawa nila ni Judy Ann.

Pagkatapos nito ay sinabi ni Ogie na natupad na ang kanyangpangarap na maging leading man at si Judy Ann pa ang kapareha niya. Ngunit parakay Ogie, isa lang ang kanyang leading lady at ito ay walang iba kundi angkanyang kasintahan sa totoong buhay na si Regine Velasquez.

Ito na rin bale ang nagsilbing introduction ni Ogie kayRegine. Nag-medley sila ng mga awiting nilikha ni Ogie na si Regine ang kumantao ginawan nila ng duet: "Hanggang Ngayon," "Kailangan Ko'y Ikaw," "Pangarap KoAng Ibigin Ka," at "Magpakailanman." Karamihan ng mga ito ay naging titulo attheme song din ng mga pelikula ni Regine.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Habang kumakanta sina Ogie at Regine ay ipinapakita naman sascreen ang ilang mga pribadong larawan nila na kagabi lamang nakita ng publiko.Very sweet sina Ogie at Regine sa mga ipinakitang larawan na parang nagingsimbolo ng paghahayag nila ng kanilang pagmamahalan sa isa't isa.

Tinapos nina Ogie at Regine ang kanilang awitin sa pamamagitanng lips to lips.

Nakakatuwa rin na habang kumakanta sila ay ipinakita sascreen ang mukha ng asawa ni Ogie na si Michelle Van Eimeren, na nakangitilamang habang pinapanood sila. Kasama ni Michelle sa harapan ng audience angmga anak nila ni Ogie, sina Leila at Sarah.

Itinuon naman ni Ogie ang kanyang pansin sa kanyang dalawanganak at sa kanilang ina na si Michelle. Pinasalamatan ni Ogie ang dating asawasa pag-aalaga sa kanilang mga anak sa mga panahong wala siya. Nagpasalamat dinsi Ogie kay Mark—ang sinasabing Australyanong boyfriend ni Michelle—sapag-aalaga rin sa kanyang mga anak. (Click here to read related article.)

Dito na tinawag ni Ogie sina Leila at Sarah sa gitna ngstage, pero si Leila lang ang sumama dahil nahihiya si Sarah. Kinanta ni Ogieang "I Will Be Here" para sa kanyang mga anak, na nagpaantig sa damdamin ngkaramihan sa audience, partikular na si Michelle na hindi napigilang lumuha.

Pagkatapos nito ay nag-duet si Ogie at si Mr. Pure Energy Gary Valenciano para sa mga awiting "Ikaw Lang" at "Kailangan Kita," naparehong komposisyon ni Ogie.

Tinapos ni Ogie ang kanyang concert sa pag-awit niya ng "Nandito Ako" at "Sa Kanya."

Mag-aalisan na sana ang mga tao nang bumalik si Ogie para sakanyang encore at binanatan niya agad ang isa pa niyang hit song, ang "Bakit NgayonKa Lang." Sa puntong ito ay nagmistulang malaking dance party sa loob ngAraneta nang mag-medley si Ogie ng Rick Astley songs at ‘70s dance hits.

Nagulat ang marami nang tinawag ni Ogie para sa kanyang '80s medley si Roderick Paulate, na nagpasikat dito sa Pilipinas ng RickAstley dance move.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa puntong ito ay nakatayo na ang karamihan sa audience atnakisayaw na rin kay Ogie.

STAR-STUDDED CONCERT. Almost 30 artists ang naging guests ni Ogie sa kanyangTwenty/Twenty concert. Bagamat inabot ng dalawa't kalahating oras ang concert ayhindi naman nainip ang mga tao dahil sa ganda ng bawat numbers na pinagandalalo ng mga guest artists ni Ogie.

Pinatunayan din ni Ogie ang kanyang husay sa pagpe-performat ni minsan ay hindi siya nakitaan ng pagkapagod. Damang-dama ang kasiyahan niOgie sa kanyang concert dahil sa pagdating ng napakaraming tao, na aniya ayhindi niya inaasahan.

Ilan sa mga celebrities na namataan ng PEP (PhilippineEntertainment Portal) ay ang mag-asawang Richard Gomez at Lucy Torres-Gomez kasamaang anak nilang si Juliana at ang kapatid na lalake ni Lucy; si Lea Salonga atang asawa nitong si Robert Chien; John Estrada with girlfriend PriscillaMeirelles; ang kapatid ni Regine na si Cacai Velasquez, kasama ang mister na si RaulMitra; Sherilyn Reyes and husband Chris Tan and their son; Beth Tamayo andhusband Johnny Wong.

Nandun din sina Marvin Agustin; Gelli de Belen; John "Sweet"Lapus; Arnold Clavio; Ben Chan; Joanna Ampil; GMA Films President Annette Gozon-Abrogar; GMA-7executives Wilma Galvante and Marivin Arayata; Celebrity Duets contenders PhilYounghusband, JL Cang, and JC Buendia; Ruby Rodriguez and Diana Meneses of EatBulaga!; at ang mga magulang ni Regine.

Ang Twenty/Twenty ay idinirek nina Rowell Santiago (live) atLouie Ignacio (TV coverage).

Click here for more photos.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN