Jean Garcia says 'Now or never' in posing for "FHM"

"Two years din akong inawitan ng FHM atpang-third year ngayon bago ako napapayag. Kinausap ako ni Direk Manny [Valera,her manager] at sinabihan akong baka pagdating ng panahon, magsisi ako kungbakit hindi ko ito ginawa. At least, wala akong regrets and I'm very proud sakinalabasan," says Jean Garcia about finally agreeing to pose for the top men's magazine.



Si Jean Garcia angcover sa October 2008 issue ng FHM, kung saan nag-topless ang aktres.Nasisilip ang kanang bahagi ng dibdib niJean ngunit hindi naman kita ang nipples niya. Kahit halos hubad nasiya sa litrato at lavender panty lang ang kanyang suot, hindi pa rin bastusinang dating niya.

May walong shots pasi Jean sa inside pages, gaya ng magagandang pose na naka-lingerie siya, naka-two-piece, at isang kita ang gilid ng kanyang dibdib.

"Hindi bastos angpagpapakita ko ng skin, ‘no!" sambit ni Jean. "Two years din akong inawitan ng FHM atpang-third year ngayon bago ako napapayag. Kinausap ako ni Direk Manny [Valera,her manager] at sinabihan akong baka pagdating ng panahon, magsisi ako kungbakit hindi ko ito ginawa. At least, wala akong regrets and I'm very proud sakinalabasan."

Ikinuwento ni Jeansa PEP (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng Walang Kawala kahapon, September 28, na kumportable siya sa staff at fotog ng FHM na si Dr. MarlonPecjo. Laking pasasalamat din ni Jean kay Deng Foz na nag-makeup sa kanyadahil mas pinaganda siya at hindi halatang puyat siya at galing sa tapingng Dyesebel.

"Nagustuhan ko lahat ang pictures at hindi ako na-conscious. Ang bilisdin naming natapos; after six shoots, tapos na. Hindi ako in-expose. After anhour, tapos na, ang bilis! Bago nila i-print ang photos, ipinakita muna sa akinang layout at pinapili ako kung anong gusto kong ilabas na picture.

"Parang nagingfashion shoot siya, hindi malaswa. Lumabas ang real Jean Garcia. Ang iba kasi,pa-pout-an ng lips at paseksihan nang husto. Ito, ang ganda! Normal lang at angkaibahan lang, sexy ang suot ko."

Masusundan pa ba angpagko-cover niya sa FHM sa ibang men's magazine?

"Huwag muna, okey naako sa FHM. I'm very happy with the result," sagot niya.

Paano siyanag-prepare for the pictorial?

"Wala nang time toprepare at hindi rin ako nag-diet."

Paano siya pumayag, sa wakas, na lumabas sa FHM?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Para pagtanda ko, wala akong pagsisihan nabakit hindi ko na-try. Wala namang masama, di ba? Tumanda man ako, at leastna-try ko."

Paano kung alukin anganak niyang si Jennica Garcia na mag-pose sa FHM?

"Not now!" tili niJean. "Darating din ang time niya at gusto ko, pag gusto na niya at hindidahil career move. It's up to her really. Dream niya rin ito, pero huwag munangayon, she's only 18 years old. Hindi pa rin niya nakikita ang magazine atalam niyang hindi ako papayag kung hindi ako at ease."

Paano kung ayaw niMart Escudero, ang young actor na rumored boyfriend ni Jennica?

"Aba, ewan ko nalang. May magagawa ba siya with the mother around?" tawa ni Jean.

Pati si EmilioGarcia, partner ni Jean sa digital movie na Walang Kawala, na-impress sa FHM cover niJean. Nagpapirma rin ito ng copy niya ng magazine habang panay ang sabing "Walakang kupas," na ikinatawa ni Jean.

May radio tour si Jeansa October 8, at autograph-signing sa October 10 sa Robinson's Galleria topromote FHM.

Samantala, wala paring pahinga si Jean. Tuluy-tuloy ang schedule niya dahil lagare siya sa tapingng Dyesebel na sa October 14 na ang last taping day. Sa October 17 namanang simula niya ng taping ng kasunod niyang primetime series, Gagambino. Kasama rin siya sa Shake, Rattle & Roll X, hindi palang daw niya alam kung anong episode siya mapapasama.

Next year,mapapanood siya kasama sina Sunshine Dizon, Iza Calzado, at Eula Valdes saPinoy adaptation ng Koreanovela na All About Eve.

Proud din si Jean saWalang Kawala, directed by Joel Lamangan under DMV Entertainment,na showing sa November 12. May special screening din angpelikula sa UP Film Center sa November 6. Kapag ipinalabas sa ibang bansa, NoWay Out ang magiging title ng movie.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
"Gusto ko ang character ko dito na tanggap lahatang ginagawa ng asawa, battered wife si Beng [her character], mabait, perohawak sa leeg ni Rufo [Emilio Garcia]. Housewife lang, nag-aalaga ng isda saaquarium, pero may symbolism ang aquarium ko. Basta panoorin ninyo at magandaang pelikula," pagpa-plug ni Jean.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN