Emilio Garcia credits gay-themed movies for letting him travel abroad

"Nakakaaalisako ng bansa dahil sa mga gay movies. Ang dami kong nararating dahil may saysaynaman ang mga pelikulang ginagawa ko at nai-invite sa mga film festivalsabroad," says Emilio Garcia.



Pangatlong gay-themed movie ni Emilio Garcia ang unang movieventure ng DMV Entertainment ni Manny Valera, Walang Kawala. Ito naman angunang indie project ni director Joel Lamangan, pati na rin sadalawang aktor na sina Jean Garcia at Polo Ravales.

Bago ang Walang Kawala, nagbida rin si Emilio bilang isangbaklang preso sa Selda at isang mahinhing bakla naman sa Eskandalo. May isa pasiyang natapos na gay-themed movie, ang Dose, na ipalalabas din ngayong taon naito.

Ipalalabas ang Walang Kawala sa Metro Manila, Cebu, atBacolod sa November 12 ngunit magkakaroon ito ng special press screening saMyCinema sa October 28 at sa UP Film Center sa November 6.

Ang English title ng Walang Kawala ay No Way Out. May international handler na ang pelikula, si Ferdz Lapus na isa rin sa mgacorrespondents ng PEP (Philippine Entertainment Portal).

GAY ROLES. Sa isang dinner na ibinigay para kina Emilio at Jeankahapon, September 28, nabanggit namin kay Emilio na tila nalilinya siya sa kabadinganna papel.

"Ito may mga magagandang papel at scripts, e," paliwanag niEmilio. "Mas challenging ang mga papel dito at iba-iba naman. Dito kasi saWalang Kawala, hindi mo aakalain na bakla pala ako kasi may asawa ako at hindimo ako makikitang makikipag-sex sa mga lalaki na may feelings, parang power-trippinglang lahat."

Isang pulis na may kabit na bakla si Emilio sa WalangKawala. Si Joseph Bitangcol ang gumaganap na bakla, na lover naman ni Polo namay asawa rin, ang ipinapakilalang si Althea Vega.

INTERNATIONAL EXPOSURE. "'Saka isa pa," patuloy ni Emilio, "nakakaaalisako ng bansa dahil sa mga gay movies. Ang dami kong nararating dahil may saysaynaman ang mga pelikulang ginagawa ko at nai-invite sa mga film festivalsabroad."

Ang Selda ang kauna-unahang local film in competition sa 32ndMontreal Film Festival. Kuwento ni Emilio, mula sa 100 entries hanggang ma-trimito sa Top 20, pasok pa rin ang Selda.

"Ibang experience doon," dagdag ni Emilio. "Biro mo, nakausapko nang matagal si Bill Pullman [Hollywood actor]. Kasi konti lang ang nag-i-Englishdoon at nasa French side ng Canada ang Montreal.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sa November, makakapunta naman ako sa Greece, pasok din kasiang Selda sa festival doon."

Ang Selda rin ang unang pelikulang in competition sa49th Thessaloniki Film Festival na gaganapin sa November 14 to 23.

Sa ngayon, nila-lineup na rin ni Ferdz Lapus ang mgasasalihang international film festival ng Walang Kawala.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN