Jean Garcia glad to work again with TV rival Eula Valdes

"Hindi kami yung close na close na may common friends. Angsa amin, good working relationship. Pero minsan nagtitext siya kung puwedekong puntahan yung isang affair na nandoon siya, pupunta naman ako. Ako ringanoon. Kaya magiging masaya ito kasi magkakasama na naman kami," says Jean Garcia about working again with Eula Valdes (inset).



Jean Garcia is among the last to know that she will bepaired once again with TV rival Eula Valdes.

24/7 ngayon si Jean sa trabaho. Hanggang second week ofOctober pa ang taping niya sa Dyesebel ngunit nag-first taping day na siya parasa Gagambino. Nakatapos na rin ng una niyang indie movie si Jean (na OctoberFHM cover girl), ang Walang Kawala ng DMV Entertainment sa direction ni JoelLamangan.

Isang sosyal pero battered housewife si Jean ni EmilioGarcia sa Walang Kawala, na pinagbibidahan din nina Polo Ravales at JosephBitangcol at ipinakikilala sina Althea Vega at Marco Morales. Magbubukas angWalang Kawala sa November 12 sa Metro Manila, Cebu, at Bacolod.

Masaya si Jean na kahit halos wala na siyang tulog,tuloy-tuloy pa rin ang grasya sa pamamagitan ng trabaho. Ngunit mas natuwa siyanang ang PEP (Philippine Entertainment Portal) pa ang nagbalita na hindi pa nganagsisimula ang Gagambino, may kasunod na siyang soap—ang local version ngKoreanovela na All About Eve.

"Ah talaga? Ang galing! Thank you Lord!" bulalas ni Jean bagoniya naitanong kung sino ang mga makakasama niya.

Nang binanggit namin ang pangalan ni Eula, siya pa angnagulat.

"Magkakasama kami ulit? Bakit hindi ko alam. Alam mo ba ito?"tanong ni Jean sa kanyang manager na si Manny Valera na sumagot naman ng oo, kasosikreto pa lang sana.

"Buti pa kayo alam n'yo na! Si Eula ba alam na?" pahabolniya.

Hindi niya raw inakala na magkakasama pa nga sila ni Eula saisang project. Sa ABS-CBN sila unang nagsama, sa Pangako Sa ‘Yo bilang sinaAmor Powers at Claudia Buenavista. Unang lumipat si Jean sa GMA-7 sa Majika atngayong taon lang na ito naging Kapuso si Eula sa Kamandag.

Apat sila nina Sunshine Dizon at Iza Calzado na magsasama saAll About Eve.

Masaya si Jean na pagkatapos ng dalawang fantaserye, babaliksiya sa straight drama. Dalawang drama rin kasi ang sinundan ng Dyesebel atGagambino, ang Impostora at La Vendetta kaya may variety ang ginagampanan niJean.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bagama't magkaibigan sina Jean at Eula, matagal na rinsilang hindi nagkakausap.

"Hindi kami yung close na close na may common friends. Angsa amin, good working relationship. Pero minsan nagtitext siya kung puwedekong puntahan yung isang affair na nandoon siya, pupunta naman ako. Ako ringanoon. Kaya magiging masaya ito kasi magkakasama na naman kami," lahad niJean.

Mapapanood muna si Eula sa La Lola at si Jean saGagambino bago sila magsamang muli sa All About Eve.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN