Claudine Barretto clarifies report that she is leaving Star Magic

"It's just that parang ang dami-dami na namin. I just needed extra care, extrabackup. Like another road manager, dagdag lang for myself lang, for myschedule, ‘tapos publicist, yung ganun lang. Pero yung iiwan ang Star Magic,hindi," explains Claudine Barretto about a report saying that she is planning to move out of Star Magic.



Naging malakingisyu ang lumabas na balita sa ilang tabloid na aalis na sa poder ng Star Magicang isa sa prime talents nito na si Claudine Barretto at magpapa-manage nadiumano sa iba. Hiningan ng komento ng PEP (Philippine Entertainment Portal) siClaudine tungkol dito sa launching ng Star Magic Catalogue 2009 na ginanap lastSunday, September 28, sa Edsa Shangri-La Hotel.

"Actually, walanaman kasi akong contract sa Star Magic. Everybody knows that. Sabi ko, it'snot naman na lilipat o ano. Kasi whatever happens, markado ka na talaga na partng Star Magic. And it's hard, kasi what we have is a relationship like afamily," paglilinaw ni Claudine sa PEP.

Pero ano ba angmove na gusto niyang gawin? Kukuha ba siya ng ibang manager to co-manage her?

"Wala, walatalaga," tanggi ng aktres. "It's possible for me to get my own publicist. Butto manage, no, not even a co-manager. Kasi parang, even before I got back aftergiving birth, I just wanted to bring in my own people, yun lang talaga yun."

Hindi ba silanagkakaroon ng problema ng Star Magic?

"I think salahat ng pamilya, nagkakaroon ng problema, di ba? Pero not as big as...I don'tknow kung ano ang naglalabasan."

Ang problemabang ito ang dahilan kaya gusto niyang kumuha ng sarili niyang publicist?

"No, no, no.It's just that parang ang dami-dami na namin. I just needed extra care, extrabackup. Like another road manager, dagdag lang for myself lang, for myschedule, ‘tapos publicist, yung ganun lang. Pero yung iiwan ang Star Magic,hindi."

Gaanokaimportante ba sa kanya ang Star Magic?

"Nandito akotoday [launching of Star Magic 2009 Catalogue], di ba? I mean, 16 years, di ba?Hindi mo kayang lokohin ang 16 years, e. It's something na talagang beyondfamily. That's why kahit walang kontrata... So, there are no promises but onlyloyalty," pahayag niya.

Kuntento basiya sa mga projects na ibinibigay sa kanya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I'm reallyvery proud kasi here in ABS-CBN, Star Magic, and Star Cinema, they have alwaysgiven me the best project. Nagpapasalamat ako na they have given me the bestteleseryes at mga pelikula. Wala na akong mahihiling pa," saad ni Claudine.

IISA PA LAMANG.Samantala, abala pa rin si Claudine ngayon sa kanyang teleseryeng Iisa PaLamang sa ABS-CBN. Maganda ang feedback sa mga manonood ng nasabing teleserye.At ayon kay Claudine ay marami pang dapat abangan sa Iisa Pa Lamang.

"Marami-maramipa. Sobrang dami ng twists. Kaya maraming salamat sa lahat ng suporta n'yo, salahat ng nanonood ng Iisa Pa Lamang. Sa lahat po ng gumagaya sa mga lines naminsa Iisa Pa Lamang, in behalf of everybody—our directors, our co-actors, ourstaff, and crew lahat-lahat-maraming, maraming salamat. Overwhelmed, sobra!"

Extended ba angIisa Pa Lamang up to a second season?

"Parang. Peroitse-check pa namin kung kaya pa ng budget. Kasi right now, over-budget nakami, e. Pero hopefully. As of now, parang ilang weeks din ang nadagdag. Perohindi namin alam kung another season pa."

Marami angpumupuri sa acting nilang dalawa ni Angelica Panganiban, na gumaganap na isa samga kontrabida sa Iisa Pa Lamang, lalo na sa kanilang confrontation scenes.Convincing daw ang awayan at tarayan nilang dalawa. Kumusta naman sila niAngelica in real life?

"We're very,very close. Even before this project, matagal na kaming close," sabi niClaudine.

Kamamatay langng Daddy Rollie ni Gabby Concepcion, na kasama rin niya sa Iisa Pa Lamang.Nakadalaw ba siya sa burol nito bago man lang inilibing?

"I wasn't ableto go to the wake of his dad, kasi nga I was out of town," pag-amin niClaudine. "But my prayers are always with him and his dad. Nakakalungkot kasiang dami-dami niyang [Gabby] pinagdadaanan ngayon. Ang hinihiling ko langbilang kaibigan at katrabaho ni Gabby, yung sana ipagdasal natin siya kasihindi madali yung pinagdaraanan niya ngayon. Ang tagal niyang hindi nakita angtatay niya at ganun pa ang nangyari. Ipagdasal na lang natin na maging strongsiya."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bukod sateleserye, ano pa ba ang puwedeng abangan ng mga fans ni Claudine?

"Aside fromIisa Pa Lamang, I will be doing a movie, of course sa Star Cinema. And yungiba, hindi ko pa alam. Actually, about the movie, I really don't know muchpa. I cannot tell the details pa, kasi we are still not allowed yet to tell. Itwill be released next year na.

"I can't tellpa talaga, kasi kunwari there are five na naka-lineup, kung ano ang mauna doon.And wala pa talaga kung sino yung magiging director. Wala pa talaga kung sinoyung magiging artista. It's hard kasi mamaya sabihin ko si ganito, ‘tapos hindipala sa kanya mapupunta, di ba? Kaya mahirap talagang magsalita now,"pagtatapos ni Claudine.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN