PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Emilio Garcia wins his dream Urian award after 14 years

Emilio feels complete now as an actor after winning the Urian Best Supporting Actor plum.
by Rose Garcia
Published Oct 2, 2008
"Oo, siyempre, bata ka pa lang, nakikita mo na palaging ang mga batikang aktor, winner ng Urian. So, lahat naman siguro. So, ako, wala na...I'm complete! Kumpleto na ang buhay ko. Okey na ‘ko," says Emilio Garcia about his recent award as Best Supporting Actor for the movie Selda.

Taon ng pag-ani ni Emilio Garcia ngayon dahil after 14 years, ngayon naman, sunud-sunod na nabibigyan ng rekognisyon ang kanyang pag-arte. Si Emilio ang itinanghal na Best Supporting Actor (for the movie Selda) sa katatapos na 31st Gawad Urian kagabi, October 1 sa CCP Little Theater.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Anong naramdaman niya when his name was called as Best Supporting Actor winner?

"Kanina, bago ako pumunta rito, ang ubo ko grabe, halos hindi ako makapagsalita. Pero bigla, nawala! Nagkaroon ako ng boses. Anyway, pinakaano talaga, para kang lumulutang. Iba na ‘to! Hindi na biro, pangatlong award. Gawad Tanglaw, then Star Awards, then Urian... So, isa lang ang hiningi ko rati, sumobra, tatlo pa ngayon!," masayang pahayag nga ni Emilio nang makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) after the awards night.

DREAM COME TRUE. Ipinaalala ng PEP kay Emilio ang sinabi niya noon na ang Urian award ang isa sa pinapangarap niyang award na mabingwit.

"Oo, siyempre, bata ka pa lang, nakikita mo na palaging ang mga batikang aktor, winner ng Urian. So, lahat naman siguro. So, ako, wala na...I'm complete! Kumpleto na ang buhay ko. Okey na ‘ko."

Inasahan ba niya ang pagkapanalo ngayon?

"Actually, hindi. Sabi ko nga kanina, nang ginawa namin ni Paolo Villaluna ang pelikula, wala kaming inisip na kahit na ano. Basta, gawin lang namin ang trabaho namin. ‘Tapos, dito sa Urian, tinatanong ko nga sila, ‘Ano sa tingin n'yo?' Wala raw nakakaalam. So, ako, o sige, kaya medyo na-late kami kanina kasi, hindi namin ine-expect kung anong meron.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Sabi namin, sige, punta na lang tayo. Kaya noong tinawag kanina, wala na, ito na! Ni wala akong prepared speech."

URIAN HONORS INDIES. Natutuwa si Emilio na nagbibigay ng pagpapahalaga sa mga independent films.ang Gawad Urian.

"Kasi siguro sa akin, sa sarili kong opinion, dahil ang mga pelikula natin ngayon, commercial na, naghahanap siguro sila ng tulad noong dating pelikula na may lalim or may acting, which is, dito nila nakikita ngayon sa mga independent films.

"Mabuti nga, napansin nila at nagpapasalamat ako na natanggap nila. Dahil kung hindi siguro, magtutuluy-tuloy tayo sa mga commercial films na lang."

Posible bang mas maging choosy na siya ngayon after winning three times as Best Supporting Actor?

"Well, kahit naman dati pa, pumipili na rin talaga. Pero, siyempre, kapag may request na kaibigan sa hanapbuhay, like director, or sinuman, kahit hindi mo gusto, gagawin mo alang-alang sa pagkakaibigan. Pero, palagay ko, mas pipiliin pa ngayon para hindi babalikan ang nakaraan."

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

After 14 years, fulfilled na ba si Emilio?

"Sabi ko nga kanina, I'm complete. Okey na ‘ko. Masaya na ‘ko ro'n."

JUST SEXY ACTOR BEFORE. Kung titingnan, isang inspirasyon na rin si Emilio na matatawag, especially with other actors na nagsimula din sa paseksi-seksi. Pinagbuti kasi ni Emilio ang kanyang craft at kinuha niya rin sa tiyaga ang bawat trabaho. Kaya ngayon, heto't nabibigyan na siya ng nauukol na pagkilala.

"Well, lahat naman yata dumaraan doon. Hindi lang ako. Even yung mga luma nating artista, dumaan sa ganoon."

Would he say na magandang simula pa rin pala ang pagpapaseksi muna?

"Maganda pa rin siguro kasi, nasusubukan mo lahat ng klase ng istorya at acting, Mas mainam sa tingin ko. Kesa yung naka-focus ka lang sa isang klase ng character."

RAISING THE TF. Kadalasan daw kapag nagkakaroon ng award, nagkakaroon na rin ng opportunity na manghingi ng mas mataas na talent fee. Ganoon na rin kaya sa kaso niya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Hindi ho namin naiisip or pinag-uusapan. Kasi ako, ang punto ko lang talaga ay yung magtrabaho. Mahal ko ang trabahong ito. Kaya hindi problema sa akin kung magtaas or hindi magtaas.

"Basta ako, magtatrabaho ako rito hanggang sa pagtanda ko."

Read Next
Read More Stories About
Emilio Garcia, Urian, Selda
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Oo, siyempre, bata ka pa lang, nakikita mo na palaging ang mga batikang aktor, winner ng Urian. So, lahat naman siguro. So, ako, wala na...I'm complete! Kumpleto na ang buhay ko. Okey na ‘ko," says Emilio Garcia about his recent award as Best Supporting Actor for the movie Selda.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results