Aiza Seguerra's mother fully supports daughter's lesbian relationship

"E, sa ganyan, wala tayong magagawa. Doon maligaya ang anakko, ibigay ko yung kaligayahan niya, yung gusto niya. Basta ang akin, bigyanniya lang ako ng apo. Whatever that means, basta bigyan niya ako ng anak," says Mommy Caring (inset) of her daughter Aiza Seguerra's open relationship with Chen Sarte (right).



Naging emosyonal ang nanay ni Aiza Seguerra na si MommyCaring sa ginanap na launching ng international album ni Aiza na Open Arms saEastwood City Central Park sa Libis, Quezon City, kagabi, October 3.

Hindi nga napigilang mapaiyak ni Mommy Caring nang kantahinni Aiza sa album launch niya ang una niyang hit na "Pagdating ng Panahon." Kayanaman after ng launch ay kinausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) siMommy Caring.

Bakit kaya naiyak si Mommy Caring?

"Yung 'Pagdating ng Panahon,''' di ba, lie low si Aiza sapelikula? Parang yun ang nag-open sa muli niyang pagsikat. Hanggang ngayon, nandito pa rin siya at muling tinangkilik ng mga tao. Kaya parang medyo sentiako.

"Alam mo noon si Aiza," kuwento ni Mommy caring, "masigasig talaga siya sa paggigitara.Pero parang hindi siya napapansin. May nakapagsabi sa akin na, ‘Mommy, di ba, nagpo-produce ka? Bakit hindi mo i-produce si Aiza kahit isang single lang?'So, isinama na rin sa usapan yung Vicor. 'Tapos si Aiza isinama ko naman sa mgabanda. Yung banda na yun, hindi makakanta sa isang lugar kasi walang silang leadsinger. Ang sabi ko sa kanila, ‘Bakit hindi n'yo isama si Aiza sa banda?'Parang yun ang nagsimula. 'Tapos yung mga taga-Vicor, nagpunta doon satinutugtugan ni Aiza. Hindi pa nila alam na si Aiza yung kumakanta noong una,parang iba daw. 'Tapos ayun, nag-start na dun at nagtuluy-tuloy na."

Ano ang feeling ngayon na hindi lang sa Pilipinas sikat siAiza ngayon kundi sa international music scene pa?

"Sabi ko nga, para talaga kay Aiza ‘yan. Blessed na blessedsiya kasi siya naman ay talagang maganda naman yung kanyang ginagawa. Kapagnag-work siya ay talagang work. Kung kumanta naman siya ay laging nasapuso. Yun din naman ang sabi ko sa kanya, para nararamdaman ng tao kung anoyung kinakanta mo."

MOMMY CARING APPROVES OF CHEN. Samantala, nalaman din ng PEP mula kay Mommy Caring nanakahiwalay na ng tirahan si Aiza at magkasama sila ng karelasyon nitongsi Chen Sarte sa isang condominium, kasama rin ang pinsan ni Aiza.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa naturang album launch ay kitang-kita ang pagiging sweetni Chen kay Mommy Caring. Dahil dito, hindi rin naiwasang itanong ng PEP kay MommyCaring kung kumusta naman ang pakikitungo niya kay Chen.

"Ay, okay naman, walang hassle!" mabilis niyang tugon.

Sa katunayan daw ay "Mommy" rin ang tawag ni Chen sa kanya.Ano ba ang nagustuhan niya kay Chen?

"Kasi siya, parang give and take silang dalawa ni Aiza.Natutulungan niya si Aiza pagdating sa mga ganitong launching. Pero angdesisyon, na kay Aiza pa rin. Maayos kami ng partida ni Chen, partida namin. Aslong na, ayaw ko yung hawak ba, yung sakal-sakal at hindi makakilos si Aiza.Hindi ganun si Chen, e. Talagang smooth ang pagsasama nila," saad ni Mommy Caring.

Paano niya natanggap yung relationship ni Aiza with Chen?

"E, sa ganyan, wala tayong magagawa," sagot ng ina ni Aiza. "Doon maligaya ang anakko, ibigay ko yung kaligayahan niya, yung gusto niya. Basta ang akin, bigyanniya lang ako ng apo. Whatever that means, basta bigyan niya ako ng anak."

Ano naman ang sabi ni Aiza tungkol dito?

"Ah, bibigyan naman niya ako in due time," sabi ni Mommy Caring.

Na-interview na noon si Aiza tungkol dito at sinabi namanniyang willing siyang bigyan si Mommy Caring ng apo kahit through artificialinsemination. Hindi naman daw pine-pressure ni Mommy Caring si Aiza.

"Kumbaga, nakaplano din naman yan. Si Aiza kasimagaling. Siyempre ngayon, hot pa siya, kaya wala pa sa ngayon yungplano ng baby. Pero hindi naman ako naiinip," pagtatapos ni Mommy Caring.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN