PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Lovi Poe asks the public to spare her mom from intrigues

Lovi says she tries not to think about the "playboy" accusation thrown at rumored boyfriend Jolo Revilla.
by Rose Garcia
Published Oct 7, 2008
"Kasi, it's hard to talk about my mom na, kasi she's a private person. ‘Tapos, ayoko nang ma-drag ang name niya sa business na ito, sa ginagawa ko. Although, parang wala naman akong choice, e," says Lovi Poe about her mom Rowena Moran's name being dragged into the issues involving her.

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Lovi Poe kaninang tanghali sa Ditzy Diner sa may E. Rodriguez, Quezon City, para sa press conference ng kanyang first major concert, ang Lovi Bloom, produced by Dream Concert Asia Entertainment Productions. Ang musical director ay si Eric Narvaez and over-all director naman si Joven Tan.

Sa ngayon daw, okey pa siya, pero sigurado raw na by next week ay kabado na siya.

"Ngayon kasi, excited pa ‘ko. Okey pa ‘ko, pero next week, siguradong kinakabahan na ‘ko," natatawang pag-amin ni Lovi na lumagare pa from her shooting of her indie film, Walang Hanggang Paalam.

Ano ba ang posibleng mapanood na bago sa kanya with Lovi Bloom?

"Siguro yung different side of me. A bit matured. Grown-up na. Makikita nila yun through my music, through my performance. Iba-iba. At saka, yung mga songs na kakantahin ko, lahat yun, personal choice ko pong talaga."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang line-up ng guests niya ay sina Ogie Alcasid, Jay-R, Dennis Trillo, Jan Nieto at Aljur Abrenica. Pero may nagtatanong nga kung bakit hindi raw si Marky Cielo ang kinuha niyang guest dahil sila ang mas identified na love team at muli pang nag-reunite sa La Lola?

"Si Aljur po kasi, ka-duet ko siya sa album ko, sa bago kong album, yung Bloom. Siyempre si Marky, gusto ko nga rin po sana. Sabi ko nga kay Tito Leo [Dominguez], sayaw kami ni Marky. Siguro po, baka hindi available si Marky or late na pong nasabi."

JOLO AND MOMMY ROWENA. Sa ngayon, mukhang malabo pa yatang matupad ang wish ni Lovi na huwag na siyang maintriga kay Jolo Revilla. Si Jolo pa rin talaga kasi ang paboritong itanong sa kanya ng press, at bago umalis ang PEP sa kanyang press conference ay nakita pa namin na dumating ang kanyang rumored boyfriend na si Jolo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Anyway, balitang namakyaw na raw ng front-seat tickets si Jolo at sigurado na ang panonood nito.

"Well, let's see...siguro makikita natin kung nandoon talaga siya."

Sinabi ng PEP kay Lovi na kinumpirma na nga ni Jolo ang pagdating at kasama pa raw nito ang pamilya niya na manonood.

"Ah, talaga? Let's wait and see... Siyempre, I'm happy kasi, finally, alam ko na may pupunta," natatawang biro niya. "I'm very happy naman."

Kung happy siya sa nangyayari, same feelings din kaya ang kanyang mommy na si Rowena Moran. Sigurado rin kasing manonood ito at ang pamilya nito sa concert niya

"Well, let's wait and see kung ano ang mangyayari sa concert."

Hindi kaya siya ang mailang?

"Siguro, I have the right not to be, because it's my concert. I owe it to the people. ‘Tapos nandoon sila, ‘tapos, ang pangit ng dating."

Sinigurado naman ni Lovi na definitely susuportahan siya ng kanyang ina at panonoorin siya sa kanyang first major concert. Pero hangga't maari, nakiusap si Lovi na huwag na lang daw isama sa mga isyu sa kanya ang kanyang mommy.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Kasi, it's hard to talk about my mom na, kasi she's a private person. ‘Tapos, ayoko nang ma-drag ang name niya sa business na ito, sa ginagawa ko. Although, parang wala naman akong choice, e."

SEEN TOGETHER AGAIN. For a while, parang hindi na sila visible ni Jolo together, pero hindi nawawala ang reports na nakikita raw sila sa ilang places, especially in Alabang. Pagkatapos ang birthday party ni Sen. Bong Revilla, mas nagiging visible na naman sila together ngayon?

"No, I just went to Tito Bong's birthday. Pero sinabi ko rin naman na ayokong gawing big deal ang pagpunta ko ro'n. Siyempre, iba yung iisipin nila. Iba yung iisipin ng ibang tao. Pero hindi ko naman ginagawang big deal ang pagpunta ko ro'n."

Pero nagpaalam nga ba siya sa kanyang mommy na she'll be attending the party?

"Basta all I can say, when it comes to my mom, ayoko na lang pag-usapan talaga. Hindi naman ako nagpapakapasaway," sabi nga niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Would she say, tanggap na ng mommy niya kung anuman ang meron sila ni Jolo, or nagbulag-bulagan na lang ito?

"I don't know kasi, it's hard to talk about it. Ayoko nang maano ang mga people involved. Both sides, may mahe-hurt, so, I don't want to hurt them naman."

Dugtong pa niya, "Siguro, all I can say is, nandoon siya sa SOP, hayaan na nating mag-isip yung mga tao. He was there as a surprise guest."

JOLO'S PLAYBOY IMAGE. Nasabi ni Jolo na siguro nga raw, yung stigma ng playboy image that Jolo brought with him from his lolo Ramon Revilla, Sr. to his father Bong Revilla, ang tila dahilan ng pagka-against ng mom ni Lovi dito. Anong masasabi ni Lovi rito?

"I don't know... Kasi, I don't think about that much na. Kasi, sasakit lang ang ulo ko. Maho-hospital lang ako sa kaiisip. Siguro for me lang, it's moving on. Kaya hopefully, wala nang masyadong intrigang ganito. Kaso, mukhang hindi naman na maiiwasan."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Mas lalo naman daw siyang napapamahal kay Jolo dahil nararamdaman nitong nandiyan lang siya, or in her own way, she's fighting din for whatever they have?

"It's a lot din, e. Kasi, wala naman akong kinakalaban, e. Wala akong kinakalaban at all. Siguro, I'm just sitting where I am lang. Not fighting. Not moving at all. Kumbaga, steady lang ako sa puwesto na feeling ko, doon lang."

Worth it naman ba sa tingin niya lahat ng ginagawa niya, especially her sticking to Jolo despite her mom's objection sa binata?

"Wala namang sticking...walang ganoon. Kasi ako, go with the flow. Bahala na. Kasi, if you plan your life, then, parang it will only be boring. I did that before and it's boring. Now, I'm going with the flow."

REBEL, REBEL. Hindi maiiwasan na mula nga nang ma-link siya kay Jolo at lumabas pa na tila vocal ang pagka-against ng mommy niya kay Jolo, na dinagdagan pa ng iba't ibang isyu during their Kaputol ng Isang Awit days, may mga impression parang nagrerebelde siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Does she feel the need to correct those impressions?

"Siguro I have no right to correct them. Pero, siguro, just to clear up my side, I understand their points. I understand that they have their own opinion. They have their own voices, to voice out what they feel about everything. But for me, for everything...not only for me, it's best siguro na everybody should know the whole and real story first.

"Nobody knows the whole and the real story but me. So, yun. Pero, accepted ko na yun na may masasabi talaga against me. Actually, okey lang na against me, huwag lang sa mom ko. Okey lang sa akin na sa akin na lang, huwag lang sa mom ko. Kaya ayaw ko na rin siyang pag-usapan. Kasi, iba rin yung sinasabi ng iba tungkol sa mom ko. So, I'd rather, throw it all na lang to me."

Yung personality ba na ipinapakita niya ngayon, was it her real personality even before? Yung kahit paano, marunong pala siyang lumaban?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Siguro I'm just growing up. It's part of growing up lang. Parang everbody passed through the stage na they've grown up and they already know what is in their mind. Kasi, malaki na ‘ko para makapag-isip. But it doesn't mean na hindi na ‘ko puwedeng pagsabihan.

"It's not like that. It's supposed to be, communication talaga."

Kung nagkataon at buhay pa rin ang father niya, the King of Philippine Movies Fernando Poe Jr., sa palagay kaya niya, her father would be happy sa lahat ng nangyayari sa kanya ngayon?

"Well, I don't know if this is gonna happen if he's still alive," natawa niyang sabi. "I don't know...kasi, we'll never know what might have been."

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Kasi, it's hard to talk about my mom na, kasi she's a private person. ‘Tapos, ayoko nang ma-drag ang name niya sa business na ito, sa ginagawa ko. Although, parang wala naman akong choice, e," says Lovi Poe about her mom Rowena Moran's name being dragged into the issues involving her.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results