LJ Moreno is making a comeback as a Viva Artist Agency (VAA) talent via the movie Singles. Sa kanilang magkakabarkada sa movie (Mylene Dizon, Desiree del Valle, Angelu de Leon and Rufa Mae Quinto), she's the most conservative and yet unang nabuntis at nag-asawa.
Enjoy siya rito dahil comedy naman daw. She's also looking forward to doing an indie movie. "Hindi ko pa siya nata-try, pero, gusto ko. I guess kasi, it's really fun and I guess, iba siya. Yung acting mo talaga, mahahasa talaga kapag mga indie films. Kinukuwento nga sa akin ni Mylene, sobrang love niyang gumawa ng mga indie films. Kasi yung quality talaga."
So far, mula nang maging VAA talent siya noong June, masaya raw siya sa mga nangyayari.
"Sobrang bait ni Ma'am Veronique [del Rosario, VAA head]. Maybe because, we're of the same age, girl and everything. So, happy naman ako sa mga sinimulan kong gawin under Viva and there are still projects na under negotiations pa."
LICENSED TEACHER. Sa mga hindi nakakaalam, LJ is actually a licensed teacher na nagtapos sa O.B. Montessori ng Early Childhood Education. For less than two years, nakapagturo na raw siya sa isang pre-school sa Corinthian, at sa Little Gym ng one year and a half.
Very proud si LJ sa pagkukuwento ng experience niya when she took up the board exam for teachers.
"Grabe, halos nag-anxiety attack kaya ako! I checked the papers. Kasi, di ba, parang nakakahiya kung bumagsak ako, di ba? It was October last year noong inilabas ang result."
Isang pangarap niya ang natupad when she finished her education course.
"Gusto ko talaga. Eventually, gusto kong magtayo ng sarili kong school. Maybe a year or two. I see myself teaching, maybe, when I have a family na. Pero siyempre, ngayon at least, nakuha ko ang experience. Natakot lang ako before na pagka-graduate, tama na.
"E, di ba, kapag nangyayari yun, hindi mo na nababalikan.? Hininto ko lang muna yung pagtuturo because I decided to come back na rin, in showbiz. Na-miss ko rin talaga ang acting...feeling ko rin kasi, before, I was younger. So, hindi ko masyadong naa-appreciate.
"Nate-take for granted ko, my work and everything. Ngayon, excited na ‘kong mag-work kasi, parang feeling ko, na-achieve ko na ang gusto kong ma-achieve. I got my degree and I passed the board exam. Nag-start na rin ako ng masteral sa La Salle, pero, hindi ko pa natapos."
NO REGRETS. Wala raw siyang nararamdamang regrets sa naging desisyon niya na for the past years, halos nawala talaga siya sa showbiz at ngayon nga lang ulit nagka-comeback.
"No regrets, ngayon kasi, parang back from scratch talaga ‘ko. Ready naman ako ro'n. As far as regrets, wala talaga. Kahit before, kapag nagte-taping ako, in the back of my mind, parang, okey, ang dami ko ngang work, pero, parang may kulang...may kulang.
"Siyempre, hindi naman pareho sa lahat, pero ang sa akin kasi, important sa akin ang education. I don't care if you say it's just a piece of paper, but it's important to me. I need that...yun..."
Puwedeng sabihin na bravery din yun on her part?
"Yeah, there was a time na financially, I wasn't okay. I'm just lucky na okey yung Dad ko and everything. Siyempre, naubos na rin yung naipon ko. Actually, hanggang ngayon, pag minsan, nakakahingi pa rin ako sa Papa ko. Parang ang hirap din, e. Siyempre nakakahiya rin. Nasanay din ako na I have my own money. Pero naisip ko naman, at least natapos na ‘ko at ngayon, ready na ako ulit to work."
Dugtong pa niya, "Feeling ko nga, mas okey. Kasi, mas naa-appreciate ko ang production staff and everything because I was employed as a regular employee. Ngayon, ang feeling ko, parang ang kapal naman ng mukha ko dati na magrereklamo na late matapos.
"Kaya kapag may mga tao akong nakakatrabaho na nagrereklamo...I feel like, ‘God, if these people only knew,' parang...di ba? Yun, it made me a better person and I appreciate things now.
"First job ko kasi, acting, so, no sense of comparisons. Minsan magrereklamo pa kami na puyat na kami, nag-iinit ang ulo. E, paano yung sa production na mas maaga pa sila sa set at mas late pa silang aalis at wala silang time na matulog? Kaya yun, sobrang I value them."
MARRYING PHASE IS PAST. Napa-"Excuse me!" siya at natatawang sabi na, "Anong akala mo sa akin?!" nang sabihin ng PEP na those days na nag-lie-low siya, we thought, puro lovelife lang ang inatupag niya.
But she admitted na prior to her friend Cheska Garcia's marriage with Doug Kramer, siya talaga yung dating may planong magpapakasal na.
"Yeah, that's true... Pero grabe, 22 pa lang ako no'n, ‘tapos naisip ko na magpakasal na! Ha-ha-ha! Ang kapal ng mukha ko! Parang for how many years, palagi akong nasa marrying mood. Na gusto ko nang magpakasal. Gusto ko nang magpakasal!
"I passed that. Ngayon lang yung sobrang, I'm enjoying my life and I wanna focus on my career and whatever I want to do, I'll stick to it. More on career ako ngayon."
SINGLE BUT HAPPY. Sa ngayon, she's single raw for nine months and she even asked us, while laughing, to congratulate her.
"Wala akong lovelife, but I have a lot of friends."
More on Fil-Am pa rin daw ang kadalasan niyang nami-meet, that's why we told her, parang sobrang attracted talaga siya sa mga Filipino-Americans.
"Maybe because, doon ako lumaki sa States. Kasi, yung only serious boyfriend ko na Pinoy na laki rito, si Diet [Diether Ocampo], yun lang!
"Na-trauma ko sa Pinoy? Ha-ha-ha! Hindi...joke lang! Maybe because yung mga circle of friends ko, mga Fil-Am din."
Right now, LJ is just happy to be back and acting again.
