PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Keempee de Leon happy for ex-girlfriend Vina Morales's pregnancy

Keempee plays a closet gay in GMA-7's "La Lola."
Published Oct 11, 2008
"Siguro naman it's about time na she experiences being a mother. Lahat naman ng mga kasabayan niya may mga sarili nang pamilya, di ba? I think naisip din iyon ni Vina. Kahit na nasa gitna siya ng isang hindi inaasahan na sitwasyon, I guess she's happy with her decision," says Keempee de Leon of his ex-girlfriend Vina Morales (inset) who is now two months pregnant.

Obvious na very much in love ngayon si Keempee de Leon. May kakaibang ngiti kasi siya nang mabanggit niya na may special girl ngayon sa puso niya.

Taga-Canada ang girl na nagpapatibok ng puso ngayon ni Keempee. Pinay ito na based sa Nova Scotia, Canada, at nagkakilala sila via Internet chat.

Ipinakita ni Keempee sa PEP (Philippine Entertainment Portal) ang litrato ng kanyang inspirasyon ngayon at napakasimple ng hitsura nito. May hawig nga ito kay Mikee Cojuangco at 21 years old lang. Ayaw sabihin ni Keempee ang name ng kanyang present girlfriend dahil hindi naman daw taga-showbiz ito.

"Hindi ko na lang sasabihin ang name niya para may privacy pa rin siya," ngiti pa ni Keempee. "Matagal-tagal na rin kami at siya ang madalas bumisita dito sa Pilipinas kasi nandito pa ang ibang family members niya."

Matagal din nga bago nagkaroon ng bagong girlfriend si Keempee. Kung matatandaan ay huling na-link si Keempee kay Pauleen Luna na nauwi sa hiwalayan ang samahan nila. Ngayon ay ready na ngang ulit na umibig si Keempee.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Kailangan din natin ng inspirasyon, di ba?" ngiti niya.

"Lalo na ngayon na sunud-sunod ang trabaho natin, nakakapagod kung wala kang napagkukuwentuhan ng mga nangyayari sa iyo. Nakakawala ng pagod kapag in love ka."

Balak na bisitahin ni Keempee ang kanyang girlfriend sa Canada next year kapag nakahanap siya ng mahaba-habang bakasyon. Ngayon kasi ay busy siya sa Eat Bulaga at taping ng bagong GMA primetime show na La Lola kunsaan gumaganap siyang closet gay na nakakaalam ng lihim ni Rhian Ramos. After mawala ang Kung Ako Ikaw, isang buwan lang nakapahinga si Keempee at nag-taping siya agad ng La Lola.

CLOSET GAY. Okey lang daw kay Keempee na bading ulit ang role niya sa isang TV show, tulad ng ginawa niya noon sa Bahay Mo Ba ‘To. Iba naman daw ang atake niya sa pagganap niya sa La Lola.

"Nakakatuwa lang kasi ako ang first choice nila na maging sidekick ni Rhian. Sa original na story, babae ang sidekick ni Lola. Sa version natin dito sa GMA-7, ginawa nilang closet gay para maiba at mas nakakatuwa sa audience.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Okey naman si Direk Dominic [Zapata] kasi sila ang nag-create noong character ko as Gary na closet gay, or sa lengguwahe nga ng mga bading, e, isang pa-mhin-tang durog. Funny ang mga eksena namin ni Rhian at Wendell kaya matutuwa sila sa show na ito."

VINA MORALES. Tinanong ng PEP si Keempee tungkol sa pagbubuntis ng kanyang naging ex-girlfriend na si Vina Morales. Inamin ni Keempee na nagulat siya sa naging desisyon ni Vina pero sa kabilang banda ay natutuwa siya at magiging isang mother na ito.

"Siguro naman it's about time na she experiences being a mother. Lahat naman ng mga kasabayan niya may mga sarili nang pamilya, di ba? I think naisip din iyon ni Vina. Kahit na nasa gitna siya ng isang hindi inaasahan na situwasyon, I guess she's happy with her decision.

"Matagal ko nang di nakakausap o nakikita si Vina. Pero if ever na magkita kami, wala naman kaming problema, e. We've been good friends naman. Lahat naman ng nakakarelasyon ko before ay nagiging kaibigan ko sa bandang huli."
Read Next
Read More Stories About
Keempee de Leon, Vina Morales
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Siguro naman it's about time na she experiences being a mother. Lahat naman ng mga kasabayan niya may mga sarili nang pamilya, di ba? I think naisip din iyon ni Vina. Kahit na nasa gitna siya ng isang hindi inaasahan na sitwasyon, I guess she's happy with her decision," says Keempee de Leon of his ex-girlfriend Vina Morales (inset) who is now two months pregnant.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results