PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Katrina Halili says no love life yet, but admits having "inspiration"

Kat is inspired by R&B singer Kris Lawrence.
by Rose Garcia
Published Oct 14, 2008
"Inspirasyon lang naman. Hayaan n'yo na, para masaya," says Katrina Halili of her current inspiration, R&B singer Kris Lawrence. Kat admitted they already have a sort of "mutual understanding" (MU).

Ayon sa press kit na ipinamigay sa press conference ng Gagambino kagabi, October 13, sa Studio 3 ng GMA-7, isang sexy star by profession ang role ni Katrina Halili bilang si Lucy, but at the same time, crime fighter by obsession. May kapangyarihan siya mula sa praying mantis.

Pero kinorek ni Katrina ang nakasulat sa presskit at sey nga niya sa kaharap na press people kagabi, "Actually, artista po ako rito. Tinatawag nila akong sexy star. Pero sinasabi ko, ‘Hindi ako sexy star, actress ako!' Ha-ha-ha!"

Wala raw kahirap-hirap si Katrina sa kanyang bagong papel.

"Sobrang character ko po siya. As in, palaban din siya, pero mabait din. ‘Tapos, makulit din. Pero hindi siya sobrang kulit, tama lang. As in, parang ako lang. Matapang din siya. Although, yung totoong Katrina, hindi naman siya pumapatay. Pero dito, si Lucy, pumapatay siya ng mga bad na tao."

Isang superhero si Katrina rito at nag-training nga raw siya bago pa man siya mag-taping, kaya hindi raw siya kontrabida rito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi ba niya nami-miss ang pagiging kontrabida?

"Ay, hindi po...hindi ko siya nami-miss. Okey na ‘ko rito. Baka kapag gumawa na naman ako ng mga kontrabida roles, matutuwa lang ang mga detractors ko," natatawa pa niyang sabi.

Silang dalawa uli ni Dennis Trillo ang magkapareha sa Gagambino. From the heavy drama na Magdusa Ka, sa isang fantaserye naman sila ngayon magtatambal ni Dennis.

"Magkababata kami ni Dennis dito. Bata pa lang kami, sobrang may gusto na ako sa kanya. ‘Tapos, nagkahiwa-hiwalay nga kami nang magpunta kami sa kuweba. Gusto ko pa rin siya, pero may gusto na siyang iba, si Nadine," maikling paglalarawan ni Katrina sa magiging takbo ng love triangle nilang tatlo nina Dennis at Nadine Samonte.

DENNIS CHANGED. During Magdusa Ka, ang reklamo lang ni Katrina kay Dennis ay ang pagiging sobrang tahimik daw nito, na kahit all-out effort na siyang magkausap sila, tahimik lang talaga ito.

Ngayon naman daw, may pagbabago na ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Nagsasalita na naman siya, ha-ha-ha! Okey naman na, nag-e-effort na naman siya."

Enjoy raw siya ngayon sa mga trabaho nila ni Dennis, like Gagambino.

"Nag-e-enjoy po. Sobrang relaxed. Hindi sobrang bigat. Kasi, from Magdusa Ka, nagdusa po talaga ko dahil sinabayan ng Obra, so, na-drain po akong talaga. Pero after, sobrang gaan na po lahat ng trabaho ko. Pati sa Sundo, kikay lang ako. ‘Tapos sa One Night Only, ganoon din, gold-digger na kalog, kikay."

Tawa pa niya, "Kaya sobrang gaan lang. Kahit dagdagan pa ng lima, okey lang!"

NO LOVELIFE; INSPIRATION, YES. Kung magaan ang lahat ng trabaho niya, kumusta naman kaya ang lovelife niya ngayon?

"Wala pa rin...pero may inspirasyon lang, okey na yun," nakangiti niyang sabi.

Masaya ba siya ngayon?

"Opo naman, siyempre, ang dami-rami kong trabaho. Hindi pa ba naman ako magiging masaya no'n, di ba?

Ayon kay Katrina, puwede niyang sabihin na nasa "mutual understanding" stage na sila ng napapabalitang inspirasyon niya na si Kris Lawrence. Kailan lang sila nagkakilala nang magkaroon ng show si Katrina sa U.S. last August, pero marami na raw siyang nakitang magagandang katangian at nagugustuhan sa binatang R&B singer.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Inspirasyon lang naman. Hayaan n'yo na, para masaya," sey na lang niya.

CRUSH ON KATRINA? During the presentation of the cast, pinaakyat at pinagsalita rin ang orihinal na lumikha ng Gagambino na si Carlo J. Caparas. Sa mensaheng ibinigay niya, nabanggit nga niya at tila naibuko ang kasamang anak na binata sa pagsasabing, sabi raw ng anak niya, sexy nga raw pala sa personal si Katrina.

Tuloy, during the interview, hindi nakaligtas sa entertainment press si Katrina sa panunukso sa kanya na crush yata siya ng anak ni Carlo J. In fact, habang ini-interview nga namin si Kat, may nagbiro pa sa aktres na madalas siyang tintingnan ng anak ni Carlo.

"Wala...nagulat lang ako at natuwa kasi, kilala pala ko ni Direk. Nagulat lang talaga ko at natuwa," sabi na lang ni Kat.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Inspirasyon lang naman. Hayaan n'yo na, para masaya," says Katrina Halili of her current inspiration, R&B singer Kris Lawrence. Kat admitted they already have a sort of "mutual understanding" (MU).
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results