First 'Philippine Idol' Mau Marcelo on "Pinoy Idol" winner Gretchen Espina: "Hindi siya deserving!"

"Sosyal po kasi yung dati kong manager. Ayaw niyang kumanta ako sa bar,magge-guest sa mga comedy bar, ayaw niya akong basta lang ipapasok sa isang TVshow, na hindi raw bagay sa title ko, mga ganoon. Dyusko, ano ang ginagawaniya? Wala naman, sa totoo lang!" laments Mau Marcelo about her former manager Sandra Chavez.



Nagbabalik na sa sirkulasyon ang Philippine Idol winner na siMau Marcelo. Sa presscon na ipinatawag ng Viva Artist Agency, na siyangnamamahala ngayon sa career ni Mau, kinuha ng PEP (Philippine EntertainmentPortal) ang reaksiyon ng singer sa pagkakaroon ng first Pinoy Idol at hindiisinunod sa title niya.

"Oo nga po, e. Nung una siyempre, medyo naasar ako. Pero atleast, ako pa rin ang unang Idol kaya medyo hindi masakit masyado...slight lang.Parang yun lang, bakit gaganunin pa? Parang iba lang yung channel, iba na rinyung pagtingin nila, gusto nila first lahat ang nangyari. Pero alam talaga ngtao, ako yung una," pahayag ni Mau.

Matatandaan na si Mau ang nanalo sa Philippine Idol nang makuha ng ABC-5 ang franchise ng Idol series. Pero nang makuha ng GMA-7 ang franchiseng popular singing search ay ginawa nilang Pinoy Idol ang title nito.

Hindi rin ni-recognize ng GMA-7 si Mau bilang kauna-unahangwinner ng Idol franchise dito sa Pilipinas. Ang nanalo sa Pinoy Idol na si Gretchen Espina ang binansagangkauna-unahang "Pinoy Idol."

Anong masasabi ni Mau na mas maganda diumano angfeedback sa Philippine Idol kesa sa Pinoy Idol?

"Yun na nga lang po, talagang may karma. Joke!" natatawang sabi ni Mau.

"Unang-una, nakita ko, hindi namanmagaling yung nanalo. Hindi siya deserving!" opinion ni Mau.

Sino sa tingin niya ang dapat nanalo?

"Si Penelope. Sa lalaki po, si Robby [Navarro]. Actually, na-realize ko, ‘eto na ba yung Top 12, ikumpara po sa PhilippineIdol. At saka parang ang bilis nilang natapos, hindi naramdaman. Yung sa amin,kahit Channel 5, at least, tinangkilik talaga."

Kumusta naman siya pagkatapos ng Philippine Idol?

"'Eto, two weeks na po ako sa Viva. Kababalik ko lang po.Dati na po akong Viva, Star For A Night days pa lang po. Nung manalo kasi akosa Philippine Idol, in-appoint ng Fremantle si Ma'am Sandra Chavez na managerko. Pero umalis na ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi pa tapos ang contract ko, pero nagpa-release na poako dahil wala pong nangyayari sacareer ko. Nasasayangan ako sa mga panahon, sa talent ko. At ako po aybreadwinner pa rin, e, wala po akongpera. Wala na po siyang [Sandra] trabahong ibinibigay sa akin, kaya nag-decideakong lumipat ulit ng Viva. Plano po nila, bigyan po ako ng album," lahad ni Mau.

Ano ngayon ang pangako ng Viva sa kanya?

"Wala naman po silang ipinangako, pero feeling ko, masmaalagaan nila ako at mas mapu-push nila ang career ko kahit papaano. Masmatitingnan nila, kasi si Ma'am Sandra po kasi, naging busy kina Sharon[Cuneta], kina KC [Concepcion], hindi ako iniintindi!" natatawa niyang sabi.

Patuloy ni Mau, "Kaya medyo nadi-disappoint din ako. Threeyears [contract] sana yun, e, two years pa langsana po ako sa December, pero hindi ko na kaya. Sa Lucena na nga po ulit kaminakatira, e. Lumipat din ako dahil mahal na, kulang na ang mga kinikita ko sapambayad [ng tinitirhan]."

Saan ba siyanag-show after niyang manalo sa Philippine Idol?

"Sa mga corporate shows. E, tago sa tao kaya akala nilabigla akong naglaho. Hindi kagaya nila Jan [Nieto], Gian [Magdangal], nasa SOPsila. Sosyal po kasi yung dati kong manager. Ayaw niyang kumanta ako sa bar,magge-guest sa mga comedy bar, ayaw niya akong basta lang ipapasok sa isang TVshow, na hindi raw bagay sa title ko, mga ganoon. Dyusko, ano ang ginagawaniya? Wala naman, sa totoo lang! Ayaw ko na kasing maging ano... Totoo kasi akongtao," mangiyak-ngiyak pang pahayag ni Mau.

"Sayang po yung panahon ko, lalo na nung kapapanalo ko palang. Yung mga supporters ko, tinatanong ako, nasaan na raw ako, ano na angnangyayari sa akin? ‘Buti pa sina Jan, sina Gian nasa SOP na, ikaw, ano? Ano ba‘yang career mo? Ano ba ‘yang manager mo? Magpalit ka na.' E, three years nga, peronag-isip-isip ako ‘pag ginaganoon ako," hinaing ni Mau.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN